GORGY RULA
October 19, 2026, Lunes, nagsimula ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Delivery Boi na pinagbibidahan ni Will Ashley.
Isa sa cast sa bagong seryeng ito ay si Eric Quizon, na nahirapan daw dahil first time niyang gumanap na may kakambal.
Madugo raw ang taping niya.
“Meron akong kakambal,” pakli ni Eric.
“Nagkaroon ako ng interest sa role kasi nga hindi ko pa siya nagagawa.
“Magkaiba ang personality nila, isang mabait, yung isa mas happy go lucky.
"Yung isa mas ano sa trabaho.”
Pero all-out na comedy ito, para mas magaan daw panoorin sa mga panghapong programa.
“Comedy pero heartwarming siya. Pero comedy talaga.
"Kasi ang gusto nilang mangyari, pang-breaker sa hapon. Hindi yung puro drama,” sabi ni Eric.

Ang Delivery Boi ang kapalit sa timeslot ng Kamao ni Anton Vinzon na ibang-iba talaga ang genre.

Nitong Monday afternoon din nag-umpisa sa TV5 at Kapamilya platforms ang Mommy Guard nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na relatively light din.

Kaya challenge sa mga bumubuo ng afternoon drama dahil iba ang audience sa ganitong oras.
May araw na mataas ang viewership, meron ding mababa talaga.
OCTOBER 16 RATINGS
Kagaya noong Biyernes, October 16, kung saan ang finale episode ng Kamao. Medyo mababa ang viewership nung araw na yun.
Ang It’s Showtime ay 4.9%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Ang sumusunod na Born To Shine ay 4.9% din, at ang What Lies Beneath ay 0.4%.
Ang Kamao ay 4.5%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.2%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 2.8%, ang sumusunod na Maria Clara at Ibarra ay 2.4%.
Ang Arthdal Chronicles ay 2.2%, at ang TV Patrol Express ay 0.5%.
Ang Family Feud ay 6.9%, at ang Minute To Win It ay 1.6%.
Sa primetime naman, ang 24 Oras ay naka-10.6%.
Ang TV Patrol ay 3%, ang Una sa Balita ay 1%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.6%.
Ang The Master Cutter ay 9.3%, at ang Sigabo ay 6.8%.
Sumunod ang Task Force: Firewall na 8.3%, at ang Someone, Someday ay 3.3%.
Ang Love, Siargao ay 3.1%, at ang The Loyalty Game ay 1.9%.
Read: The Master Cutter top Pinoy series on Netflix; Someone, Someday exits Top 10
NOEL FERRER
OCTOBER 17 RATINGS
Noong Sabado, October 17, ay masaya ang mga taga-Vibe+ dahil medyo tumaas na ang viewership nila, hindi na below 1%.
Naka-1.1% ang Vibe+, at masaya na sila dahil napapansin na ito; at ang TV Patrol ay 1.3%.
Sa oras na yun ay may 24 Oras Weekend pa sa GMA-7, at 5% ito.
Sa gabing yun ay finale ng The People Have Spoken ni Heart Evangelista. Naka-5.8% ito.
Ipinaalala sa amin na ito rin daw ang rating ng finale episode ng Planet XP na nasa ganito ring timeslot.
Sumunod ang Pepito Manaloto na 7%, at ang Deal or No Deal ay 2.9%.
Noong Linggo, October 18, ay nasa bagong timeslot na ang ASAP XP na pumasok na sa primetime.
Tumaas ito kung ikumpara sa dati nilang ratings.
Sa episode na yun ay nasa Pampanga ang ASAP XP at collaboration na nila ito sa Star Worx artists ng TV5.
Naka-2.3% ito nung Linggo, at ganundin ang rating ng katapat na PBA Recap at Game 2 sa RPTV.
Ang halos katapat nilang The Voice Kids ay naka-9%.
Read: Meet the five men in the viral Machong Chismisan episode: What they said and how they responded
JERRY OLEA
Kung 2.3% ang ASAP XP sa primetime, 2.3% din ang rating ng All-Out Sundays sa tanghali.
Ang Sunday Noontime Blockbuster ay 0.5%, at ang Cine Astig ay 0.6%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.1%, at ang Kuan On One ay 0.2%.
Ang Resibo ay 2.6%, at ang May Puhunan ay 0.1%.
Ang FPJ sa GMA ay 2.8%, ang Shocking Stories ay 0.2%.
Ang Julius Babao Unplugged ay 0.2%, at ang Rated Korina ay 0.5%.
Sa primetime na 24 Oras Weekend ay 5.2%, ang TV Patrol Weekend ay 0.7%, at ang Frontline Weekend ay 0.4%.
Ang Bubble Gang na nagdiriwang ng kanilang 31st anniversary ay 6.3%.
Pagkatapos ng The Voice Kids ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 10.4%, at ang Deal or No Deal ay 1.6%.
VINCE MARISTELA THANKS VICE GANDA
Samantala, masaya si Vince Maristela na napapansin na siya ngayon bilang isa sa co-hosts ni Vice Ganda sa Gandang Gabi, Vice.
Ang Unkabogable Superstar daw ang nakakita na puwede siyang mag-comedy.
Napansin siya noon nung naglaro siya ng "Laro Laro Pick" sa It’s Showtime at hindi niya alam na si Charo Santos ang host ng Maalaala Mo Kaya.
“Sa totoo lang, bago lang naman ako sa hosting, and for me it’s an opportunity for me na maipakita ko yung personality ko,” napangiting pakli ni Vince sa media conference ng Delivery Boi.
“Like, ever since naman talaga, sa drama, sa panghapon, iyakan. Ngayon, bago ito sa akin, comedy show. Comedy na hosting and sa akin ano din talaga e. Bagay na i-improve sa craft ko,” dagdag ni Vince.

Nagpasalamat si Vice kay Vice Ganda dahil sa binigyan siya ng break sa hosting dito sa Gandang Gabi Vice.
“Si Meme, ano. Pinaparamdam niya talaga sa akin na safe ako. And pinaparamdam niya sa akin na just be yourself.
“Sa totoo lang, siya nagsabi sa akin na ‘Alam mo, Vince, puwede kang maging comedian e.’
“Ang laking kumpiyansa sa akin yun. Bilang ano…alam mo yun, uprising na gusto mong ibigay ang talent mo ganyan.”
Noong Linggo ay naka-3.2% ang rating ng Gandang Gabi, Vice.
Read: Vince Maristela meets Charo Santos after viral MMK mix-up
