PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Serrano nearly falls victim to "Pajama Girl"

Paolo Serrano recalls suspicious condo invitation from "Pajama Girl."
by PEP Troika
Published 7 hours ago
paolo serrano pajama girl
Viva Hot Men member Paolo Serrano reveals that he turned down an alleged offer of up to PHP150,000 from a woman known online as “Pajama Girl,” after becoming suspicious of her insistence that he visit her condominium. He later suspected that a hidden camera could have been involved in a possible scandal trap.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Muntik nang mabiktima ng Pajama Girl na maraming tattoo si Paolo Serrano, isa sa members ng grupong Viva Hot Men na inilunsad noong 2004.

“Muntikan ako dun!” bulalas ni Paolo nang makatsikahan ng PEP Troika sa premiere night ng advocacy film na Guryon noong Oktubre 17, 2026, Sabado, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Nag-message sa akin yun, mga November last year. Tapos nagtataka ako sa kanya, pinapapunta niya ako pilit sa condo sa QC. Pinapapunta niya ako sa QC.

“Magbabayad daw siya. One hundred to one hundred fifty [thousand pesos], depende sa name, ganun.

“Kinutuban ako. Masyado siyang eager na pumunta ako dun. Sabi ko, ‘Bakit kailangang diyan?!’ sabi kong ganun. ‘Bakit hindi sa iba?! Bakit mas gustung-gusto mo diyan?!’”

"THE BIG FOUR" SCANDAL

Nung Pebrero 28, 2026 sumambulat ang eskandalo ng "The Big Four," tampok sina Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad, at Arron Villaflor.

Ang reaksiyon ni Paolo nang mapanood ang scandal videos ng "The Big Four": “Nagulat ako! Tapos puch*, pag-ano ko, ‘Ay! Sh*t!’ Sabi ko, ‘Put*, ito yun, ah?!’ sabi kong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Buti na lang! Ha! Ha! Ha! Madami, basta andami niyang binabanggit sa akin na game daw gumanun.

“Ang sabi niya sa akin, ano daw, parang… parang ang trip lang daw nung magbabayad — manood.

“Sabi ko, ‘Babae siya, tapos manonood lang?! Tapos babayaran niya?!’ sabi kong ganun. Feeling ko, may something pa diyan. ‘May catch yan!’ sabi kong ganun.

“Hindi basta-basta maggaganyan yan. ‘Magbabayad ka, babae ka naman?! Tapos magbabayad ka ng ganun, one-fifty [thousand pesos]?!

“So sabi ko, ‘May catch diyan, sigurado! Malamang diyan, magvi-video yan!’ Or kung ano man, ibebenta yung video sa p*rn or ganun, kaya hindi ako tumuloy.

“Tapos biglang pumutok yun. Nagulat ako! Sh*t! Puro ano iyon, ah?! Buti na lang!”

Matapos ang payanig ng The Big Four, sumambulat din yung scandal videos nina Nico Locco, Andre Cue, Jayden Fernandez, at Ronie Palermo.

May iba pang kilalang male celebrities or personalities na nabiktima, pero minabuti nilang huwag magsalita tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ni Ron Angeles, mahigit 50 male personalities ang nabiktima.

Read: Paolo Serrano says he will not sell his body

Wika ni Paolo Serrano: “Kaya nagulat ako. O, babae naman ito, bakit magbabayad ng ganun? May hitsura naman, sakto lang. “Iyun nga ang catch. May hidden camera sa salamin…

“Tapos, nagpapa-referral siya. Magbigay daw ako ng ganyan, bibigyan niya ako. Sabi niya!

“Sabi ko, mahirap yan! Siyempre kumbaga parang isusubo mo yung mga kaibigan ko, halimbawa si ganito, isusubo mo, tapos alam mong vi-video-han?!

“Kung babae naman siya, gumimik lang sila… gumimik lang sila, kung gusto nila ng ganun. Kaso, ang hina-hunting nila, may mga name. Tapos, vi-video-han nila.

“Kaya willing silang magbayad. Kasi, ivi-video ka. Iyung pinakasalamin niya, nandun! At nandun yung hidden cam. Ganun siya.

“Kaya buti na lang! Naku, Dyusko! Yung anak ko pa naman, babae! Katakot!

“Buti, natunugan ko! Bakit willing magbayad ng ganitong presyo pero babae siya. Bakit, di ba?! May hitsura, parang mid-20s lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya sabi ko, may catch ito! Hindi bast-basta mag-aano ito!”

Read: Gil Cuerva opens up about trauma, double standard after scandal

NOEL FERRER

Ang Viva Hot Men ay male counterpart ng Viva Hot Babes, kung saan kabilang sa OG members sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Gwen Garcia, Jen Rosendahl, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, at Sheree Bautista.

Maliban kay Paolo, ang sampu pang nasa Viva Hot Men ay sina Allen Dizon, Adrian Zabala, Alken Miranda, Antonio Ramirez, Dave Anquilo, Jayson Colis, Jerome Ocampo, Justin de Leon, McMiel Dennison, at Miguel Garcia.

viva hot men
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Merong Bulaklak: Viva Hot Babes Reunion Concert na gaganapin sa Oktubre 23 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon.

Tampok doon sina Maui, Katya, Andrea, Gwen, at Sheree, plus Jaycee Parker, Ella V., and Jennifer Lee.

Ang Viva Hot Men, wala bang reunion?

“Oo nga po! Kaya sabi ko kina Allen Dizon, mag-get together na, e!” sambit ni Paolo Serrano.

Read: Giro del Rosario reveals what it’s like to shoot daring VMX scenes

GORGY RULA

Nagbida si Paolo Serrano sa indie movies na Matthew, Mark, Luke, and John (2005), Green Paradise (2008), at Heavenly Touch (2009).

Tuluy-tuloy ang paglabas niya sa mga teleserye, kabilang ang FPJ’s Ang Probinsyano, The Blood Sisters, Nang Ngumiti Ang Langit, Las Hermanas, FPJ’s Batang Quiapo, What Lies Beneath, at Roja.

“One year and six months po ako sa FPJ’s Batang Quiapo. Ngayon ay kasama naman po ako sa Coco Martin’s Sigabo,” sabi ni Paolo.

Ano ang papel niya sa advocacy film na Guryon?

“Isa ako sa magbibigay ng malaking unos sa magkapatid [Zaijian Jaranilla, Kanye Avendano]. Ako ang pinakamatinding unos,” sabi ni Paolo.

PAOLO SERRANO AS A FATHER TO A TEN-YEAR-OLD DAUGHTER

Wala pang asawa si Paolo, pero meron siyang girlfriend. Isa lang ang anak niya, ten-year-old daughter.

OK na kay Paolo ang paglabas-labas sa TV bilang kontrabida.

Ayaw na niyang sumabak sa mapangahas na pagganap sa streaming platform na gana ng VMX.

Katwiran ni Paolo: “Hindi na po ako mag-aano, kasi babae iyung anak ko. E, usung-uso ang ano, pag lumabas ka, kawawa sa school ang anak ko, mabu-bully.”

Ano ang reaksiyon ng anak niya sa pagkokontrabida niya sa TV?

“Ine-explain ko agad. Sabi ko, ‘Acting lang iyan. Hindi talaga totoong ano yan.’ Kasi, una, natatakot, e,” pagtatapat ni Paolo.

“Tapos nung sinasabi ko, ‘Wala yan! Umaakting lang iyan, hindi yan ano!’ Ayun, naintindihan na niya.”

Read: Barbie Forteza on Honor Thy Mother: Happy set, tough scenes, valuable lesson from Sharon Cuneta

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viva Hot Men member Paolo Serrano reveals that he turned down an alleged offer of up to PHP150,000 from a woman known online as “Pajama Girl,” after becoming suspicious of her insistence that he visit her condominium. He later suspected that a hidden camera could have been involved in a possible scandal trap.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results