GORGY RULA
Nagsimula na ang Pinoy Big Brother Collab 3.0 noong Sabado, October 24, 2026, pero tila wala itong gaanong ingay.
May ingay nga ba?
Nagte-trending naman sa X, at napapag-usapan sa social media ang ilang nakapasok na housemates.
Pero ang rating sa pilot episode nito ay 6.6%.
Nung Linggo, October 25 ng hapon, ay 2.7% lang ang rating nito.

Pagdating ng Lunes, October 26, kung saan ay sumusunod ito sa Taskforce Firewall, nakapagtala ito ng 3.8%.
May mga nagsabing hindi ito kasing-ingay ng dalawang naunang PBB Collab.
Pero dahil ang daming kabadingang natuwa sa pagpasok ng male pageant konteserong si Calix Esguerra, may mga naglilitawan nang isyu tungkol sa kanya,
Tingnan natin kung makakatulong ito sa pag-save kay Calix na hindi mapa-evict sa Bahay Ni Kuya.
OCTOBER 24, 2026 RATINGS
Narito ang ratings ng iba pang programa sa primetime noong Sabado.
Ang 24 Oras Weekend ay 5.8%, ang SOCO ay 0.7%.
Ang TV Patrol Weekend ay 1.6%, at ang Frontline Weekend ay 0.9%.
Ang Vibe+ ay 1%, at ang Ibang Level ay 2%.
Ang Pepito Manaloto ay 7%, at ang Deal Or No Deal ay 2.9%.
Sumunod ang Magpakailanman na 5.4%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 1.8%.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 4.5%.
Read: PBB: Collab 3.0 housemates: Mikee, Anthony, Winwyn, Robbie, Gehlee are in!
JERRY OLEA
Kapansin-pansin na mababa pa rin ang viewership ng mga panghapong programa.
Hindi pa rin umaalagwa ang Delivery Boi ni Will Ashley.
Ganundin ang Mommy Guard nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Mabuti at nasa Netflix ang Mommy Guard, na nasa Top 10 trending pa rin sa Netflix Philippines.
OCTOBER 23, 2026 RATINGS
Noong Biyernes, October 23, ang It’s Showtime ay 5.3%, at ang Eat Bulaga! ay 2.8%.
Ang Born To Shine ay 4.4%, at ang Mommy Guard ay 1.3%.
Ang Delivery Boi ay 3.5%, at ang What Lies Beneath ay 0.3%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 2.4%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 2.6%, at ang sumusunod na Arthdal Chronicles ay 2.2%. Ang TV Patrol Express naman ay 0.8%.
Ang Family Feud ay 7.4%, at ang Minute to Win It ay 1%.
OCTOBER 26, 2026 RATINGS
Noong Lunes, October 26, ang It’s Showtime ay 4.8%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Ang Born To Shine ay 4.7%, at ang Mommy Guard ay 1.2%.
Medyo tumaas na ang Delivery Boi na naka-4.1%, at ang What Lies Beneath ay 0.2%.

Nagsimula na rin nung Lunes ang birthday episodes ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk.
Medyo tumaas ito sa 3.1%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.1%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 2.3%, ang Arthdal Chronicles ay 2.1%, at ang TV Patrol Express ay 0.6%.
Papataas naman ang Family Feud sa 7.8%, at ang Minute To Win It ay 1%.
Read: Mavy Legaspi denies PBB Big Night debacle led to his exit
NOEL FERRER
Pinag-usapan ang Gandang Gabi Vice noong Linggo, October 25, kung saan si Marian Rivera ang special guest.
Pinag-usapan sa social media ang “padlock issue” na sinagot ng Kapuso Primetime queen. Naka-3.4% ang rating nito.
OCTOBER 25, 2026 RATINGS
Narito pa ang ratings ng mga program nung araw na yun.
Ang All-Out Sundays ay 2.4%, at ang Vibe Playback ay 0.5%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.9%, ang Sunday Blockbuster ay 0.2%, at ang Cine Astig ay 0.4%.
Ang Resibo ay 3%, at ang sumusunod na Vlog To Love ay 2.8%.
Ang FPJ sa GMA ay 2.8%, ang May Puhunan ay 0.3%, ang Julius Babao Unplugged ay 0.3%, at ang Rated Korina ay 0.7%.
Pagdating sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 6.9%, ang TV Patrol Weekend ay 1%, at ang Frontline Weekend ay 0.6%.
Ang Bubble Gang ay 6.3%, ang Kababalaghan ay 1.6%, at ang Idol Tulfo ay 0.8%.
Consistent pa ring mataas ang The Voice Kids na 9%, at ang ASAP XP ay 2%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 9.9%.
