JERRY OLEA
Kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 ang BL movie na The Boy Foretold by the Stars.
Bida rito sina Adrian Lindayag at Keann Johnson, sa panulat at direksiyon ni Dolly Dulu.
Nagkamit ito ng tatlong awards — 2nd best picture, best original theme song (“Ulan”), at gender sensitivity award.
Kabilang ito sa mga pelikulang tampok sa Pelikula ng Bayan: Sine50 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa halagang PHP50, may screenings ito sa Oktubre 21-27, 2026 sa Gateway Cineplex, Ayala Malls Cinemas Trinoma, SM Cinema Southmall, at Robinsons Galleria-Ortigas.

THE BOY FORETOLD BY THE STARS OBE-ACT PLAY
At yung one-act play na The Boy Foretold by the Stars ay kabilang sa 12 finalists ng inaugural Puregold Teatro Panalo na itatanghal sa Pebrero 20-Marso 14, 2027 sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC, Taguig City.
Noong Oktubre 14, 2026, Miyerkules sa Cinema 16 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, inihayag ang 12 finalists ng Teatro Panalo kung saan ang bawat dula ay may Php100,000 na cash prize mula sa Puregold.
Pahayag ni Direk Dolly: “Ay! Grabe yung kaba! Ha! Ha! Ha! Ahhh mas nakakakaba ito kesa kapag nagsu-shoot ako, ano?!
“Ahhmm thank you, thank you so much, Puregold… grabe! Na-break na iyung curse ng pagiging shortlisted ko forever!
“Ahhmm! The Boy Foretold by the Stars, yung pelikula po ay nanggaling sa play na ito. Ito po yung original form nung pelikula.
“At ten years ago ko na po itong naisulat noong nasa kolehiyo pa ako sa Ateneo. At ito siguro yung una, magiging professionally way na mai-stage siya.
“So, ino-offer ko po itong dulang ito para sa mga katulad ko, mga openly gay femme.
“At gusto lang nating i-empower sa mga kabataan na okay lang magmahal at mahalin mo kung sino yung gusto mong mahalin.
“Because you know, love is not based on gender but is based on human experiences.
“And everybody is human, and everybody is born to love. So, yun po tayo. Sana po, tangkilikin ninyo at suportahan nyo po ang The Boy Foretold by the Stars.”

Read: Ate Gay holds living funeral amid cancer journey
NOEL FERRER
Pasok din sa inaugural Puregold Teatro Panalo festival ang one-act play ni Jerom Canlas na Youngstunna.
Lahad ni Jerom: “Siyempre, isa pong karangalan na magsulat ng isang dula para sa ating mga youngstunna! Youngstunna represent!
“Hindi po ako youngstunna pero gusto ko po sanang ibahagi yung kuwento nila para mas marami pa pong mamulat.
“Marami pong makilala sila ng kung sino po talaga sila, at ano po yung tunay nilang mga adhikain at pangarap sa buhay.
“So, magkita-kita po tayo next year, February, para mapanood niyo po ang Youngstunna. Excited po ako. Sana, kayo rin po. Salamat!”

Si Jerom ang nagsulat ng dulang Footprint na kabilang sa 12 new plays ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad last June sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater.
Nasa cast ng Footprint ang younger brother niyang si Elijah Canlas, kasama sina Meryll Soriano, Omar Uddin, Pappel, at Jojo Cayabyab.
WILL ELIJAH CANLAS BE PART OF YOUNGSTUNNA?
Anim ang characters sa Youngstunna, at kabilang daw sa mga puwedeng mai-cast dito sina Tommy Alejandrino, Bon Lentejas, Ethan King, Buboy Villar, at Elijah.
Parang excited naman daw si Elijah nang mabanggit ni Jerom ang Youngstunna.
“Sabi niya, ‘Basahin ko.’ Kasi alam niyo naman po yun, parang gustung-gusto niya talagang natsa-challenge siya,” saad ni Jerom.
“At gusto niyang maging youngstunna! E, taga-Cavite din naman kami talaga. So yun, lubog din naman po kami sa danas din ng mga marginalized.”
Sa Cinemalaya 2025 film na Raging (Rumaragasa) kung saan bida si Elijah, assistant director si Jerom.
Kung sakali, baka si Jerom ang magdirek nitong Youngstunna.
“Most of our lives, we have the same dynamic naman, e. Sabi ko nga lagi, I’m his worst critic and biggest fan. At ganun din siya sa akin,” sabi ni Jerom.
“Exciting yun. Kasi siyempre, any opportunity to work with my brother, it’s a blessing.
“Collaborative kami palagi, kahit hindi ako involved sa project niya. Kunyari sa Edjop, nagko-consult siya noon sa akin, ‘Paano kaya ito, Kuya? Ano ang tingin mo sa script na ito?’ Ganyan.
“Lagi naman kaming nagtutulungan in whatever we do. Kasi nga, we have the trust. Alam namin yung kalidad namin sa isa’t isa.
“And the demand that we want our work to have. So yun, best effort to collaborate kapag may time.”
Naidirek ni Jerom si Elijah noong mga bata pa sila at nag-aaral sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna.
“Professionally, hindi. AD niya ako sa Raging, yun na siguro ang pinaka-professional,” sambit ni Jerom.
“Pero aside from that, baka first time ito. So exciting iyon, kasi siyempre, mas matatanda na kami ngayon.”
Read: Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode about Josh Aquino?
GORGY RULA
Hikahos ngayon ang local movie industry. Mahina rin ang TV industry, kaya inire-replay ang mga TV series.
Maraming mga movie stars, rumaraket na rin sa teatro.
“Nagfi-film din ako at nararamdaman ko na bakit ang hirap?” ng festival director ng Puregold Teatro Panalo na si Vincent de Jesus.
“Ang hirap umangat. Ang gaganda naman ng pelikula natin. Yung Cinemalaya, ang ganda. Yung CinePanalo, ang ganda.
“Buhay sila pero iba na pag hindi na part ng festival. Hindi tinatao.”
Maraming palabas sa teatro ang tinatao…
“Oo kasi siguro, since nag-pandemic, gusto ng tao talaga yung, ‘Uy! Tao, tao!’ Mag-picture tayo na buhay, hindi nasa screen. Baka yun ang lamang niya.”
Pakiwari niya, marami pang mainstream actors ang posibleng sumabak sa teatro?
“Oo. Kasi right now, everyone’s welcome. People call it stunt casting. Kumuha ng artista sa TV, sa ganyan,” tugon ni Vincent.
“Well, personally, wala namang masama doon. Kung kaya! Hindi iyung kinuha mo lang pero… kasi andaming theater actors na ginagawa ito buong buhay nila.
“Pinag-aralan talaga nila. Kahit sino man na kukuha ng role na hindi kaya, siyempre mapupuna. So, kung ano ang pinasok mo, kung sino ka man, I guess… di ba?
“At siyempre, hindi natin maipagkakaila na malaking tulong kung may pangalan yung artista. Kaya ang ginagawa ngayon, may alternates, e.
“Para equal sila. Kasi kung mahaba yung shows , hindi rin kakayanin ng isang artista, lalo’t 60 shows, di ba?!
“Tao lang siya. So, maghahati sila. So we get the best of both worlds.”
Mas gusto ba niya na mga taga-teatro talaga ang maika-cast sa mga dula ng Puregold Teatro Panalo?
“Ayoko kasing mag-gatekeep porke’t taga-theater ako. Theater lang, ha?!” bulalas ni Vincent.
“I mean, hindi na ganun ang buhay ngayon, e. I mean, hindi naman ako binakuran nung theater, pinapasok din nila ako dun.
“Ako nga yung isa sa mga unang nag-e-ABS-CBN, nagdyi-GMA, na hindi ako hinarang, e. At umaarte.
“So bakit ko gagawin iyun sa iba? Basta kayanin mo. Kung ano man ang pinasok mo, kayanin mo. Yun lang yun.”
Artistic adviser ng Puregold Teatro Panalo si National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.
Festival chairs sina Ivy Piedad at Chris Cahilig.
Read: MMFF history: Who are the record-holders for top acting awards?
