PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gela Atayde excited to welcome Ria's second baby with Zanjoe

Gela Atayde wants to focus on acting rather than dancing.
by PEP Troika
Published 15 hours ago
gela atayde
Gela Atayde shares her excitement over sister Ria Atayde and Zanjoe Marudo's second baby, saying Ria is doing well. The actress also talks about wanting to learn more through acting and hopes to take on more challenging roles.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Tahimik lang si Gela Atayde na nakaupo sa Gateway Cinema 1, Cubao, Quezon City, nang dumalo siya sa premiere night ng pelikulang Guryon, na pinagbibidahan ng nobyo niyang si Zaijian Jaranilla, noong Sabado, Oktubre 17, 2026.

Nandun daw siya siyempre para sumuporta kay Zaijian.

Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika si Gela bago nagsimulang i-screen ang pelikula.

GELA ATAYDE ON SISTER RIA'S SECOND PREGNANCY

Ang ganda ng ngiti niya nang kinumusta ko ang Ate Ria Atayde niya na nagdadalantao sa pangalawang baby nila ni Zanjoe Marudo.

“Super okay po. She’s doing well,” nakangiting pakli ni Gela.

Isa raw siya sa excited sa magiging pangalawang pamangkin niya.

“Yes po. Super excited. Kasi the first one, I love him so much. I’m sure I’m gonna love this one just as much,” sabi pa niya.

Hindi nagbigay ng detalye si Ria tungkol sa kalagayan ni Ria. Hindi na tuloy namin natanong kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ng kanyang ate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sa ngayon, ang mommy nilang si Sylvia Sanchez ang nag-aasikaso pa rin sa kanilang pag-aaring Nathan Studios.

Si Ria kasi ang President at CEO ng Nathan Studios.

Pero sa ngayon ay mas aligaga ang kanilang mommy sa pag-asikaso ng kanilang movie company, lalo na’t halos lahat na mga pelikulang kino-produce nila ay rumarampa sa iba’t ibang international film festivals.

Read: Zanjoe Marudo reveals wife Ria Atayde is pregnant with Baby No. 2

GELA WANTS TO FOCUS ON ACTING THAN DANCING

Sinabi ni Gela na mas gusto niyang mag-focus sa acting kesa sa dancing.

“I hope more series po. Mas gusto ko pa po matuto,” sambit ni Gela.

Sinabi namin sa kanyang natural siya sa teleseryeng Someone, Someday.

“I think, very close din po sa akin yung role. Kaya gusto ko sana din po, one of these days ma-challenge,” reaksiyon ni Gela.

Tinanong namin kung may balak ba ang Nathan Studios na bigyan siya ng movie project na matsa-challenge siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala pa po as of now, e. I’m just waiting po,” nakangiti niyang sagot.

Nag-message kami kay Sylvia kung balak ba nilang bigyan ng challenging na project si Gela, wala pa siyang sagot as of this writing.

JERRY OLEA

Nakita natin sina Zaijian Jaranilla at Gela Atayde noong Agosto 10, 2026 pagkatapos ng isang screening ng pelikulang 2 Valid IDs sa Shangri-La Plaza.

Kasama si Zaijian sa 2 Valid IDs na isa sa siyam ng full length fims ng Cinemalaya 22: Reel Reflections.

Noong nasa escalator kami pababa ay namataan din namin sina Zaijian at Gela na hawak-kamay na nagmemeryenda sa isang kainan doon.

Gela Atayde, Zaijian Jaranilla spotted holding hands at Shangri-La Mall in Mandaluyong.
Gela Atayde, Zaijian Jaranilla spotted holding hands at Shangri-La Mall in Mandaluyong.
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Very supportive si Gela sa boyfriend, at hindi itinatago ni Zaijian ang kasintahan.

Welcome si Zaijian sa mga ganap ng pamilya ni Gela.

Read: Gela Atayde hard-launches relationship with Zaijian Jaranilla?

NOEL FERRER

I love how tahimik lang si Gela Atayde sa Gateway Cinema 1, ah.

Very Gela yan, e — low-key, supportive-girlfriend era kay Zaijan sa premiere ng Guryon, pero present.

Hindi maingay, pero nandoon. Ganyan talaga kapag secure ka.

At nakakatuwa yung sagot niya about kay Ate Ria — “Super okay po, super excited.”

Ramdam mo yung closeness ng Atayde family.

Of course, blessing yung second baby nina Ria at Zanjoe, so gets ko na si Lola Sylvia muna ang salo sa Nathan Studios.

And grabe rin kasi ang run ng Nathan, halos lahat ng films nila, umiikot sa international festivals, from Topakk to I’mPerfect.

Kaya super hands-on si Sylvia, as always.

About acting vs dancing… tama yang mindset ni Gela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I saw her in Someone, Someday and totoo yung sinabi mo, Gorgy. Natural siya.

Malapit sa kanya yung role kaya lumabas yung totoo niyang charm.

Pero I agree, she deserves to be challenged more. Bata pa, dancer, performer, pero may depth na.

Sabi nga niya, “I’m just waiting po.”

Go lang, Gela. The right project will come.

At kilala ko sina Sylvia at Ria, hindi nila pababayaan yan.

Acting muna, then soon, bida na.

Read: Zaijian Jaranilla proudly admits relationship with Gela Atayde

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gela Atayde shares her excitement over sister Ria Atayde and Zanjoe Marudo's second baby, saying Ria is doing well. The actress also talks about wanting to learn more through acting and hopes to take on more challenging roles.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results