GORGY RULA
Kung malaki na si Felize, tiyak na siya ang pinakamasaya noong Martes ng gabi, October 27, 2026.
Ang tinutukoy ko ay ang five-year-old daughter nina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Noong gabing yun kasi ay nagwagi si McCoy bilang Best Actor sa 74th FAMAS Awards dahil sa pagganap niya bilang si Fr. Rhoel Gallardo sa pelikulang In Thy Name, na nagwagi ring Best Picture at Best Director (Cesar Soriano).

Noong gabi ring yun ay ginaganap naman ang premiere showing ng pelikulang Buddy ng MAVX Productions sa Cinema 6 ng Trinoma.
Isa sa mga bida rito si Elisse, na nagpakita ng husay rito.
Family drama ang Buddy, pero naka-focus ito sa relasyon ng isang ama sa kanyang mga anak.
Walang nanay sa pelikulang ito, kaya kakaiba ang pagkakalahad na maaaring maka-relate ang mga tatay at mga anak.
Sabi ni Elisse pagkatapos ng screening ng pelikula: “It’s nice to see na itong mga father figure sa ating buhay, malaki rin ang sakripisyo nila para sa pamilya. And it’s not every day that we thank them.
“Kaya maganda rin na napanood natin to, kasi nakikita natin how much they really love and sacrifice and how they much they give for the family.”

Read: McCoy de Leon working hard to provide for daughter Felize
ELISSE ON CO-PARENTING WITH MCCOY
Napangiti si Elisse nang itinuloy ko na ang usapin kay McCoy bilang ama ni Felize.
Kahit magkahiwalay na sina Elisse at McCoy, tinitiyak naman daw nilang magkasama silang magulang sa kanilang anak.
Sabi pa ni Elisse: “Sa anak ko naman, I will never speak bad about the dad when it comes to my daughter.
“Masaya ako na meron silang relationship na strong. They love each other.
“Ang anak ko sobrang lapit niya sa tatay niya, e. So, happy akong makita yun.”
Maayos daw ang co-parenting nila at nilinaw ng Kapamilya actress na hindi damay ang anak nila sa kung anumang isyu meron sila ni McCoy.
“Whatever happens with the parents, walang kinalaman ang mga bata, e.”
JERRY OLEA
Sa pelikulang Buddy, na-tackle ang isyu ng mag-asawang hiwalay at ang co-parenting sa kanilang anak.
Ginagampanan ito ng real-life couple Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz.
Sa kuwento ng pelikula, nagkaroon ng pag-asang magkabalikan ang karakter ng mag-asawa. Puwede kaya itong mangyari kina Elisse at McCoy?
“Being a mom and dad, yun ang pinakaimportante for Felize, our kid,” maingat na sagot ni Elisse.
Maayos naman daw ang kanilang komunikasyon para sa kanilang nag-iisang anak.
“Pagdating sa bata, we really talk,” ani Elisse.
Wala raw silang problema pagdating sa pagpapalaki kay Felize.
Bukod kina Elisse, EA, at Shaira, tampok din sa Buddy sina Elijah Canlas at Empoy Marquez.
Pero ang pinakabida talaga rito ay sina Michael de Mesa at Benjie Paras, na mag-buddy sa pelikulang Ito.
First directorial job ito ng producer din ng MAVX na si Lucky Blanco.
Magso-showing na ito sa mga sinehan sa November 4.
Read: Elisse Joson reflects on failed relationship with McCoy de Leon

NOEL FERRER
Nagpapasalamat si Elisse Joson na lagi siyang kinukuha ng MAVX sa mga magagandang pelikulang pino-produce nila.
May iba pang hindi pa naire-release ng MAVX.
Kaya kampante na ang aktres katrabaho si Lucky Blanco at buong staff ng naturang film production.
Sabi nga ni Elisse: “It feels like home, kasi nakatrabaho ko na si Direk Lucky sa ibang pelikula, pero as producer nga.
“So this time, nakita ko kung paano siya as a director. And I have nothing but good words to say, kasi he’s very collaborative.”
Pero sa mga nagawa niyang pelikula sa MAVX, kakaiba raw talaga itong Buddy.
Saad ni Elisse: “Ito yung kakaiba sa movie na ito, kasi laging nakikita natin, family story, pero in a woman’s point of view which is yung nanay.
“So ito, nakikita nila kung paano nakikita ng tatay ang pamilya, pamilyang Pilipino.
“This one is super close sa puso ko, kasi I felt like meron akong naging mga tatay sa pelikulang ito. So, it felt really nice.”
Inihambing pa nga ni Elisse ang pagmamahal ng anak niyang si Felize sa ama nitong si McCoy de Leon.
“Of course! The love of a father naman, especially my Felize’s father, nandun naman yun. Always naman,” pakli niya.
Read: McCoy de Leon denies rumors linking him to Sachzna Laparan while with Elisse Joson
