JERRY OLEA
Nakaranas umano ng discrimination ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa isang restaurant sa Salamanca, Spain, nang mag-shooting sila roon ng MMFF 2026 official entry na Los Salvajes Bravos.
“Kumakain ako sa isang restaurant,” lahad ni Ruru sa mediacon noong Oktubre 29, 2026, Huwebes, sa Cabalen restaurant, West Avenue, Quezon City.
“Habang kumakain ako doon, nag-order ako ng steak. Kasi nag-search ako, ano ba yung pinakamasarap na restaurant dito?
“Gusto kong ma-experience. Mag-isa ako doon. Ahh, meron naman akong… kumbaga, nakapag-ipon ako ng pera para meron akong pambili doon.
“So, naghanap ako ng medyo mahal at masarap na steak.
"Pagdating ko po doon, nag-order ako. Steak at fries.
“Nung sinerve sa akin yung pagkain, ibinato sa harapan ko!
“So, nung naramdaman ko yun… siguro kung yung dating version ng Ruru, papalampasin ko na lang yun, e.
“Kasi matatakot ako na wala ako sa bansa natin. Ahh, baka kung ano ang gawin sa akin.
“E, anlaki! Mga 6’5” na Español… So, pagbato niya, may mag-asawa dito na French, napatingin sila sa akin.
“Tapos parang ako, nung tumingin sila sa akin, doon ko naramdaman na, ‘Hindi ko dapat hayaang ganunin ako.’
“Kasi, pagbato niya, tinalikuran ako, e! So, wala na akong nagawa."
ruru madrid: "sinakop niyo na kami noon!"
Pagpapatuloy ni Ruru: "Ginawa ko, tinawag ko yung manager.
"Nag-Google translate ako, na itong tao mo, ito yung ipinaranas sa akin. ‘I’m a paying customer. Dapat hindi.’
“So, nung lumapit sa akin, nag-sorry siya, nagbigay siya ng cake.
"Sinabi ko talaga sa kanya na parang, ‘Sinakop niyo na kami noon, e! Sinakop niyo na kami noon!
“‘At noong panahon na yon, wala kaming laban sa inyo.
"Pero ngayon na may kakayanan na akong magbayad at bumili ng sarili kong pagkain, at ako ay customer, wala ka nang karapatan na gawin ito sa akin ngayon.’
“So simula po noon, tumatak sa akin na hindi ako dapat magpapaapi o magpapababa sa kahit na sino sa mundong ito.
“Siguro dahil ginagawa namin yung pelikula, so nakatatak siya sa puso ko, e. Na hindi ako magpapaapi sa mga ito.
“So, hanggang ngayon, nararanasan po natin ang diskriminasyon, ang hindi pantay na pagtingin sa atin.”
Read: Showbiz colleagues rally behind Alden Richards amid allegations
NOEL FERRER
Nananalig si Ruru Madrid na dapat panoorin ng Pinoy moviegoers ang historical film na Los Salvajes Bravos.
“Tina-tackle din kasi ng pelikulang ito ang trust, ang pagtitiwala,” sambit ni Ruru, na gumanap bilang Igorot na si Purganan.
“Na ngayon ba, kanino nga ba dapat tayo magtiwala? Iyon yung mga tanong na pagka napanood mo itong pelikulang ito, ito ang maiiwan sa atin.
“Sino ba dapat yung mga pagkatiwalaan natin kung ang pinag-uusapan na ay kinabukasan na ng buhay natin?
“So, napapanahon, e. Alam naman natin na hanggang ngayon, nararanasan natin ang krisis.
“Ang pagkabalisa. Ang pagtatanong kung nasa tama ba tayong pamamalakad at pagpapatakbo ng bayan?
“So, lahat yan, na mga questions natin, maaaring makita po natin sa pelikulang ito.
“So hopefully, hopefully hindi lang po mga estudyante at mga kaedad ko ang makapanood.
“Sana, buong pamilya. Lalung-lalo na iung mga kabataan.”

Read: Maricel Soriano, Maris Racal did not tie at 74th FAMAS Awards
GORGY RULA
Ang kuwento ng Los Salvajes Bravos ay tungkol sa mga katutubong Pilipino na itinanghal bilang mga “human display” sa Exposicion General de las Islas Filipinas noong Hunyo 30-Oktubre 30, 1887 sa Parque del Buen Retiro sa Madrid, España.
Maliban kay Ruru Madrid, bida rito si Romnick Sarmenta bilang beteranong Igorot na si Ismael Alzate.
Idinirek ito ni Paolo Dy, at prinodyus ng Jesuit Communications na siyang producer ng MMFF 2023 official entry na GomBurZa.
Pahayag ni Ruru: “I guess it’s about time na makapagkuwento ng mga ganitong klaseng istorya at malaman po ng bagong henerasyon.
“Because para po sa akin, ang history ay reflection ng kinakaharap ho nating lahat ngayon, kung ano iyong mga nararanasan natin.
“So, maaaring mula ho sa naranasan ng mga ‘salvajes’ noon, maaaring makapagbigay po ito ng pag-asa sa atin.
“Na tayo ba, meron pa tayong pag-asa. Na puwede pa tayong magkaroon ng magandang kinabukasan.”
Nasa cast din ng Los Salvajes Bravos sina Michael de Mesa, Christian Vazquez, Jojit Lorenzo, Arnold Reyes, Elora Españo, Paolo O’Hara, Javier Godino, Joel Saracho, at Andreas Muñoz.
Andiyan din sina Michael Roy Jornales, Aya Sarmiento, Miguel Vasquez, JM Salvador, Roven Alejandro, Shagem Sumayag, DMs Boongaling, Kenshin Lagutan, at Aaron Kaiser Garcia.
RURU MADRID IN SHOOTING LOS SALVAJES BRAVOS IN SPAIN
Memorable para kay Ruru ang whole experience ng shooting nila sa Spain.
Dalawampu’t dalawang (22) araw sila roon, at sampung (10) araw ang inilaan para sa shooting.
“Iba iyung ipinaranas ng Spain din sa aming lahat. Parang siguro, like for example, ako, in my case, parang sanay ako, pag andito sa Pilipinas, parang laging nagmamadali,” saad ni Ruru.
“Lagi tayong trabaho or may gagawin. Trabaho, lagi tayong may hinahabol.
"Pero yung nagpunta kami sa Spain, parang ambagal ng oras.
“Parang… parang sinasabi sa iyo na okay lang mag-take time. Kaya nga meron silang siesta sa hapon.
“Pero doon mo mas maa-appreciate yung… siguro dahil ang ganda rin ng Spain.
"Pero nung nandun ako, tapos lagi akong tumatakbo, lagi akong naglalakad kung saan-saan…
“Parang doon ko mas na-appreciate yung buhay. Na grabe, ang sarap pala talagang mabuhay.
“Ang sarap pala na itong pangarap ko na maging isang artista, ito rin yung nagsilbing instrumento para ma-experience ko na makapunta sa iba’t ibang mga bansa, o iba’t ibang mga lugar na hindi ko inakalang mapupuntahan ko.
“So siguro naibalik niya po sa akin yung drive, yung passion, dahil parang naging grateful uli ako sa kung ano po meron ako ngayon.
“And lalo na dahil nga dito sa Pilipinas, sanay na ako yung kuya, ako yung leader, ako yung laging nangunguna…
"Noong nandun ako sa Spain, pina-experience sa akin na magkaroon ng maraming mga kuya…
“Tuwing gabi, nakatambay kami sa labas lagi ni JM. Kasi siyempre parang lagi kaming magde-debriefing.
“Or siyempre, kami-kami lang ang magkakasama for 22 days, nasa Spain kami, hindi namin kasama ang pamilya namin doon.
“So, kami lang talaga yung kinakapitan ng isa’t isa. So every night, nakatambay kami ni JM sa labas kahit na sobrang lamig.
“Pero biglang may dadating na Kuya Romnick habang nagkukuwentuhan kami. Tapos doon sa pagdating niya, lagi siyang magkukuwento sa amin ng mga experiences niya.
“Magkukuwento siya ng mga nais niya sa buhay. Or yung mga puwedeng makapagturo sa amin ni JM kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin sa industriya at mahusay si Kuya Romnick, di ba?
“So, parang that’s the goal. So, sobrang grateful ako sa experience ko sa Spain dahil pamilya po iyung nabuo, e.
“At katulad ng sinabi ni Kuya Romnick, meron talagang mga pelikula na personal sa puso mo.
“Na kahit na gaano karami pang pelikula o proyektong gawin ko, itong Los Salvajes Bravos, isa ito sa mga hinding-hindi ko makakalimutan.
“Dahil ganun po ako naging masaya nung ginagawa namin itong pelikulang ito.”

