JERRY OLEA
Sa loob ng 42 years na pamamahagi ng Philippine Movie Press Club o PMPC ng Star Awards for Movies, ngayong taon lang sila nagbigay ng Hall of Fame as Movie Actress of the Year.
Ipinagkaloob nila ito sa isang aktres na nagwagi ng sampung best actress award.
Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay nakasampung best actress na mula sa Star dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga pelikulang Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998), Anak (2000), Dekada '70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004), In My Life (2010), Everyhting About Her (2016), When I Met You In Tokyo (2023), at Uninvited (2024).
Personal na tinanggap ito ni Gov. Vi noong Linggo, October 25, 2026, sa Winford Resort Hotel and Casino, Consuelo St., Sta. Cruz, Manila.
Sina Boots Anson Roa-Rodrigo at Direk Dan Villegas ang nag-abot ng naturang parangal kasama ang past presidents ng PMPC.

VILMA SANTOS' ACCEPTANCE SPEECH
Bahagi ng acceptance speech ng Star For All Seasons: “Naalala ko lamang po sa sampung pelikula na ibinigay ho nila sa akin ang pagkilala, yun ho ay napakalaking utang na loob ko na po sa PMPC Star Awards para mabigyan ho ako ng sampung beses na pagkilala bilang best actress.”
Binanggit pa ni Gov. Vi ang mga namayapang movie press na minsan ay nagsilbing presidente ng PMPC — sina Ethel Ramos, Veronica Samio, at Letty Celi.
“Imagine the time ho magkakasama na kami. Utang na loob ko ho ito sa kanila, sa pagkilalang iginagawad sa akin, and up to this day.
“Sa inyo pong lahat, maraming-maraming salamat po,” dagdag ni Ate Vi.
Ibinahagi rin niya ang naturang parangal sa mga magagaling na aktor at aktres, pati sa mga direktor ng mga pelikulang nagawa niya; at mga scriptwriter kabilang ang National Artist Ricky Lee na Hall of Famer din sa Star Awards.
Pinasalamatan din ng actress-politician ang movie producers na nagtiwala sa kanya para bigyan ng movie projects mula noong nine years old siya.
“Ang Hall of Fame, parang hindi magandang pangitain. Parang hindi niyo na ako kikilalanin. At saka isa pa, parang may usapang edad,” napangiti niyang sambit.
“Imagine, I started nine years old, Sampaguita Pictures. And then after that, Tagalog Ilang-Ilang [Productions].
"After Tagalog Ilang-Ilang, si Atty, Experidion Laxa, and then sa Sampaguita, Manay Ichu [Vera-Perez Maceda]. Manay, I love you all, nasa heaven na silang lahat.
"And then, napunta naman ako sa Star Cinema. And then after Star Cinema, na marami rin po akong nagawang pelikula.
“At isa ho talagang sa tumugon sa buhay ko when I was literally financially down, ang bumuhay at tumulong sa akin nun ay Regal Films at Viva Films. Maraming-maraming salamat.
“And then after that, I was able to do one indie film, Ekstra, kay Atty. Joji [Alonso]. And then the last ay ito naman sa Mentorque kasama ang Project 8, at then ang huli ko po ay… ano ba ito?
“Ahhh, When I Met You In Tokyo, ang JG Productions. So to all of you, maraming-marami pong salamat sa tiwala.
“Lahat ho ng mga natanggap kong ito, ang kabuuan po ay utang na loob ko sa inyong lahat.”
Sinabi ni Vilma na patuloy pa rin siya sa paggawa ng pelikula.
Aniya: “Sir Ricky [Lee], I agree with you. This doesn’t mean that I will stop in the movie industry.
“Tutuloy pa rin po ako kahit na anong edad ko.”
Inialay rin ni Vilma ang tropeyo sa kanyang pamilya, lalo na raw sa tatlong lalaki sa buhay niya — sina Secretary Ralph Recto, Cong. Christian Recto, at Luis Manzano.
Siyempre, ang malaking pamilya niya ay ang constituents niya sa lalawigan ng Batangas.
“Pero hindi ako aabot ng mahigit anim na dekada kung wala ang Vilmanians ko!” bulalas ni Ate Vi.
“My Vilmanians, kasama ko na kayong tumatanda! Pero nandiyan pa rin kayo. At gusto ko lang sabihin, subok na matibay, subok na matatag.
“And you will forever be my inspiration to still work in the movie industry.”
Doon pala sa awarding ay nag-usap na sina Gov. Vi at Sir Ricky tungkol sa gagawin nilang pelikula.
Ang National Artist Ricky Lee ang nagsulat ng script na gustong gawin ng Star for All Seasons.

Read: 42nd Star Awards for Movies: Maricel, Maris tie for best actress
GORGY RULA
Si Ricky Lee ay ginawaran din ng Star Awards ng Hall of Fame as Movie Screenwriter of The Year.
Bago siya umalis doon sa Winford Hotel, tinanong siya namin tungkol sa napag-usapan nila ni Governor Vilma Santos.
RICKY LEE'S SCRIPT FOR VILMA SANTOS
Meron na nga raw siyang nasulat na script na talagang para sa Star for All Seasons.
“Yes, oo. Oo. Sabi niya, ‘Tuloy na natin.’ Yes. Para sa kanya talaga yung project,” bulalas ni Sir Ricky.
“Bago ko isinulat, alam kong si Vi na ang gaganap. Ito talaga yung character around her.
“Based sa pagkakilala ko sa kanya, based sa husay niya na alam ko na may ilalabas pa ngayon.
“And I keep… sinasabi ko sa kanya na dapat mas madami pa siyang pelikulang gagawin ngayon.”
Ilang buwan daw ito isinulat ni Sir Ricky, at alam niyang bago ang mapapanood dito kay Gov. Vi.
“Iba, e. We made sure na iba, e. And I made sure na wide yung range ng gagawin niya dun sa pelikula.
“Proud ako sa nagawa ko for her, at masaya ako sa nasulat ko for her,” napapangiting pakli ni Sir Ricky.
Tinanong din namin kay Gov. Vi kung sakaling hilingin siyang sumali sa Bernal movie na binubuo nina Sir Ricky at direk Jerrold Tarog, gusto ba niyang gawin.
“Sana naman… yeah I know! Gagawin nila. Sana sana.
“Ishma is one director who gave me all these ano… yeah! Sobra! Karamihang achievements ko, galing kay Bernal,” tugon ng actress-politician.
Natuwa si Sir Ricky nang sinabi namin ito sa kanya.
“Of course! Talagang welcome na welcome siya,” sey ni Sir Ricky.
“Gusto naming lahat na makasama sa project na Bernal, yung mga taong naging close kay Bernal noon at mga nakatrabaho ni Bernal.
“So, yes! At may mga eksena kami dun… ako mismo, dun sa script ng Bernal, na pelikula ni Vi. Relasyon, Pahiram ng Isang Umaga, may mga eksena dun.”

Read: Showbiz colleagues rally behind Alden Richards amid allegations
NOEL FERRER
Iniluklok si National Artist Ricky Lee sa Hall of Fame ng PMPC Star Awards for Movies para sa labing-isang (11) beses na nagwagi siya bilang scriptwriter.
Pinarangalan before ng PMPC ang screenplay niya para sa Private Show (1986), Paano Kung Wala Ka Na? (1987), Sandakot Na Bala (1988), Ang Bukas ay Akin (1989), Andrea, Paano Ba ang Maging Isang Ina? (1990), Pangako ng Kahapon (1994), May Nagmamahal Sa ‘Yo (1996), Jose Rizal(1998), Bulaklak ng Maynila (1999), The Trial (2014), at Tagpuan (2020).
RICKY LEE'S ACCEPTANCE SPEECH
Bahagi ng speech ni Sir Ricky sa 42nd Star Awards for Movies: “Napakahalaga ng karangalang ito na Hall of Fame para sa akin pero hindi ibig sabihin, titigil na akong magsulat ng pelikula.
“May mga sinusulat akong script ngayon at marami pa akong isusulat na script bukas.
“At ibig din sabihin nito ay patuloy akong magpapa-workshop nang libre sa lahat ng gustong magsulat ng script.”
Ibinahagi ni Sir Ricky ang kanyang tropeyo sa mga kapwa manunulat, at sa mga nakatrabaho niyang direktor, artista at gumagawa ng pelikula.
“At finally, gusto kong i-share sa lahat ng mga nangangarap magsulat ng script,” sambit ni Sir Ricky.
ALBERT MICHAEL IDIOMA
Ang isa pang iniluklok sa PMPC Hall of Fame ay si Albert Michael Idioma bilang Movie Sound Engineer.
Labing-anim (16) ang panalo niya sa Star Awards for Movies — Jose Rizal (1998), Muro Ami (1999), Sigaw (2005), Sukob (2007), In the Name of Love (2012), Sonata (2013), The Janitor (2014), Bonifacio, Ang Unang Pangulo (2014), Seklusyon (2016), The Ghost Bride (2017), ML (2018), Maria (2019), Magikland (2020), GenSan Punch (2021), Apag (2023), at Topakk (2024).
Read: Marian Rivera breaks silence on long-running Bela Padilla "padlock" rumor
