JERRY OLEA
Noong ‘90s pa ang MarJo tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
Together again sila sa afternoon series na Mommy Guard, at mainit pa rin ang suporta ng fans sa kanilang tambalan. Bakit kaya?
“Siguro kasi, bilib ako kay Marvin, e, sa lahat ng nangyayari sa buhay niya,” tugon ni Jolens sa mediacon noong Oktubre 9, 2026 sa MVP Studios, Sheridan St., Mandaluyong City.
“So, pagka merong magandang nangyayari sa kanya, napa-proud talaga ako.
“And siguro kung minsan, hindi kami nagkikita, hindi kami nagkakausap pero pag may nakita akong isang achievement niya, hindi ko talaga palalampasin ang oras na iyun na hindi ko siya ma-congratulate.”
Updated sila sa isa’t isa.
“Yes, of course. And kasi lalo na, si Marvin, sa ibang aspeto na, sa pagiging businessman niya, talagang bilib na bilib talaga ako sa kanya doon,” pagtatapat ni Jolina.
“So, natutuwa ako kapagka may mga achievement siyang ganun. Siguro isa yun na paraan sa akin para hindi mawala yung communication namin kahit paminsan-minsan.”
MARVIN AGUSTIN THANKS LOYAL MARJO FANS
Pahayag naman ni Marvin: “First, gusto naming pasalamatan yung fans. Parang before Ex Ex Lovers [2025], ang tagal naming hindi gumawa ng project together.
“But still, they remain very, very supportive sa amin. Kahit minsan sa social media na lang kami nakakapag-engage.
“Nagko-comment sila sa mga posts namin kaya nararamdaman namin na nandiyan. Tapos iyun nga, nag-Ex Ex Lovers kami last year.
“And we really felt the love. Na parang kahit matagal na panahong hindi namin sila nakita, nakasama, pero noong gumawa kami ng pelikula, nandiyan sila at sumuporta.
“Kaya ngayon, parang natutuwa kami at alam naming hinding-hindi nila kami iiwan. So very, very, very thankful.
“Naa-appreciate namin bawat oras, bawat sigaw, bawat pagmamahal na ibinibigay nila sa amin. Maraming-maraming salamat…
“And doon naman sa relationship namin ni Jolina, yun nga, we always remain ano... we know what’s happening with each other, yes.
“Nagkukumustahan kami. Kung si Jolina, proud sa mga ginagawa ko, ako, very, very proud sa pagiging nanay ni Jolina.
“Sa pagiging isang masaya at buong pamilya na meron si Jolina at si Mark [Escueta]. Hindi man kami nagkikita pero lagi ko siyang mine-message…
“Nakakapag-message kami every once in a while.”
Hirit pa ni Marvin, hanggang 92 years old ay gagawa sila ng project ni Jolina. Yun daw ang goal nila, “pasayahin ang tao kahit matanda na kami.”
Streaming ang Mommy Guard umpisa Oktubre 16, Biyernes, sa Netflix.
Eere iyon simula Oktubre 19, Lunes-Biyernes ng 2:30 P.M., sa TV5 at ABS-CBN platforms.

Read: Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode about Josh Aquino?
NOEL FERRER
Nanay na sa tunay na buhay ang 47-anyos na si Jolina Magdangal.
Paano niya iyon nagamit o nai-apply sa karakter niya sa TV series na Mommy Guard bilang Tina Dimaapi, ang nanay ni Happy (Amo Wilding)?
“Dito nga, parang ano, e. Parang naa-apply ko yung pagiging nanay ng isang… parang ano, parang may transition ng teenager,” lahad ni Jolina.
“Kaya minsan, pagka wala kaming take ni Amo, tinatanong ko, ‘Ikaw ba, sa mommy mo ba, lagi mo pa siyang kini-kiss kahit binata ka na?’ Kasi, nakikita ko yung anak ko sa kanya.
“So, kaya pag may mga eksena na minsan hindi naman talaga ako dapat iiyak pero naiiyak ako pag halimbawa tungkol sa kanya.
“Naa-apply ko para sa anak ko, yung ganyan. Kasi nga, malapit sila doon sa edad. Yung anak ko ay 12, magti-13.
“And andun siya sa transition niya ng pagiging teenager. So may transition siya, may transition din ako sa pagiging hindi ko alam kung sa 47 ay pa-perimenopausal something.
“Pero pareho kaming may transition. So, ang hirap.
"Pero dahil din dun sa mga eksenang ginagawa ko rito, naiintindihan ko kung papaano ko siya aatakehin sa role ni Amo, sa role ni Happy.
“At papaano ko rin gagawin pag-uwi ko sa bahay. ‘Ahh ganun pala!’ Kasi may nakausap ako na totoong nag-teenager na.
“So yun, madali naman. Madali na may konting hirap pero ang sa akin, may natututunan ako kay Amo kahit na siguro para sa kanya, bago siya rito.
“Pero hindi. Marami akong natututunan sa kanya bilang isang bata.”
Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey
GORGY RULA
Very excited si Marvin Agustin sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.
“At TV5 pa! Thank you very much for having me in this show. I’m very, very happy that I’m part of this one,” sey ni Marvin.
“Napakasaya, napaka-positive ng message. Napakaganda ng loveteam ko. Masayang-masaya!”
MOMMY GUARD PREVIEW
Bago ang Q&A ay pina-preview sa cast, production tram, media people, at fans ang first two episodes ng Mommy Guard.
Mensahe ni Jolina Magdangal: “Sana ay nagustuhan ninyo ang unang pakita namin ng aming sekreto, hindi, ng aming pinaghirapan.
“Totoo iyon. Pinaghirapan namin dahil halos kulang na lang, araw-araw mag-taping kami para matapos ang mga episodes.
“Pero ito ay very, very positive. Very happy, very light pero napapanahon. Kahit na ang gulu-gulo ng paligid, pag napanood niyo yung Mommy Guard, kayo ay sasaya!
“Kaya sama kayo sa journey namin dito sa Mommy Guard!”
Kasama sa cast ng Mommy Guard sina Amo Wilding, Nathalie Apollo, Cedrick Juan, Dominic Ochoa, Roxanne Guinoo, Susan Africa, Soliman Cruz, at Ruby Ruiz.
Nandiyan din sina Claudia Enriquez, Pearl Gonzales, Michelle Vito, Ge Villamil, Tabs Sumulong, Ely Cellan, Hershey Neri, Ankie Gray, Amber Torres, Aira Balbuena, Celyn David, Quinn Carillo, Inah Evans, Patrick Ballesteros, Ian Mark Kamangkang, James Caraan, Jalyn Taboneknek, Albert Nicolas, Migo Manikan, at GB Labrador, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
Sabi ni Direk Roman: “Sinuong namin ang habagat, sinuong namin ang El Niño ngayon, pero nandito pa rin kami para sa Mommy Guard!”
Read: Machong Chismisan podcast hosts apologize for mocking Josh Aquino
