JERRY OLEA
Ano ang dream ni Direk Roman Perez Jr. para sa Kapatid afternoon series na Mommy Guard kung saan bida sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin?
Pangarap ba nilang magtagal ng walo o siyam na taon ang Mommy Guard?
“Ahh siyempre, pangarap po ng show yon,” tugon ni Direk Roman sa mediacon noong Oktubre 9, 2026 sa MVP Studios, Sheridan St., Mandaluyong City.
“Siyempre lahat naman, iyon ang pangarap. Lahat…”
Singit ni Inah Evans na host ng mediacon at kasama sa cast, “Nine years, Direk?”
“Mga ten. Makapagpaaral muna ako ng doktor, tapos okey na tayo,” nagbibirong tugon ni Direk Roman.
“Hindi! Joke lang. Ahh… siyempre nagke-create tayo ngayon sa hapon, may nabuo na tayong Freddie Webb and Nova Villa noong mga panahon na yon.
“May nabuo tayong Maricel Soriano-Cesar Montano. May nabuo tayong Dolphy and Nida Blanca.
“Ngayong panahon, walang ganoon. Pero may Marvin and Jolina!”
Napahiyaw at pumalakpak nang lubos ang MarJo fans na nasa mediacon.
Pagpapatuloy ni Direk Roman: “Yun ang binubuo natin ngayon na sana, humaba pa tayo. Na sana, humaba yung show.
“Lahat naman, yun ang pangarap. Pero again, sabi ko nga, pinag-usapan natin kanina… ang lungkot ng hapon natin ngayon.
“Ang lungkot ng mundo. Maysakit ang bayan. Kailangan maging masaya tayo lahat.
“Ang kalaban namin ay impeachment. Kasagsagan ng impeachment, manonood ka ng impeachment, mapapagod ka.
“Ililipat mo sa TV5. Mommy Guard! Sisirain niyan ang impeachment. Sisirain!
“Paliligayahin kayo nung Marvin Jolina and Marvin Agustin… yun po ang pangarap natin — masira ang kalungkutan sa hapon!”

MOMMY GUARD ON NETFLIX
Eighty (80) episodes ng Mommy Guard ang nakalatag sa Netflix.
Ang last two episodes nito ay sa Pebrero 2027 mag-i-streaming.
Ngayong Oktubre 21, 2026, Miyerkules, ay No. 3 na ang Mommy Guard sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Mula Oktubre 11, Linggo, hanggang ngayon ay nananatiling No. 1 ang Doctor X: Mafia in White sa naturang talaan.
Pangalawa naman mula noong Oktubre 18, Linggo, hanggang ngayon ang The Master Cutter: Anak ng Sinulid.
Aside from Marvin, Jolina and Inah, nasa cast ng Mommy Guard sina Amo Wilding, Nathalie Apollo, Dominic Ochoa, Susan Africa, Soliman Cruz, Cedrick Juan, Roxanne Guinoo, Pearl Gonzales, Ankie Grey, Tabs Sumulong, GB Labrador, Celyn David, Patrick Ballesteros, Raffy Tejada, Albert Nicolas, Claudia Enriquez, Hershey Neri, at Chamyto Aguedan.
Read: Jolina Magdangal, Marvin Agustin proud of each other
NOEL FERRER
Bago pa nag-streaming ang Mommy Guard noong Oktubre 16, Biyernes, sa Netflix, nag-shout out si Direk Roman Perez Jr. sa Facebook: “Yes, May Network War. Nakakansel ang mga MOMMY GUARD Cast sa ibang Network.”
Pagtatapat ni Direk Roman sa PEP Troika ngayong Oktubre 21, Miyerkules, via Messenger, ayaw nang mag-Mommy Guard nina Inah Evans at Chamyto Aguedan dahil pinapili sila ng ibang TV network.
“Hinaharang na ang mga cast member namin. Nakakaloka,” himutok ni Direk Roman.
“Ayaw nila kay Susan Africa dahil nasa Mommy Guard. Akala ko, walang Network War.”
Ewan kung nagkataon lang pero ang isang cast member ng Mommy Guard ay pinatay agad ang karakter nito sa isang serye ng ibang network.
Who’s Afraid of Mommy Guard?!
Read: Andoy Ranay recalls "bida-bida" audition blooper; recommends Kobie Brown in this play
GORGY RULA
Medyo mababa talaga ang viewership ng mga TV program sa hapon.
Noong Lunes, October 19, ay hindi ganun kataas ang viewing level. Pero puwede na ang naitalang ratings ng Mommy Guard.
Sa pilot episode nito nung Lunes ay naka-1.7% ang Mommy Guard. Ang katapat nitong Born To Shine sa GMA-7 ay 4.9%.
Pagkatapos ng Born To Shine, sumunod ang Delivery Boi ni Will Ashley na nag-pilot din nung araw na iyun. Naka-3.8% ito.

Ang katapat nitong What Lies Beneath ay 0.2 percent.
Pagkatapos nito ay ang Fast Talk with Abunda na 2.7%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.2%.
Ang Maria Clara at Ibarra naman ay 2.4%, at ang sumusunod an Athdal Chronicles ay 2%. Ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Mataas ang rating ng Family Feud na naka-7.2%, at ang Minute To Win It ay 1.1%.
OCTOBER 20 AFTERNOON RATINGS
Noong Martes, October 20, ay bahagyang bumaba ang Mommy Guard na naka-1.5%; ganundin ang Born To Shine na naging 4.7%.
Medyo tumaas naman ang Delivery Boi na naging 4%, at ang What Lies Beneath ay 0.3%.
Ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 2.8%.
Ang Arthdal Chronicles ay 1.7%, at ang TV Patrol Express ay 0.8%.
Na-maintain ng Family Feud ang 7.2%, at ang Minute To Win It ay 1.4%.
Read: REVIEW: 2 Valid IDs exposes painful realities of a broken system
