JERRY OLEA
Andaming pelikulang mapapanood sa mga sinehan umpisa Oktubre 21, 2026, Miyerkules.
Ayon sa Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kabilang diyan ang mga sumusunod:
Clayface (R-18)
The Cycle (R-13)
The Fisher (R-13)
La La Land 10th Anniversary (PG) - Exclusively at Ayala Malls Cinemas
Multwoh [Patay na Patay Sa 'Yo] (R-13) - Exclusively at Ayala Malls Cinemas
Backrooms: Everything Must Go Edition (R-13) - Exclusively at Megaworld Cinemas
Pose (R-16) - Exclusively at Megaworld Cinemas
Henry's First Dates (PG) - Exclusively at SM Cinema
Once Upon A Time in the Middle East (R-16) - Exclusively at SM Cinema
You, Fireworks, and Our Promise (PG) - Exclusively at SM Cinema
Also Opening in Cinemas this weekend:
Oct 23-25: Stop! That! Train! (R-16) - Exclusively at Robinsons Movieworld
Oct 24-31: Hybe Cine Fest 2026 (see listings for final rating) - exclusively at SM Cinema
“Gather your movie dates and get your tickets now!” paanyaya ng CEAP.

THE FISHER x MULTWOH
Masaya si MTRCB Chair Lala Sotto na kabilang sa mga pelikulang palabas ngayon ang gawang-Pinoy na The Fisher at Multwoh (Patay na Patay sa ‘Yo).
Nag-international premiere ang The Fisher sa 36th Tokyo International Film Festival, samantalang yung Multwoh (Patay na Patay sa ‘Yo) ay topgrosser ng 3rd Puregold CinePanalo filmfest last month.
Limitado ang screenings ng Multwoh during the CinePanalo filmfest, na karamihan ay soldout. This time, may commercial release ito.
Ayon sa MTRCB: “Ang gawang-Pinoy na The Fisher, kung saan bida sina Mon Confiado, Enchong Dee, Mercedes Cabral at Heaven Peralejo, ay may R-13 rating dahil sa ‘mature themes of morality, responsibility, and the impact of one’s actions on a community and the environment.’

“Ang Multwoh (Patay na Patay Sa ‘Yo) ay rated PG dahil sa nakakatawa at nakakatakot na element nito at mature na tema. Eksklusibo itong mapapanood sa Ayala Malls Cinemas.
“Bida sa young adult movie na ito sina Sassa Gurl at Joao Constancia. Tungkol ito sa same sex attraction at sexual awakening, at mayroon itong moderate strong language, brief provocative gestures at suggestive visual props.”

Read: Mommy Guard hits Netflix Top 3; Delivery Boi delivers in TV ratings
PELIKULA NG BAYAN SINE50
Hanggang saan aabot ang PHP50 mo?
Handog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Pelikula ng Bayan Sine50 sa lob ng pitong araw, Oktubre 21-27, 2026.
Sa halagang P50, puwedeng mapanood sa sinehan ang alinman sa celebrated Filipino films na Birdshot, Transit, Kun Maupay Man It Panahon, 12 Weeks, Leonor Will Never Die, at The Boy Foretold by the Stars.

Ang partner cinemas sa FDCP Pelikula ng Bayan Sine50 ay SM Cinema Southmall, Robinsons Galleria Ortigas, Ayala Malls Cinema Trinoma, at Gateway Cineplex.
NOEL FERRER
Mistulang may filmfest sa dami ng pelikulang pagpipilian ng moviegoers.
Ibinando ng Viva Films na naka-PHP40M ang Pee Mak nina Bea Binene at Wilbert Ross sa loob ng pitong araw na showing nito sa local cinemas.
On its second week ay 200+ ang mga sinehan ng Pinoy adaptation ng Pee Mak, kung saan tampok din sina Vandolph Quizon, Jairus Aquino, TJ Valderrama, at ang nakaw-eksenang si Gian Bernardino ng Cup of Joe.

FREE MOVIES
May mga pelikulang libreng mapapanood.
Halimbawa, ang Japanese Film Festival 2026 mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 25 sa Cinema 3 ng SM Manila.
Free admission dito ang mga pelikula, kabilang ang Nausicaa of the Valey of the Wind (1984) ni Hayao Miyazaki, Throne of Blood (1957) ni Akira Kurosawa, at Kono Basho (2024) ni Jaime Pacena II.
Libre rin ang showing ng Thy Womb at Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? sa Oktubre 25, Linggo, sa Metropolitan Theater Manila.
10:00 aA.M. m ang free screening ng Thy Womb starring Nora Aunor, sa direksyon ni Brillante Mendoza.
2:00 P.M. ang free screening ng Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? starring Rustica Carpio, sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
Bahagi ang mga ito ng Mga Hiyas ng Sineng Filipino, kung saan magkatuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at FDCP.
Sa Oktubre 30, Biyernes ng 4:00 P.M. naman ang free screening ng horror movie na Patayin sa Sindak si Barbara sa Centro de Turismo, Intramuros, Manila.
Bida rito si Lorna Tolentino, sa direksyon ni Chito S. Roño.
Bahagi ito ng Film Fridays na hatid ng FDCP at Intramuros Administration.
Read: Boy Abunda, Kris Aquino reunite for exclusive interview after 11 years
GORGY RULA
Kahit sinasabing hilahod pa rin ang ating movie industry, medyo gumaganda-ganda ngayon dahil nakikita namang marami ang interesadong panoorin ang local films.
Maganda ang box-office results ng Cinemalaya 22: Reel Reflections pati ang 3rd Puregold CinePanalo ay tinatao na rin.
Parehong nagtala ng mas mataas na kita this year ang dalawang filmfest na yan.
Ang topgrosser ng CinePanalo 2026 na Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo ni Sassa Gurl ay masusubukan ngayon sa commercial “viewing.”
Kapag maganda-ganda ang resulta nito sa takilya, may pag-asa pa talaga ang ating movie industry.
Ang topgrosser ng Cinemalaya 2026 na 2 Valid IDs ni Marietta Subong o Pokwang ay halos naka-PHP10M sa commercial release nito.
Hindi na masama yun para sa isang indie film. Kaya tuloy pa rin sa paggawa ng pelikula.
Nalulgi man sa unang sabak ang ilang baguhang movie producers, kagaya ni Alpha Carmina Valdez, tuloy pa rin sa paggawa dahil baka maka-jackpot sila, lalo na kung maganda naman ang gagawin nilang pelikula.
Pero medyo nagdadalawang-isip muna silang isalang sa commercial showing ang Guryon, susubukan muna nilang iikot sa mga eskuwelahan.
Pero itong klase ng pelikulang dinirek ni Lester Dimaranan ay mukhang may pag-asa sa streaming service kagaya ng Netflix, Prime, HBO at iba pa.
Marami-rami pang pelikulang Pinoy ang ipapalabas sa mga sinehan bago ang 52nd Metro Manila Film Festival sa Pasko.
Nakapuwesto sa October 28 playdate ang Red Crown, He’s Dating A Bold Star, at ang VHS Viva Horror Stories na bahagi ng 7th cycle ng Sine Sindak.
Nasa November 4 playdate ang Buddy ng Mavx Productions, na heartwarming story of family, friendship, and the bonds that make life meaningful.
Tampok dito sina Michael de Mesa, Benjie Paras, Elisse Joson, Empoy Marquez, Elijah Canlas, EA Guzman, at Shaira Diaz.
Nasa November 11 playdate naman ang Remember nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Hopefully ay maipalabas din sa Nobyembre ang Andoy ni Cedrick Juan, at Laya ni Andrea Brillantes.
Read: Imelda Schweighart draws flak for "homophobic" remarks; she claps back
