PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pee Mak reportedly grosses PHP32 million in five days

Wilbert Ross and Bea Binene’s Pee Mak gains strong audience support
by PEP Troika
Published 3 hours ago
pee mak box office
Wilbert Ross and Bea Binene’s onscreen partnership is gaining momentum as Pee Mak reportedly earns PHP32 million in five days, with fans’ block screenings helping boost its performance.
PHOTO/S: Viva Films

GORGY RULA

Ni-repost ni Wilbert Ross ang lumabas sa X na Top 10 Highest-Grossing Movies in the Philippines (Week of October 14 to 20, 2026).

Meron ding nag-post ng box-office returns umano ng Pee Mak mula October 14 hanggang 18, at pareho ang figures na nakalagay.

Kumita raw ito ng PHP23 million.

Kaya ang pelikulang pinagbibidahan nina Wilbert at Bea Binene ang nangunguna sa mga pelikulang showing ngayon sa ating mga sinehan.

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, mula nang mag-showing ang Pee Mak noong October 14 hanggang nung weekend ay kumita na ito ng PHP32 million.

Kaya napa-“wow!” si Wilbert nang ipinost niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatuwa lang na napatunayan ng WilBea loveteam na kaya na nilang magdala ng pelikula.

Talagang ipinakita ng fans ang suporta nila, dahil malaking bagay raw yung mga block screening na ginawa nila kaya kumita ito nang malaki.

pee mak box office

ALWAYS YOURS, NEVER MINE

Bukod sa Pee Mak, nakasaad pa roon ang ibang mga pelikulang nag-showing nung linggong yun at kung magkano ang kinita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasali pa roon ang JoshLia film na Always Yours, Never Mine na noong September 30 pa nag-showing sa mga sinehan.

Sa linggong yun (October 14 hanggang 18) ay kumita pa raw ng P14.2M ang Always Yours, Never Mine.

Akala ng ibang netizens ay yun lang talaga ang kinita ng JoshLia movie.

Pero bago yan ay naglabas na ng press release ang Star Cinema na naka-PHP100M na raw ito. Kaya okay na rin.

always yours never mine
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

2 VALID IDS

Ang nakasabay ng Pee Mak na nag-showing noong October 14 ay ang Cinemalaya 2026 topgrosser na 2 Valid IDs starring Marietta Subong aka Pokwang.

Ayon sa report, naka-PHP8.3M na raw ito.

Sa totoo lang, okay pa rin yun dahil ayon sa aming reliable source, PHP700K lang daw ang first-day nito.

Ibig sabihin, medyo nadagdagan pa ng manonood dahil may mga natira pang sinehan.

Kaya medyo umookey na ang local films na ilang taon nang hilahod sa takilya.

Siguro, kung maganda lang talaga ang pelikula at may word of mouth, papanoorin ito.

2 valid ids cinemalaya 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: WilBea's Pee Mak projected to earn PHP5M on opening day

NOEL FERRER

Sabi ng aming source, kung patuloy ang malakas na performance sa takilya, baka umabot pa ng PHP60M ang Pee Mak sa pagpasok ng second week ng showing sa mga sinehan.

Kaya bentang-benta na ang WilBea loveteam at inaabangan kung ano ang isusunod na project na gagawin ng Viva para sa kanila.

Posible kayang magka-concert din silang dalawa o susundan uli ng isa pang pelikula?

Successful kasi ang concert ni Wilbert Ross, at ang hinihintay ay silang dalawa naman ang susunod.

Ani Bea Binene sa premiere ng Pee Mak: “I think it all boils down to the management’s decision.

“Siguro the fact na they gave this project to us, that means, pinagkakatiwalaan po kami at nagpapasalamat po talaga kami dun.”

Tumatango naman si Wilbert na umaayon sa sinabi ni Bea.

Congratulations sa kanilang dalawa, lalo na kay Bea na talagang nanumbalik ang sigla ng showbiz career pagkatapos niyang umalis sa GMA-7 at lumipat sa Viva Artists Agency!

Read: Baby Dolls’ Juby, Vice Ganda criticized over Donny Pangilinan dream story

JERRY OLEA

Nanguna sa takilya ng North America last weekend (October 16-18, 2026) ang bagong bukas na Street Fighter.

Ayon sa Box Office Mojo ay $30.8M ang opening weekend gross ng martial arts comedy film na tinatampukan nina Noah Centineo, Andrew Koji, Callina Liang, Joe “Roman Reigns” Anoa’i, David Dastmalchian, Cody Rhodes, Eric Andre, at Jason Momoa.

street fighter poster

Pumangalawa ang bagong bukas na documentary film na You Can See Everything with $15.6M.

Yung kampeon last week na Other Mommy ay nasa pangatlong puwesto na with $8.2M.

Nag-open sa fourth place ang Whitefall with $7.8M.

Nasa pansampung puwesto yung Forgotten Island na ang domestic gross ay $35.2M na, at ang worldwide gross ay umabot na sa $60.5M.

Sa Pilipinas ay umabot na raw sa PHP240M ang hinamig ng Forgotten Island.

Certified flop ang Digger na $41.7M pa lang ang worldwide gross.

Ang production budget ng satirical black comedy film na ito ni Tom Cruise ay hindi raw bababa sa $125M.

digger poster

Read: Mr. Chinatown 2013 winner Randy See dies at 34 in car accident

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Ross and Bea Binene’s onscreen partnership is gaining momentum as Pee Mak reportedly earns PHP32 million in five days, with fans’ block screenings helping boost its performance.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results