PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta watches Frankie perform live for the first time

Sharon Cuneta hopes to do another TV drama after Honor Thy Mother.
by PEP Troika
Published A day ago
sharon kiko miguel kakie concert
Sharon Cuneta finally watched her daughter, Kakie Pangilinan 9inset), perform live for the first time at Gary Valenciano's concert at the Music Museum. The Megastar was especially touched when Kakie sang her hit song “Mr. DJ.” Sharon was accompanied by husband Senator Kiko Pangilinan and son Miguel.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Inabangan ng PEP Troika si Sharon Cuneta sa Music Museum nung Biyernes, October 29, 2026.

Nabanggit kasi ni Kakie o Frankie Pangilinan nung nakapanayam namin na manonood daw ang mama niya sa birthday ng bunso nilang si Miguel.

Dumating nga si Sharon bago mag-perform si Kakie sa Gary V. Back at the Museum concert nito last Friday.

Kasama ng Megastar ang mister na si Senator Kiko Pangilinan at ang anak nilang si Miguel.

kiko sharon miguel gary v concert
Senator Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta with son Miguel
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHARON'S FIRST TIME TO WATCH KAKIE AT GARY V'S CONCERT

Sabi ni Senator Kiko, pangalawang beses na niyang manood, at si Miguel naman ay pangatlo na.

First time pa lang itong mapanood ni Sharon, at ito talaga ang inaabangan ni Kakie.

“Yes! Kasi, di ba, I was busy taping Honor Thy Mother every day, dyusko, halos every day.

“Tapos nasisingit naman yung ibang trabaho ko, if not taping. So this is really the first time na nakapunta ako dito, and I’m so happy,” bulalas ni Sharon nang nakapanayam ng PEP Troika pagkatapos mag-perform ng kanyang anak.

Sabi ni Sharon, mas excited siya kesa sa naging emotional nang kinanta na ni Kakie ang "Mr. DJ."

“We do it all the time at home. Oo. Pero hindi yung buong ganito… yung 'Mr. DJ,' my first hit, di ba?

“Super touched ako! We’re very close, e.

"So, proud na proud kami na hindi kami makapaniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I can’t believe she’s 26… and this is her second...”

Sumingit si Senator Kiko: “She’ll be 26…”

Binawi naman ni Sharon: “She’ll be. Dine-delay niya. So, I’m very proud of her. I’m very touched also.”

Read: Frankie Pangilinan sings Sharon Cuneta's “Mr. DJ,” “Bituing Walang Ningning”

NOEL FERRER

Aminado si Sharon Cuneta na iba talaga ang istilo ng pagkanta ni Kakie ng mga awitin niya.

“Iba! Mas mababa ang vocal register niya,” pakli ng Megastar.

Alin sa mga awitin niya ang gusto niyang ipamana sa kanyang anak?

“Sila mamili. Siya mamili kung ano yung gusto niya. Open library,” napangiting sambit ni Ate Shawie.

Ipinagmamalaki pa ni Sharon na pawang likha raw ni Kakie ang mga kinanta nito.

“Alam mo lahat ng songs na kinanta niya, siya ang sumulat. Her whole album. Yeah!

"So, ang tagal niya ginawa talaga. All throughout college.

“Nag-graduate pa siya, di ba?” saad ng Megastar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SHARON ON KAKIE'S SINGING AND ACTING

Bukod sa pagkanta, sinubukan na rin ni Kakie ang acting.

Napanood siya sa pelikulang Edjop na pinagbidahan ni Elijah Canlas.

Saan mas gusto ni Sharon na mag-focus si Kakie, sa singing o sa acting?

“Magaling siya pareho, and I’m very proud of her.

"And I want her to do what she feels like doing. What she’s happiest doing.

"So, kung acting yun, singing yun, gawin niya lahat. Habang bata pa siya,” tugon ni Sharon.

Ang lagi raw niyang ipinapayo kay Kakie: “Just be yourself and be humble always.”

Samantala, naghahanda na si Shawie para sa kanyang U.S. tour with her guest Bugoy Drilon.

At excited talaga akong mag-collab ang mag-inang Kakie at Shawie.

And soon, a film. With Gabby Concepcion na kaya? Finally?

Read: Maris Racal’s Best Actress grand slam dream ends at FAMAS

JERRY OLEA

Totoong napagod daw si Sharon Cuneta sa taping ng drama series na Honor Thy Mother. Pero hindi ibig sabihin nito ay titigil na siya sa paggawa ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Sharon: “Napagod dahil more than anything else, dahil siguro sa age ko. Yung energy level ko, hindi na pareho ng noon.

“Pero this really… I mean thanks to our directors, and Barbie [Forteza], to John [Estrada], Khalil [Ramos], at sa lahat ng kasama namin.

“Primary… na-ignite yung passion ko sa acting. Kasi parang natuwa ako dun sa role ko na iba naman.”

“So, parang… meron pa pala akong hindi nagagawa. Nagulat na lang ako, parang when it came out and people commented na iba. ‘Oo nga, ano?! Oo nga, ano?!’

“But I decided when I read all the script, how I’m gonna play her — like this! Parang ganun.”

Sabi nga ni Senator Kiko, ngayon lang daw siya naiyak sa ginawang series ng kanyang asawa.

“First time sa 30-plus years… sa eksena niya [naiyak]. Pero hindi ko sinabi.

"Sabi ko, kaya pala number one,” sambit ni Sen. Kiko.

Natatawa namang reaksiyon ni Sharon, “May nagkuwento sa akin, yung best friend ko, dun niya kinuwento.”

BONDING WITH THE HONOR THY MOTHER CAST

Ang maganda pa sa Honor Thy Mother, nabuo raw talaga ang bagong pamilya ni Sharon at ng buong cast.

Iba raw ang closeness nilang lahat kaya nagpaplano silang mag-bonding.

Ani Sharon: “Lahat kami… everybody in the cast, naging pamilya kami. Kami ni Barbie, talagang nag-bonding.

“Kami ni John [Estrada], 18 years na kaming mag-friends, naging mas close pa kami.

“Si Tonton [Gutierrez], 40 years ko nang leading man, nag-bond kami. Tapos si Mercedes [Cabral], di ba? Si Chedeng.

“Si Khalil, minahal ko talaga nang lubos. Walang tulak-kabigin.”

Samantala, namimili na raw ngayon si Sharon sa mga script na ipinadala sa kanya kung alin ang susunod niyang gawin.

“Yes! Reading some scripts. Waiting for something storylines to come. May movie scripts, e. I’m looking some.

“But I really love to do a TV drama again,” sabi pa ni Sharon.

Read: Ruru Madrid recalls being discriminated against at Spain restaurant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta finally watched her daughter, Kakie Pangilinan 9inset), perform live for the first time at Gary Valenciano's concert at the Music Museum. The Megastar was especially touched when Kakie sang her hit song “Mr. DJ.” Sharon was accompanied by husband Senator Kiko Pangilinan and son Miguel.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results