PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Frankie sings Sharon's “Mr. DJ,” “Bituing Walang Ningning”

Frankie reveals the advice Sharon gives her as she pursues her music career.
by PEP Troika
Published 2 days ago
frankie pangilinan sharon cuneta
Frankie Pangilinan honored her mother, Sharon Cuneta, by singing “Mr. DJ” and “Bituing Walang Ningning” at the 42nd Star Awards for Movies, where she accepted Sharon’s Ulirang Artista award. Kakie says she wants to do justice to her mom’s iconic songs and was moved when the audience sang along.
PHOTO/S: Gorgy rula / Facebook

GORGY RULA

Ginawaran ng PMPC sina Sharon Cuneta at Rez Cortez ng Ulirang Artista award sa 42nd Star Awards for Movies noong Linggo, October 25, 2026, sa Winford Hotel, Consuelo St., Sta. Cruz, Manila.

Hindi nakadalo ang Megastar para tanggapin ang naturang parangal.

Ang anak niyang si Frankie Pangilinan o si Kakie ang personal na tumanggap ng parangal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumanta pa siya ng dalawang kanta ni Sharon, ang "Mr. DJ" at "Bituing Walang Ningning."

Iba ang style ni Kakie sa pagkanta kaya challenge daw talaga sa kanya na kantahin ang mga awitin ng kanyang ina.

Napanood namin si Kakie sa concert ni Gary Valenciano nung nakaraang Sabado, October 24.

Ilang beses siyang nag-front act sa 10-night concert series ni Gary V.

Nung gabing yun ay kinanta niya ang "Mr. DJ" na sinabayan pa ng audience.

Kinabukasan ay kinanta niya uli iyon sa Star Awards for Movies na ikinatuwa ng audience.

Sinundan pa niya ito ng "Bituing Walang Ningning," na sumikat sa mga nagpapabalot ng pagkain.

“Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal,” sabi ng naturang awitin.

FRANKIE PANGILINAN ON SINGING SHARON CUNETA SONGS

Ibang-iba ang pagkanta ni Kakie sa original na version ng Megastar.

Tinanong ng PEP Troika si Kakie kung ano ang nararamdaman niya kapag kinakanta ang mga classic song ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “I think po for me, my priority when singing mga kanta ni Mommy is to just make sure to sing the song as she did it as best as I can, dahil hindi ko naman po talaga kanta.”

Aminado naman si Kakie na iba talaga kapag ang mama niya ang kumakanta.

Pero malaking bagay raw ang pagiging fan siya ng kanyang ina.

“Sharonian din po ako. Hahaha!” bulalas niya.

“If anything and anything, my mom is my biggest fan as well.

"And all I want to do is to be able to do justice to her songs. Because they made all of us happy no for so many generations.

“And what a blessing lang po to be able to sing it nga, tapos the whole venue was singing back? Yun nga yung medyo nakakaiyak nga po, e,” dagdag ni Kakie.

Read: 42nd Star Awards for Movies: Maricel, Maris tie for best actress

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Ngayong Huwebes ng gabi, October 29, ang second to the last night ng concert ni Gary V sa Music Museum.

Inaasahan ang pagdating ng Megastar para panoorin ang front-act performance ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Nung mga unang gabi sa Gary V concert ay mga kanta lang talaga ni Kakie ang kinakanta niya.

Naisip daw nilang subukan niya ang Sharon Cuneta songs para surprise sa kanyang ina.

Pagbabahagi ni Kakie: “We planned it as a sort of surprise for Mama. Sana po, baka makita din niya.

“Baka sa birthday ng bunso namin,” sambit niya.

Nung unang gabi kasi ng Gary V. concert ay ang ama ni Kakie na si Senator Kiko Pangilinan ang nanood. Wala roon si Sharon.

Kaya baka mamayang gabi ay darating na ang Megastar.

Read: Gary Valenciano explains why he loves intimate venues

NOEL FERRER

Nagpapasalamat si Kakie na binigyan siya ng pagkakataong makapag-perform at sa concert pa ni Gary Valenciano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“What an honor po talaga kasi I grew up watching Tito Gary at Music Museum.

“To be able to perform with him, parang medyo surreal po. Hindi po ako makakapaniwala na I’m able to do that.

“And yeah! I think last time, medyo I’m worried nga kasi nagkaroon kami ng technical difficulties for the very first time. But I think we handled it as best as we could.

“I’m very very proud of my band. I’m really looking forward to share more music with everybody,” saad niya.

SHARON'S ADVICE TO KAKIE

Seryoso na si Kakie sa kanyang singing career.

Tinanong namin kung ano ang madalas na ipinapayo ng kanyang ina.

“Ina-advise po niya, always be humble, always be kind. What you can do for people in 20 seconds if it can make their day, you have to do it.

“And it’s such a blessing to be able to do it,” napangiti niyang pahayag.

Sinubukan na rin ni Kakie ang umarte sa pelikula. Bahagi siya sa pelikulang Edjop na pinagbidahan ni Elijah Canlas.

frankie pangilinan edjop
Frankie Pangilinan in a scene from Edjop

“I was very, very proud po to be able to work with Elijah Canlas and Direk Katski Flores.

“It was such an honor to be able to work on that. Pero five years po namin yun pinagsipagan.

"Saka five years siya bago nakalabas sa mga sinehan,” saad ni Kakie Pangilinan.

Read: Marian Rivera breaks silence on long-running Bela Padilla "padlock" rumor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan honored her mother, Sharon Cuneta, by singing “Mr. DJ” and “Bituing Walang Ningning” at the 42nd Star Awards for Movies, where she accepted Sharon’s Ulirang Artista award. Kakie says she wants to do justice to her mom’s iconic songs and was moved when the audience sang along.
PHOTO/S: Gorgy rula / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results