PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes reveals how chemist Pinky Tobiano joined Sigabo

Pinky Tobiano discusses monthly Laguna de Bay cleanup advocacy.
by PEP Troika
Published A day ago
pinky tobiano julia montes
Julia Montes (right) shares how she recommended her business partner Pinky Tobiano (left) for a role in Coco Martin’s Sigabo, where Pinky earned praise from director Coco Martin for her natural acting.
PHOTO/S: Gorgy Rula

NOEL FERRER

Maganda ang kinalabasan ng partnership ng aktres na si Julia Montes at ng chemist na si Pinky Tobiano.

Nung nakaraang linggo ay inilunsad nila ang bagong variant na Swiss Proli Cell White+, ang unang stem cell glutathione gummy supplement sa bansa.

Sa naturang event na ginanap sa Galios Events Place, kita kung gaano sila ka-close sila.

Nagpapasalamat si Julia na naturuan siya ni Pinky sa negosyong pinasok nila.

Kita rin doon kung gaano sila ka-close sa mga kasamahan nila sa Coco Martin’s Sigabo na dumalo sa event.

JULIA MONTES REVEALS HOW PINKY TOBIANO JOINED THE CAST OF SIGABO

Nagkuwento si Julia kung paano nakapasok si Pinky sa Sigabo.

Noong nagka-casting sila para sa teleserye nila ni Coco Martin, naghahanap daw sila ng gaganap na best friend ni Isobel Jacinto na ginagampanan ni Carmi Martin.

Si Julia, nag-suggest na bakit hindi raw si Achi Pinky niya ang kunin.

Nagdalawang-isip pa raw si Coco at baka hindi naman daw type ni Pinky ang mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Julia: “Minessage ko si Achi. So, yun na, Dun na nag-start.

"Sabi ni Achi, ‘Yes of course. I want. Go!' So, dun nga nag-start.

“Sabi nga ni Coco, napaka-natural ni Achi. Isa siya sa mga kinast ni Coco na automatic. Wala nang training talaga.

“Saka nag-e-effort yan. Nagwo-workshop by herself!”

Sabi naman ni Pinky, “Ang sarap-sarap ng pakiramdam na nagtitiwala sa yo si Direk Coco at saka si Julia.

“Pero you know, what’s very nice of Swiss Proli, having Julia Montes. Hindi niyo akalain, si Julia very hands on na CEO.

"Napakasipag niya. At saka grabe siya. Talagang tutok.”

pinky tobiano sigabo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Elisse Joson on co-parenting with McCoy de Leon for daughter Felize

JERRY OLEA

Speaking of Coco Martin’s Sigabo, isasagad na ni Gabo (karakter ni Coco) ang mas malupit na aksyon!

Walang prenong aksyon ang hatid ni Coco sa kanyang mas umiigting na misyon kontra sindikato habang patuloy na nagbibigay kilig sa mga eksena nila ni Julia Montes.

Sasabak si Gabo sa matinding bakbakan para pigilan ang ilegal na human trafficking operations nina Raul (Ricardo Cepeda) at Misty (Ina Raymundo), gamit ang kanyang high-tech na mga armas mula sa Anino, ang sikretong organisasyon ng gobyerno na lumalaban sa mga bigating sindikato.

Kaabang-abang din ang mga lambingan ni Gabo at ng kanyang pekeng misis na si Gloria (Julia Montes).

Matapos magselos ni Gloria kay Misty, todo-suyo si Gabo at buong tapang na ibubunyag sa radyo ang wagas niyang pagmamahal sa misis.

Samantala, nagsisimula na ring kumilos ang mga Zafra, ang mortal na kaaway nina Gabo at Gloria, para linisin ang pangalan ni Victor (JM de Guzman) upang tuluyan na rin itong mailabas sa kulungan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Huwag palampasin ang aksyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 P.M., sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.

Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

coco martin julia montes sigabo
Coco Martin and Julia Montes in Sigabo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino’s ideal partner? A doctor who won’t panic if she stops breathing

GORGY RULA

Balak ni Pinky Tobiano na isama ang mga taga-Sigabo sa gagawin niyang coastal cleaning sa Laguna de Bay.

“I’m one of the people who supports coastal clean up,” pakli ni Pinky.

Kailangan daw linisin ang Laguna de Bay dahil sa dami ng mga basura, konti na lang daw ang mga isda.

“Para makatulong sa mangingisda. Ang dami nang plastic sa Laguna de Bay.

“So, every month naglilinis ako sa Laguna de Bay, kasama ang mga Eco warriors. At marami kaming nalilikom na basura,” dagdag ni Pinky.

Sabi pa ni Pinky, nakakabahala na raw ang mga basurang nakakalat sa Laguna de Bay.

Kaya naging adbokasiya na niya ito, sa tulong ng Laguna Lake Development Authority.

Pakikiusapan daw niya ang mga kasamahan niya sa Sigabo na samahan siya sa paglilinis pagbalik niya roon sa December.

“Wala na kasi masyadong mga isda. Wala nang kabuhayan ang mga mangingisda. Sana sumama sila,” sambit ni Pinky.

PINKY TOBIANO'S VOLUNTARY WORK

Ginawaran kamakailan si Pinky ng Lawa Award mula sa Laguna Lake Development Authority.

Binigyan siya ng parangal dahil sa ginagawa niya buwan-buwan.

“Voluntary ito, e. So, tuluy-tuloy. Every month naglilinis tayo. Solid water management. Pumupulot tayo ng basura sa Laguna Lake.

“Meron akong mga supporters na progressive eco-warriors, talagang naniniwala sila, sumasama na sila, e.

“Malaki yung Laguna de Bay, e, CALABARZON, Cavite, Laguna, Batangas… lahat, all over. Kasi Laguna lake, comprises of several provinces.

“So, umiikot kami. Rizal, Laguna. Batangas, Cavite, iniikutan namin lahat yan,” saad ni Pinky.

May panawaga lang si Pinky sa lahat: “Sana, huwag ho tayo magtapon ng basura sa lawa.

“Sana ipunin natin yung basura at itapon sa tamang lagayan. Kasi tinatapon lang nila kung saan saan ang mga basura. Nakakaawa yung mga mangingisda.

“At samahan niyo po kami sa aming monthly coastal clean up. Ang tawag ko ay progressive eco-warriors. Ang mga kababaihan, kalalakihan na tumutulong sa mga mangingisda.”

Read: Maricel Soriano, Maris Racal did not tie at 74th FAMAS Awards

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes (right) shares how she recommended her business partner Pinky Tobiano (left) for a role in Coco Martin’s Sigabo, where Pinky earned praise from director Coco Martin for her natural acting.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results