PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ASAP XP adds Star Worx artists; AOS’ days reportedly numbered

The Master Cutter opens Season 2 at No. 2 on Netflix.
by PEP Troika
Published 19 hours ago
asap xp aos ratings
ASAP XP is set to welcome Star Worx artists (left) beginning October 18 with its new timeslot, from 7 p.m. to 8:45 p.m. As for AOS (right), its future remains uncertain, according to the report, which says its representatives have yet to respond to questions about whether the program’s run is nearing its end.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Ang madalas na expression ni Atoy (Dingdong Dantes) sa The Master Cutter na “Anak ng Sinulid” ay naging titulo na ngayon ng pangalawang season ng naturang action-comedy-drama series ng GMA-7.

Noong Biyernes, October 16, 2026, ay pang-apat na episode na ng Season 2 ng The Master Cutter sa Netflix, at pumang-apat ito sa top ten trending TV shows sa Pilipinas.

Nang nagsimula ang Season 2 nito ay nag-No. 2 siya agad.

Noong nakaraang Miyerkules, October 14, nagsimula ito sa free TV.

Mukhang inabangan ito dahil naka-double digit ang rating nito, 10.6%, habang ang katapat nitong Coco Martin’s Sigabo ay naka-6.9%.

OCTOBER 14 RATINGS

Narito ang ratings ng mga programa noong nakaraang Miyerkules...

Hindi ganun kataas ang ratings sa hapon kung saan naka-4.6% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

Ang Born To Shine ay 4.8%, at ang What Lies Beneath ay 0.3%.

Ang huling Miyerkules ng Kamao ay naka-4.5%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.1%, at ang sumusunod na replay na Maria Clara at Ibarra ay 2.3%.

Ang Arthdal Chronicles ay 2.1%, at ang TV Patrol Express ay 0.7%.

Ang Family Feud ay 7%, ang Minute To Win It ay 2%, at ang Una sa Balita ay 1.3%.

Sa primetime ay naka-11.6% ang 24 Oras; ang TV Patrol ay 3.2%, at ang Frontline Pilipinas ay 2%.

Pagkatapos ng The Master Cutter (Anak Ng Sinulid) ay ang Taskforce: Firewall na naka-8.4%, at ang Someone, Someday ay 2.5%.

Ang sumusunod na Love, Siargao ay 2.9%, at ang The Loyalty Game ay 1.6%.

Noong Martes, October 13 pala ay bale ending ng Season 1 ng The Master Cutter. Naka-9.7% ito, at ang Sigabo ay 6.5%.

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey

NOEL FERRER

OCTBER 15 RATINGS

Noong Huwebes, October 15, 2026, ay medyo bumaba ang The Master Cutter na naka-9.4%. Ganun pa rin ang viewers ng Sigabo na nanatiling 6.9%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
the master cutter ratings

Sa hapon ay halos ganun pa rin ang viewers ng viewing level nito.

Simulan natin sa It’s Showtime na 4.5%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.

Ang Born To Shine ay 4.9%, at ang What Lies Beneath ay 0.5%.

Ang Kamao ay 4.3%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.1%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 2.7%, at ang Maria Clara at Ibarra ay 2.3%.

Ang Arthdal Chronicles ay 1.7%, at ang TV Patrol Express ay 0.5%.

Ang Family Feud ay 6.7%, at ang Minute To Win It ay 2%.

Pagdating ng primetime, ang 24 Oras 11.2%, at ang TV Patrol ay 2.9%.

Ang Frontline Pilipinas ay 2.1%, at ang Una sa Balita ay 1.4%.

Pagkatapos ng The Master Cutter at Sigabo, ang Task Force: Firewall na 8.1%, at ang Someone, Someday ay 2.9%.

Ang Love, Siargao ay 3.1%, at ang The Loyalty Game ay 1.6%.

JERRY OLEA

Simula Oktubre 18, 2026, Linggo, ay 7:00-8:45 P.M. na ang timeslot ng ASAP XP sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, and Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube.

Available din ang programa sa iWant at TFC.

Magiging bahagi na ang Star Worx artists sa ASAP XP.

star worx artists asap xp pampanga
Star Worx artists at ASAP XP in Pampanga
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos pasayahin ang mahigit 8,000 Cabalen sa back-to-back shows sa Pampanga, tuloy ang saya sa ASAP XP sa pasabog na opening number mula kina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Erik Santos, Bamboo, Belle Mariano, Robi Domingo, Alexa Ilacad, Maymay Entrata, Kai Montinola, AC Bonifacio, Jane de Leon, and Darren Espanto, together with Dylan Menor, Carmela Lorzano, Gianna Huelgas, Selina Griffin, Kaitlyn King, Chan Martin, Celyn David, Keisha Serna, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, and Spencer Capistrano.

May hatid na kilig ang performances ng The Loyalty Game stars na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez, at ang Always Yours, Never Mine stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Makibirit kasama ng TNT Divas na sina Carmelle Collado, Lyka Estrella, Arvery Lagoring, at Marielle Montellano; New Gen Divas na sina Alexa Ilacad, Kai Montinola, Esang De Torres, at Elha Nympha; at TV5 Divas na sina Kaitlyn, Selina, Gianna, at Carmela.

May reimagined version si Ogie Alcasid ng "Nandito Ako" at ang bonggang collab niya kasama sina Carmelle at Elha.

Tingnan natin kung aangat ang viewing level ng ASAP XP, dahil tinodo nila ang promo ng pagsasanib ng mga Kapamilya at Kapatid artists.

Noong nakaraang Linggo, October 11, ay naka-1.5% ang ASAP XP, at ang Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo ay 0.9%.

AOS' DAYS ARE REPORTEDLY NUMBERED

Samantala, wala pa ring sagot sa amin ang mga taga-AOS kung totoo bang bilang na ang mga araw nila sa ere.

Hindi pa rin kasi gaanong umuusad ang rating nito.

Noong Linggo, Oktubre 18, ay naka-3% lang ito; ang Sunday Noon Blockbuster ay 1%, at ang Cine Astig ay 0.7%.

Hindi rin kasi ganun kataas ang viewership ng Sunday afternoon.

Ang Regal Studio Presents ay 3%, at ang Kuan on One ay 0.7%.

Ang Resibo ay 3.4%, at ang May Puhunan ay 0.6%.

Ang FPJ Sa GMA ay 3.9%, ang Most Shocking Stories ay 0.6%, ang Julius Babao Unplugged ay 0.4%, at ang Rated Korina ay 1.2%.

Ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, ang Frontline Weekend ay 0.5%, at ang 24 Oras Weekend ay 6.1%.

Ang Bubble Gang ay 6.3%, ang sumusunod na The Voice Kids ay 8.1%.

Ang PBA Game 2 ay 2%, at ang Deal Or No Deal ay 2.6%.

Read: Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan’s Josh mockery

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ASAP XP is set to welcome Star Worx artists (left) beginning October 18 with its new timeslot, from 7 p.m. to 8:45 p.m. As for AOS (right), its future remains uncertain, according to the report, which says its representatives have yet to respond to questions about whether the program’s run is nearing its end.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results