PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

28th Gawad PASADO: Highlights and sidelights

Odette Khan, Lucas Andalio Share Heartwarming Moment at Gawad PASADO
by PEP Troika
Published 22 hours ago
gawad pasado winners
Charo Santos, Mon Confiado, Odette Khan, Coco Martin, Julia Montes and Lucas Andalio are among the stars who attended the 28th Gawad PASADO at San Beda University-Manila. Quezon emerged as a big winner with nine trophies.
PHOTO/S: Jerry Olea / Dreamscape Entertainment

JERRY OLEA

Early bird sina Charo Santos, Mon Confiado, at Odette Khan sa 28th Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) noong Oktubre 22, 2026, Huwebes ng 6:00 P.M., sa Abbot Lopez Hall ng San Beda University, Mendiola St., Manila.

Nagsimula sa oras ang awards ceremony.

Pagkatapos ng unang pangkat ng pagkilala — apat para sa technical categories at isang special award — nagkaroon ng intermission number mula sa Bedan Musicians Guild.

Isiningit kapagkuwan ang pagpaparangal para sa PinakaPASADOng Aktres na sina Charo Santos-Concio (Only We Know) at Maris Racal (Sunshine).

Waley si Maris kaya sa PASADO na muna ang tropeyo nito.

CHARO SANTOS' ACCEPTANCE SPEECH

Bahagi ng acceptance speech ni Ma’am Charo: “Salamat sa karangalang ito. Alam nIyo po, napakaespesyal ng pelikulang Only We Know para sa akin.

“Ito po ay napakasimpleng pelikula. No big confrontation scenes. Walang malalaking eksena. Walang sigawan, sampalan, you know.

“And quiet performances often go unnoticed. Pero salamat sa pagkilala ninyo sa aking pagganap, at pagpatunay na may lalim din ang pagiging simple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May kapangyarihan din ang bawat emosyon kahit hindi mo ito isinisigaw.”

Ibinahagi ni Ma’am Charo ang award sa direktor ng Only We Know na si Irene Emma Villamor para sa pagtitiwala and “for allowing me to inhabit the character of Betty, at not having to explain every emotion.”

Siyempre, nagpasalamat din si Ma’am Charo sa leading man niyang si Dingdong Dantes.

“Thank you very much for your generosity. It was a joy to work with you, thank you for simple being present,” patungkol ni Ma’am Charo kay Dingdong.

“For listening, and for responding with truth.”

Dagdag ni Ma’am Charo: “And I share this recognition with Maris Racal who did a wonderful job in Sunshine. Thank you very much.”

Afterwards ay umalis na si Ma’am Charo sa venue ng awards ceremony.

charo santos gawad pasado
Charo Santos
Photo/s: Dreamscape Entertainment Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gawad PASADO 2026: Maris, Charo, Jericho, Joshua win top honors

ABSENTEE WINNERS

Noong Oktubre 4 pa ini-announce ng PASADO ang winners sa 28th Gawad PASADO.

Sina Jericho Rosales (Quezon) at Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye) ang PinakaPASADOng Aktor. Wala rin sila sa event.

Ang tumanggap ng tropeyo ni Jericho ay ang producer ng Quezon na si Daphne O. Chiu-Soon.

Nag-send naman ng video message si Joshua.

Wala rin doon ang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres na si Jennica Garcia (Sunshine).

Sa 49th Gawad Urian noong Oktubre 8 ay na-late si Jennica kaya hindi nakapag-acceptance speech sa stage.

Kabilang pa sa mga artistang dumalo sa 28th Gawad PASADO sina Coco Martin kasama si Julia Montes, Lucas Andalio, Romnick Sarmenta, at Angelu de Leon.

coco martin julia montes gawad pasado
Coco Martin and Julia Montes
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang iba pang honorees na hindi dumating ay sina Kaila Estrada, Will Ashley, at Noel Trinidad.

Nagwagi si Kaila bilang PinakaPASADOng Aktres sa Telebisyon para sa pagganap niya bilang Macaria “Max” Alvero sa Incognito.

Pero sa video message na ipinadala ni Kaila, nagpasalamat siya para sa role niyang Erica Melendez sa What Lies Beneath.

Read: Zaijian Jaranilla proudly admits relationship with Gela Atayde

GORGY RULA

Nag-streaming ang Gawad PASADO Awards sa Facebook page ng San Beda University-Manila.

Pero siyempre, may mga eksenang hindi na-capture sa livestream.

Lahat ng mga artistang nasa awards ceremony ay lumapit, bumati, humalik o nagpugay kay Mommy O or Odette Khan.

Si Coco Martin nga ay at least three times lumapit sa 80-anyos na aktres, at binigyang-pugay sa kanyang acceptance speech.

LUCAS ANDALIO MEETS ODETTE KHAN

Nag-request ang PEP Troika kay Lucas Andalio na magpa-picture kay Mommy O.

Si Lucas ang youngest honoree sa 28th Gawad PASADO bilang PinakaPASADOng Batang Aktor for Call Me Mother, samantalang pinagkalooban si Mommy O ng Lifetime Achievement Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
odette khan lucas andalio gawad pasado
Odette Khan and Lucas Andalio
Photo/s: Jerry Olea

Nakapaglagare si Lucas.

Dumalo rin siya noong Huwebes sa 7th ALTA Media Icon Awards sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall ng University of Perpetual Help System DALTA-Las Piñas na 2:00 P.M.itinakda.

Best child performer din ang award doon ni Lucas. (Setyembre 28 nag-announce ng mga pararangalan ang 7th ALTA Media Icon Awards, nauna sa PASADO na Oktubre 4 nag-announce.)

Yung honorees sa 28th Gawad PASADO ay nag-acceptance speech sa rostrum.

Mas mataas si Lucas sa rostrum pero yung mic doon ay hindi niya abot, kaya inabutan siya ng ibang mic at sa gilid na lang ng rostrum siya nagsalita.

Ang cute-cute ni Lucas sa kanyang acceptance speech: “Hello po! Una po sa lahat, salamat po sa Lord sa lahat ng mga blessing na binigay Niya po sa akin.

“Maraming-maraming salamat din sa pamilya ko po na laging nandiyan para sumuporta po sa akin.

“Madaming-madami… maraming… maraming salamat po sa Gawad PASADA? Gawad PASADO sa… award na ito na…”

Tiningnan na ni Lucas ang nakasulat sa tropeyo bago nagpatuloy: “PinakaPASADOng Batang Aktor. Congratulations po sa ating lahat!”

Si Odette naman na naka-wheelchair ay hindi na pinaakyat sa entablado. Pinag-speech siya habang naka-wheelchair sa ibaba ng stage.

Pinagkulumpan siya ng mga tao habang nag-i-speech.

Nagpalitrato with Mommy O ang mga bumubuo ng PASADO, maging ang pamunuan ng San Beda University-Manila.

odette khan gawad pasado
Odette Khan
Photo/s: Jerry Olea

Bahagi ng speech ni Odette: “Gawad PASADO, andito na kaya nga pasado, e. O, di ba? Inuulit-ulit pa, gusto dalawa, o. OK. Muchas gracias a todos.

“Sincerely ang puso ko kung puwede lang umiyak ito, pinipigilan ko dahil sabihin niyo, ‘Maarte, artista, e, wala namang ibibigay na cash pag umiyak ako, di ba?!’ O, yun na, OK.

“Alam niyo, masarap ang buhay-artista kung alam niyo. Ang pagmamahal, andun.

“Ibuhos mo ang puso mo sa ginagawa ninyo. Marami nang gumaling. Maraming tumutulo ang luha. Maraming nakahanap ng ina. Lahat maaaring mangyari sa kabutihan.

“So Lord, alam Mo ginusto ko ito, bata pa lang ako. And I thank you so much, Lord, sa health.

“Kung puwede lang, tulungan Mo pa rin ako hanggang mahaba po para hindi na sila magreklamo, bunganga ko, dapat marunong sumagot!

“Thank you, Lord! Thank you to all, PASADOs or whatever. Ano ba? Quieres kayo habla Español no mas. No mas? No mas! OK, period.

“Ayy, nagpasiklab! Ang kapal ng mukha ko talaga. Sorry, ha?! OK, thank you so much. I don’t wanna keep you waiting. Godbless!”

Five years old si Odette nang unang umakting sa La Consolacion College sa Bacolod City.

Read: Boy Abunda, Kris Aquino reunite for exclusive interview after 11 years

NOEL FERRER

Umalis na si Lucas Andalio sa San Beda University-Manila pagkatapos magpalitrato with Odette Khan.

Pasado 8:00 P.M. na noon, at napagod na rin siguro si Lucas dahil earlier ay nasa 7th ALTA Media Icon Awards siya sa Las Piñas.

Around 8:40 P.M. iginawad kay Mon Confiado ang tropeyo bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktor for Quezon.

At that time ay sila na lang yata ni Odette ang naiwang mga artista sa 28th Gawad PASADO.

MON CONFIADO'S ACCEPTANCE SPEECH

Bahagi ng acceptance speech ni Mon: “Sa aking direktor, Direk Jerrold Tarog, maraming salamat sa pagbibigay mo ng pagkakataon para gampanan ko si Emilio Aguinaldo.

“Sa TBA Studios, sa aking producers… maraming salamat sa pagbuo ng Bayaniverse at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Quezon. Salamat po!

“Alam niyo, hindi madaling gampanan ang papel o role ni Emilio Aguinaldo, isa sa pinakakontrobersyal na personalidad sa ating kasaysayan.

“Magmula pa doon sa Heneral Luna [2015], sa Goyo [Ang Batang Heneral, 2018] at ngayon dito sa Quezon.

“Napakadaming layers o napakadaming dapat pag-aralan sa kanyang katauhan bilang aktor pero ang pinakaimportante ay nagampanan ko siya o naipresenta namin siya bilang tao sa pinakamasalimuot na pangyayari o kaganapan sa ating kasaysayan.

“Marami siyang tagumpay; marami rin siyang kasawian. Kaya dito sa Quezon, mula doon sa Heneral Luna na medyo nag-iba ang pananaw ng mga tao kay Emilio Aguinaldo.

“Pagdating dito sa Quezon, medyo nabago na naman ang kanilang pananaw dahil medyo may konting kumbaga pagtingin tayo sa pagiging retired President niya.”

28th gawad pasado winners

Big winner ang Quezon sa 28th Gawad PASADO with nine trophies:

PinakaPASADOng Pelikula ng Taon (katabla ang Sunshine at Meet, Green & Bye)

PinakaPASADOng Direktor -- Jerrold Tarog

PinakaPASADOng Aktor -- Jericho Rosales

PinakaPASADOng Katuwang na Aktor -- Mon Confiado

PinakaPASADOng Sinematograpiya -- Pong Ignacio

PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksyon -- Monica Sebial PinakaPASADOng Editing -- Jerrold Tarog

PinakaPASADOng Musika -- Jerrold Tarog

PinakaPASADOng Tunog -- Immanuel Verona & Fatima Nerikka Salim

Read: Charo Santos gets Gawad PASADO, Susan Roces Celebrity Award

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charo Santos, Mon Confiado, Odette Khan, Coco Martin, Julia Montes and Lucas Andalio are among the stars who attended the 28th Gawad PASADO at San Beda University-Manila. Quezon emerged as a big winner with nine trophies.
PHOTO/S: Jerry Olea / Dreamscape Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results