JERRY OLEA
Hindi pala ang advocacy film na Guryon ang unang film project ng Blackfire Entertainment Film Production ni Alpha Carmina Valdez.
“Ito ang pinakamasakit na katotohanan!” bulalas ni Ma’am Alpha sa Q&A bago ang premiere screening ng Guryon noong Oktubre 17, 2026, Sabado, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
“Kasi may previous talaga akong ginawang film… Historical siya na gusto ko ring iano sa schools.
“Napunta na lang talaga siya sa history saka sa legal. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi pa natatapos hanggang ngayon [yung movie].”
MOVIE ABOUT MA'AM ALPHA'S LIFE
Makulay ang buhay ni Ma’am Alpha. Gusto ba niyang isapelikula iyon?
“Actually po, talaga, kung sa buhay ko lang, kung personal experiences, talagang… dumaan din talaga ako sa masalimuot,” pagtatapat ni Ma’am Alpha.
“Kasi ako din yung bata na naabandona ng magulang. Naabondana rin talaga ako ng magulang.
“Pero hindi porke inabandona ka ng tunay mong magulang, walang kakalinga sa iyo.
“Actually nandito yung foster father ko. Siya yung lagi kong kasama, si Papa Eddie. Nung iniwan ako ng mother ko nung three months old ako, siya na yung nag-alaga sa akin.”
Kaya malapit sa puso ni Ma’am Alpha ang kuwento ng Guryon tungkol sa magkapatid na Nestor (Zaijian Jaranilla) at Pepe (Kanye Avendaño) na pinabayaan ng kanilang guardians.

Read: Zaijian Jaranilla’s Guryon takes flight with lessons on family
NOEL FERRER
Sa Facebook post ni Guryon producer Alpha Carmina Valdez ngayong Oktubre 21, 2026, Miyerkules, inamin niyang nalugi siya ng PHP32M sa unang pelikula sana ng Blackfire Entertainment Film Production.
Pahayag ni Ma’am Alpha: “But that cannot stop me from producing another, naniniwala ako na kapag gusto mo ang ginagawa mo, you fight and you learn...
“Discovering something you never knew you are capable of doing is another level of self satisfaction and actualization.
“Life is a never ending self discovery... keep doing your craft and learn to enjoy every bitter sweet experiences...”
Dumalo sa premiere screening ng Guryon ang multi-awarded director na si Joel Lamangan at ang line producer na si Dennis Evangelista.
Hopefully ay makagawa si Direk Joel ng advocacy film para kay Ma’am Alpha.
Puwedeng tungkol sa guro, gaya ng Mila (2001) na idinirek ni Direk Joel mula sa panulat ni National Artist Ricky Lee.
Bida sa Mila ang Diamond Star na si Maricel Soriano, kasama sina Piolo Pascual, Caridad Sanchez, Princess Punzalan, Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban, Serena Dalrymple, at Kaye Abad.

Read: TWICE Jihyo leaves JYP Entertainment after 21 years, launches own agency
GORGY RULA
Agree si Ma’am Alpha Carmina Valdez na iba ang mga kabataan ngayon na exposed sa internet at social media.
Kaya target nilang ipalabas sa schools ang Guryon para ma-inculcate sa youth ang magagandang values.
“Kasi ang mga kabataan ngayon, para silang may sari-sarili nang desisyon,” saad ni Ma’am Alpha.
“Wala na silang pakialam sa pamilya nila. Basta sarili na lang nila ang iniisip nila.
“So, parang gusto naming ibalik at itatak ulit namin sa mga kabataan yung Filipino values natin.”
Dagdag ng writer-director na si Lester Dimaranan, “Actually, target din nilang maipalabas sa mga sinehan ang Guryon. Pero gusto nila, meron silang siguradong target audience.
“Kaya yung mga eskwelahan ang ita-tap nila.”
Read: Andoy Ranay recalls "bida-bida" audition blooper; recommends Kobie Brown in this play
