JERRY OLEA
Malaking karangalan para kay Romnick Sarmenta ang gumanap bilang Igorot na si Ismael Alzate sa MMFF 2026 official entry na Los Salvajes Bravos.
Si Ismael ang namuno sa pangkat ng mga katutubong Pilipino patungong España para sa Exposicion General de las Islas Filipinas noong Hunyo 30-Oktubre 30, 1887 sa Parque del Buen Retiro sa Madrid.
Ang historical film na Los Salvajes Bravos ay prinodyus ng Jesuit Communications, na siya ring producer ng GomBurZa na most awarded film sa MMFF 2023.
Pagtatapat ni Romnick sa mediacon noong Oktubre 29, 2026, Huwebes, sa Cabalen restaurant, West Avenue, Quezon City, tinanong niya ang producers kung sigurado ba sila na siya ang kukuning bida sa Los Salvajes Bravos.
“Si Alzate po ay masyadong maraming lengguwaheng nalalaman,” sambit ni Romnick.
“At ako naman, e, wala. Kaya si Roven [Alejandro, language coach] ang nahirapan. We have a very patient director. Ahhmm blessing lahat, e.
“Kaya para mapasama yung pelikulang minahal niyo at pinaghirapan niyo at pinagtrabahuhan niyo nang sama-sama sa isang festival kung saan sana nga, e, buong pamilya ang manood at matuto ng isang bahagi ng istorya ng kasaysayan natin na hindi pinag-uusapan sa mga paaralan…
“Napakalaking karangalan at blessing nun. So, grateful lang ako talaga.”
First time niyang makatrabaho rito si Ruru Madrid, na gumanap bilang kapwa Igorot na si Purganan.
Nasa cast din ng Los Salvajes Bravos sina Michael de Mesa, Christian Vazquez, Jojit Lorenzo, Arnold Reyes, Elora Españo, Paolo O’Hara, Javier Godino, Joel Saracho, at Andreas Muñoz, sa direksyon ni Paolo Dy.
Andiyan din sina Michael Roy Jornales, Aya Sarmiento, Miguel Vasquez, JM Salvado, Roven Alejandro, Shagem Sumayag, DMs Boongaling, Kenshin Lagutan, at Aaron Kaiser Garcia.

Read: Ruru Madrid recalls being discriminated against at Spain restaurant
NOEL FERRER
Ano ang naramdaman niya matapos mabasa ang script ng Los Salvajes Bravos, kung saan lead role ang ini-offer sa kanya?
Sagot ni Romnick Sarmenta: “Katulad ng nabanggit ko kanina, sobrang grateful ako kaya I feel honored and blessed to be offered roles — kahit ano pa yung role, e, kahit ano pang project, kahit ano pang pelikula.
“Just the mere fact na inisip ka, ginusto kang makasama, ginusto kang makatrabaho… malaking karangalan na yon.
“But to be trusted with a piece… kasi, hindi ko nade-determine personally kung ano yung lead role at ano yung supporting role.
“Para sa akin, lahat nung karakter na nasasama sa isang kuwento ay mahalaga.
“Kaya kong i-substantiate yon sa experience namin sa Spain where we have scenes with some Spanish actors na isang eksena lang naman sila.
“At walang halong kabastusan kong sasabihing hindi naman sila kilala dito.
“Pero yung trabahong ibinigay nila at ipinakita nila sa amin, yung respeto sa loob at labas ng eksena, at yung paglikha nila doon sa paggawa nila ng eksena — sobrang dedicated.
“Sobrang committed. Mapapahiya ka sa sarili mo kung hindi mo gagawin ang trabaho mo sa bawat eksenang gagawin mo.
“So, more than being asked to play a lead, mahalaga sa akin na maganda yung kuwento. Mahalaga sa akin na may kabuluhan yung kuwento para sa lahat ng Pilipino.
“At mahalaga sa akin yung pagsasamahan habang binubuo iyong pagkukuwento nung pelikula.”
ONE OF THE MOST IMPORTANT FILMS IN ROMNICK'S CAREER
Tahasang sinabi ni Romnick na itong Los Salvajes Bravos ang isa sa pinakamahalagang pelikula na ginawa niya.
“Without diminishing the worth of the other films, without saying na nag-enjoy ako, without saying na marami ring ibinigay sa akin yung ibang pelikula, may mga pelikula lang talaga na personal yung value para sa iyo,” lahad ni Romnick.
“At isa ito sa mga iyun, sa maraming dahilan. Hindi lang dahil sa kuwento, sa samahan, sa mga taong nakasama ko at nakadaupang-palad at nakilala nang husto.
“Sabi nga ni Ru, pamilya kami, e. So, mga salvaje nga lang kami talaga!”
Read: Maris Racal’s Best Actress grand slam dream ends at FAMAS
GORGY RULA
Andaming Kastilang dialogue ni Ismael Alzate sa Los Salvajes Bravos, kaya naitanong ni Romnick Sarmenta sa producers kung sigurado ba ang mga ito sa pagpili sa kanya para sa nasabing karakter.
“Nakapagsalita na ako ng Hiligaynon, nakapagsalita na ako ng Cebuano, at nakapagsalita na ako ng kaunting Espanyol,” pagsisiwalat ni Romnick.
“Pero 60… is it 60 percent of the film? Paglapit ko nga dito, akala ko…” at nag-Espanyol si Romnick bago nagpatuloy.
“So, yun. Sabi ko, ‘Sigurado ba kayo? Kasi, baka mahirapan tayo pare-pareho.’ Pero they were very patient, very kind. And very humble.
“So, hindi naman kami nahirapan masyado.”

SHOOTING LOS SALVAJES BRAVOS IN SPAIN
Twenty-two days sa Spain ang pangkat ng Los Salvajes Bravos para sa ten-day shooting.
Maraming experiences doon si Romnick.
“Pero ang pangunahin palagi is yung ganda ng pakikipagkapwa-tao,” saad ng veteran actor.
“Hindi natin masyadong nae-experience on a daily level… lalo na pag may mga biases kasi tayo sa utak, di ba?
“So lalabas tayo, makikiharap tayo sa Pilipinas, maglalakad ka, ang nasa isip mo, nakakairita yung traffic sa EDSA.
“At walang ginagawa yung nagse-cellphone at traffic aide sa gitna ng traffic.
“So, ayaw mong makipagkuwentuhan. Ayaw mong kilalanin yung kapwa mo. At ayaw mong mag-share ng kahit ano. Kasi, hindi dapat ganito!
“Pag nasa ibang bansa ka, wala kang ganung bitbit, e. At ang gusto mo lang, makilala yung mga taong nakakasalubong at nakakasalamuha mo.
“May malaking value yon. Yung bigyan mo sila ng espasyong maging sila at hayaan mong madiskubre mo kung gaano kagaganda ang buhay at katapatan ng kapwa mo.
“And to be able to give that and to share that with others, I think iyon yung isa sa pinakapaborito kong bahagi ng paglikha nito.
“Very open lahat. Very generous lahat. Si Aya, huwag niyo na hong paiiyakin. Kasi, mga apat na oras bago siya makatigil sa sobrang ramdam niya yung pag-iyak.
“At hindi siya mabigat. Hindi siya burden. Hindi siya trabaho. We really enjoyed each other’s company. We enjoyed getting to know one another.
“At yung pagkakataon na makatrabaho yung mga Espanyol, na ang mga ninuno ay sumakop sa mga ninuno natin, at maintindihan kung gaano rin sila kalaban doon.
“Kung gaano nila kaayaw yung pangyayari na yon noong araw. At kung gaano nila gustong makilala ang mga Pilipino bilang equal, bilang tao, bilang kaibigan…
“Napakasarap lang sa dibdib!
“So yun, maraming puwedeng ipagpasalamat. Isa ito sa pinakamataas.”
Read: Jimuel Pacquiao's wife wants baby Clara to embrace Mexipino roots
