PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gawad Urian 2026: What the critics saw in this year’s winners

Maris Racal, Jericho Rosales earn praise in Gawad Urian citations.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
gawad urian 2026 winners
What made the winners stand out at the 49th Gawad Urian? The Manunuri ng Pelikulang Pilipino’s citations offer a closer look at the performances and films that earned this year’s honors. Top, from left: Maris Racal, Odette Khan, and Jennica Garcia; bottom, from left: Jericho Rosales, Carlo Aquino, and Will Ashley.
PHOTO/S: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook

JERRY OLEA

Halos 300 pelikula — feature films, short films, at documentaries — ang isinumite para maikunsidera ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) para sa 49th Gawad Urian.

Isang daan at pito (107) ang certificates of nomination na ipinamahagi.

Ang awards ceremony ay ginanap noong Oktubre 8, 2026, Huwebes, sa Teresa Yuchengco Auditorium ng De La Salle University, Taft Avenue, Manila.

Simple at mabilis ang seremonya ng 49th Gawad Urian.

Walang host, bagkus ay may voice over.

Yung mga Manunuri na mismo ang presenters, na nagbasa ng citations para sa winners.

Narito ang citations ng MPP para sa acting winners na naka-post sa kanilang Facebook page.

BEST ACTRESS: MARIS RACAL

Para sa kanyang pulido at madamdaming pagganap sa papel ng isang matinik na dalagitang gymnast, na anupaman ang suliranin o balakid — kahirapan, di-inaasahang pagbubuntis, walang pakialam na boyfriend, mapanganib na aborsyon — ay hindi hinahayaang magupo o manghina man lang ang matibay niyang pagpapasiya na makamit ang kanyang kaisa-isa at natatanging ambisyon sa buhay bilang babae at tao — ang makapasa sa national try-outs para makasali siya sa Olympics, ang 2026 Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Aktres ay ipinagkakaloob kay Bb. Maris Racal, para sa pelikulang Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
maris racal urian 2026

BEST ACTRESS: ODETTE KHAN

Para sa kanyang sensitibo at makaantig-pusong karakterisasyon sa isang retiradong propesor ng batas at matapang na pro-bono lawyer, na ang tabil ng dila ay may kambal na malambot na puso, kaya naman kahit siya’y malapit nang mamatay sa kanser sa ospital ay buong puso pa ring nakikinig, umaalo, at nagbibigay ng ginintuang payo sa kanyang mga dating estudyanteng ngayo’y mga propesyonal na abogado na, ngunit may pinagdaraanang matinding krisis na personal o propesyonal sa kanilang buhay, ang 2026 Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Aktres ay ipinagkakaloob ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino kay Bb. Odette Khan para sa pelikulang Bar Boys: After School.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
odette khan urian 2026

BEST ACTOR: JERICHO ROSALES

Para sa nakamamangha niyang pagganap sa kontrobersyal na buhay ng karismatikong presidente ng Komonwelt, na walang patumanggang gumamit ng pinakamaruruming taktika ng politika, tulad ng pagsisinungaling, panggigipit, panunuyo, pambobola, pagbabanta, pakikipagkaibigan, pagyayabang, pagsuhol, paghihiganti, at kahit ang dakilang mithiin ng kalayaan, para masungkit niya ang pinakamatataas na posisyon sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan ng Amerika, ang 2026 Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Aktor ay ipinagkakaloob ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino kay G. Jericho Rosales para sa pelikulang Quezon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
jericho rosales urian 2026

BEST ACTOR: CARLO AQUINO

Para sa kanyang matimpi, ngunit madamdaming pagganap sa papel ng isang abogadong maka-mahirap, na, sa kabila ng napakababang naturingan-pang-sahod, na langit at lupa ang agwat sa kinikita ng kanyang mga kaibigang abogado, sa kabila ng masalimuot at matagal na pananaliksik sa mga kaso ng mga pobre niyang kliyente, at sa kabila ng mabibigat at tunay na mga banta sa kanyang buhay ng mga tirador na binabayaran ng mayayamang natatamaan ng kanyang mga kaso, ay patuloy pa rin at buong-loob ang pagsunod sa tunay na mithiin ng kanyang puso at konsensiya, saan man siya dalhin ng mga ito, ang 2026 Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Aktor ay ipinagkakaloob ng Manunuri ng Pelikulang Pilpino kay G. Carlo Aquino para sa pelilkulang Bar Boys: After School.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
carlo aquino urian 2026

BEST SUPPORTING ACTRESS: JENNICA GARCIA

Dahil sa kanyang pagganap bilang kapatid ng isang gymnast na pangunahing tauhan sa pelikulang ito, pinagtibay niya ang tunay na diwa sa likod ng pag-arte, na walang maliit na papel dahil ang lahat ay may organikong kaisahan, kagaya na lamang sa papel na ito na kapwa gymnast rin na maagang nagretiro dulot ng hamon ng pagiging ina. Lalo niyang pinatingkad ang karakter at dilema ng pangunahing tauhan, at humanga kaming manonood, umaasa na marami pa kaming masasaksihang pagganap niya sa susunod niyang mga pelikula, kaya iginagawad ang Pinakamahusay na Pumapangalawang Aktres kay Jennica Garcia ng Sunshine.

jennica garcia urian 2026

BEST SUPPORTING ACTOR: WILL ASHLEY

Para sa sensitibong pagganap ng karakter na working student, may pintig at pitlag sa hindi maarok na eksena at kondisyong nagsasalarawan ng pagkabalaho pero nabubuo dahil binubuo niya ang tapang at lakas na magsumikap, umigpaw at magtagumpay para magkapuwang sa mundo na lubos na nakapanghamig ng simpatya at empatya sa manonood, ang pinakamahusay na pangalawang aktor ay iginagawad kay Will Ashley para sa Bar Boys: After School.

will ashley urian 2026

Read: 49th Gawad Urian: Jericho, Carlo, Odette, Maris are big winners

GORGY RULA

Ang sabi ng kasalukuyang pangulo ng MPP na si Dr. Anne Frances Sangil: “Bukod sa pagsusulat, halos lahat kami ay mga educators. Hindi po talaga kami showbiz.

“And I think this is why… as teachers, we find it our inherent mission to educate, to pass whatever it is we know to whoever is interested to listen to us, to read us, to talk to us.

“Wala kaming kasawaan sa pagnood, sa pagsusulat, sa pakikipagtalastasan tungkol sa pelikulang Pilipino.

“Ang taunang Gawad Urian ay isang pagkakataon na kilalanin ang masaganang ani ay ang mga pinakamahusay na pelikula ng nakaraang taon.

“Sa gawing ito, nais naming makilahok ang lahat sa aming pagpapalagay at pagsusuri, hindi upang magdikta ng aming opinyon, o puwersahin ang sinuman na sumang-ayon sa aming mga desisyon.

“Ito ang aming paraan upang bigyang-pugay ang mga nakapagpaisip sa amin, nakapagpadama, at nakapagpaalala sa kung sino tayo bilang tao. Bilang Pilipino.”

Ikinalumbay ng MPP ang pagpanaw ng kasamahan nilang si Tito Genova Valiente noong Agosto 22, 2026.

Ikinalugod naman nila nang lubos nang mapabalita noong Setyembre 9 ang paghirang sa kasamahan nilang si Dr. Nicanor Tiongson bilang National Artist for Literature.

Pahayag pa ni Dr. Anne Frances Sangil: “Wala pong bayad para ma-consider sa Gawad Urian. Wala kaming registration fee.

“At hindi kami magkakaroon ng registration fee. Wala ding bayad para dumalo dito. Simple lang — pansit at tinapay, di ba?

“Lahat dito sa bulwagang ito, mainstream o indie, professional o amateur, PHP50M man o PHP50,000 ang production budget… lahat, pantay-pantay.

“At lahat ng ito ay ginagawa namin ‘for the love of.’ Wala po itong kapalit.”

manunuri ng pelikulang pilipino
The Manunuri ng Pelikulang Pilipino
Photo/s: Facebook

BEST PICTURE: BLOOM WHERE YOU ARE PLANTED

Dahil naipakita nito ang tapang at kabutihan ng pagsasapelikula ng katotohanan sa kabila ng kadiliman.

Dahil sa pamamagitan ng biswal at tunog ay inilarawan nito ang sinematikong paghahambing ng maaliwalas na lambak at ang karahasang pumapalibot dito.

Dahil napatunayan ng pelikulang ito na tunay nga ang sinabi ng isang tauhan sa naratibo, na “may mas malaking halaga ang buhay na inialay para sa kapwa.”

Sa kapangyarihan nitong ikwento sa atin ang buhay at impluwensiya ng isang cultural worker, isang aktibista, at isang manunulat, iginagawad ang Pinakamahusay na Pelikula sa Bloom Where You Are Planted.

bloom where you are planted urian 2026

BEST DIRECTOR: NONI ABAO

This outstanding director showed, with real empathy and heart, activism, political violence, red-tagging, imprisonment, displacement, even death, of people through their relationships, sacrifices, hopes, and resilience, as they are taken away from their homes and safe spaces.

These are stories of people who were prevented from returning to their homes and loved ones, or staying in prison and even killed because of their beliefs and activism.

The director brings us closer to how they continue their lives. They do not lose hope even in most difficult times and situations, continuing their journey for their voices to be heard through their sacrifices, still going on living, still going on hoping, and still going on resisting.

This director's work presents a resolve to contribute to transform communities and whole of society.

Despite all this violence, harassment, displacement, and deaths, the stories of individuals have been brilliantly put together as they continue to develop and build connections with their communities.

The director does not force emotions from the people but simply captures authenticity with natural performance and pacing that creates these genuine feelings.

The director captures reality, and shows direction that transforms everyday experiences wrapped in thoughtful and emotional resonance.

Ang Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Direksyon ay ibinibigay kay Noni Abao para sa pelikulang Bloom Where You Are Planted.

best director urian 2026

BEST SCREENPLAY: REPUBLIKA NG PIPOLIPINAS

Matagumpay na ipinamalas ng pelikulang ito ang posibilidad ng kritikang pampulitika sa balangkas ng reflexive at metafilmic na pagsasalaysay.

Sa mapaglarong anyo nito ng pagsasalaysay, naihabi ang samot-saring isyu gaya ng pangangamkam sa lupa ng ordinaryong pesante, pagkiling ng pamahalaan sa pribadong interes at ng kolektibong paghihiraya ng isang bayang bumabangga at umuusisa sa marahas na estado.

Susi rito ang paggamit ng pormang mockumentary na naging padron ng satirikal na paglalantad sa mga krisis, kontradiksyon at utopikong potensyal ng pagkabansa.

Dahil dito, ang Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Dulang Pampelikula ay iginagawad kay Renei Dimla para sa Republika ng Pipolipinas.

best screenplay gawad urian 2026

BEST DOCUMENTARY: BLOOM WHERE YOU ARE PLANTED

Mahalaga ang ambag ng dokumentaryo sa pagpapakita ng katotohanan ng mga hinabing kwentong bukas ng mga inaapi at inuusig ng estado.

Mahusay na dinisenyo ang mga pampelikulang elemento upang mapakinggan ang mga tinig nilang mga hindi pangkaraniwan.

Sa isang masining na paraan, ipinaaalala sa atin ang kapangyarihan ng dokumentaryo na patampukin ang katotohanang ang mga aktibistang dinadakip, ikinukulong at pinapatay ay hindi mga terorista kundi mga kapwa nating may angking tapang na ipaglaban ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan.

Iginagawad ang Pinakamahusay na Dokumentaryo kay Noni Abao para sa Bloom Where You Are Planted.

bloom where you are planted urian 2026

BEST SHORT FILM: CEMENTO

Mahusay na naihain ng maikling pelikula kung paanong ang isang ordinaryong bagay ay naging simbolo na ng huwad na pagunlad at korapsyon.

Mataas ang kasiningan ng pelikula upang ipadama ang kalituhan at kabalintunaan ng pagunlad sa pamamagitan ng imahe, tunog, at editing — na habang lumalawak ang sakop ng mga sementadong daan at istruktura, patuloy naman ang paglala ng baha at iba pang sakuna.

Tagumpay ang eksperimentasyon ng maikling dokumentaryong ito na tumutulak sa ating makiisa sa paniningil ng tagapgsalaysay ng pelikula.

Iginagawad ang Pinakamahusay na Maikling Pelikula kay Justine Borlagdan para sa Cemento.

cemento gawad urian 2026

Read: 49th Gawad Urian: tie winners, hakot awards, sidelights

NOEL FERRER

Para sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino, form is achieved content.

Maayos at mahusay ang aspektong teknikal ng pelikula kung napapatingkad, napapaganda at napapalalim pa ang appreciation natin sa kuwento, sa naratibo at prinsipyo ang gustong isulong ng pelikula.

Kaya’t ang mga pinararangalan nila ay hindi yaong nagpapapansin sa sarili — kundi sumasanib sa isang magandang kabuuan na ang pinagsisilbihan ay hindi ang sarili, kundi ang kuwento, ang buong pelikula.

Narito ang citations ng 49th Gawad Urian para sa technical categories:

BEST PRODUCTION DESIGN: QUEZON

The film is impressive in its meticulous attention to architecture and interior detail, a fascinating array of wardrobe and decor, and a blend of color themes and textures, which recreates a distinctive milieu of the Commonwealth era.

Such visual design lends a charm, tinged with a dash of irony, to the various settings and atmospheric tensions. It effectively shows us the grandeur that was — and still is — Philippine politics.

Ang nagwagi ng Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon ay si Monica Sebial para sa Quezon.

gawad urian 2026

BEST CINEMATOGRAPHY: QUEZON

Buhay na buhay ang mundong ginagalawan ng mga tauhan sa pelikulang ito, dahil sa mahusay na paglikha ng black-and-white bio clips at akmang liwanag upang matagumpay na madala ang manonood sa mismong daigdig at panahon ng isang kontrobersyal na pinuno.

Sa kanyang mahusay na paglapat ng mga anggulo, koreograpo ng kamera at masining na sinematograpiya lampas sa karaniwang pagdodokyumento ng kwento, nagsisilbi rin itong biswal na komentaryo sa pabago-bagong tahakin ng pulitika sa masalimuot na panahon.

Ang nagwagi ng Pinakamahusay na Sinematograpiya ay si Pong Ignacio para sa Quezon.

gawad urian 2026

BEST MUSICAL SCORE: QUEZON

Dahil sa paggamit ng mga angkop na awitin gaya ng orchestra sa mga silent movies, sa panahon ng Commonwealth kung saan nagsisimulang tumayo bilang isang bansa ang Pilipinas, at maging sa paggamit ng mga kontemporanyong musika upang ipahayag ang uri ng pulitika mayroon tayo ngayon, na tila larong pambata gaya ng Jack en Poy at kagyat na nagpapahayag ng kritikal na pagtingin sa kalagayan natin, iginagawad ang Pinakamahusay na Musika kay Jerold Tarog ng Quezon.

gawad urian 2026

BEST EDITING: BLOOM WHERE YOU ARE PLANTED

The film deftly intertwines the voices of the social activists and the images of the peasants’ strivings, with the many faces of the lush lands and winding terrains to illustrate a convincing portrait of a people’s struggle against social injustice, extrajudicial atrocities, and abuse of authority during the Duterte regime.

In its meditative pace, the straightforward narrative delivers its significant issues with force and cogency. Iginagawad ang Pinakamahusay na Editing kay Che Tagyamon ng Bloom Where You are Planted.

gawad urian 2026

BEST SOUND: CINEMARTYRS

Dahil sa masinsin at maingat na pagtitimpla ng tunog at angkop na musika, nagawa ng pelikulang ito na itawid tayo mula sa kontemporanyong panahon ng babaeng filmmaker, sa mundo mismo ng kamera at sa mundo ng madilim na kasaysayan ng pananakop ng Amerikano sa ating mga katutubo.

Ang resulta ay ang malikhaing pagsasalikop ng mga mundong ito at ang Parang Sabil na inaawit ng mga Tausug ay nagpapaalaala na may mga mundo pa ring hindi pa rin naririnig sa sentro, sa akademya, sa mga institusyon at sa siyudad, kaya tila hanggang ngayon ay minumulto pa rin tayo nito.

Dahil dito ang Pinakamahusay na Tunog ay iginagawad kay Emilio Bien Sparks ng Cinemartyrs.

gawad urian 2026

Read: Jericho, Will, Maris asked if they're hoping for a grand slam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What made the winners stand out at the 49th Gawad Urian? The Manunuri ng Pelikulang Pilipino’s citations offer a closer look at the performances and films that earned this year’s honors. Top, from left: Maris Racal, Odette Khan, and Jennica Garcia; bottom, from left: Jericho Rosales, Carlo Aquino, and Will Ashley.
PHOTO/S: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results