GORGY RULA
Halatang mababa ang emosyon ni Kelvin Miranda sa mediacon ng Gen Z Heartthrobs concert na ginanap nitong Sabado, Oktubre 31, 2026.
May bumulong sa aming parang bumalik daw ang depression ng Kapuso actor.
Tinanong ng PEP Troika si Kelvin tungkol dito pagkatapos ng open forum.
Inamin ni Kelvin na malungkot siya ngayon dahil bumabalik daw ang pangungulila sa kanyang ama.
“First Undas ko na po na wala na si Erpat,” pakli niya.
KELVIN'S FIRST UNDAS VISIT TO HIS LATE FATHER'S GRAVE
Pumanaw ang ama ni Kelvin na si Patricio Miranda dahil sa isang road accident noong April ng taong ito.
First time daw niyang maranasan sa Undas na ang ama na niya ang isa sa dadalawin niya sa sementeryo.

Saad ni Kelvin: “Hindi naman natin maaalis agad yung pagkalungkot natin dahil sa recently na pagkawala ng tatay ko, lalo Undas.
“Medyo kagabi, emosyonal ka. Nagmo-motor ka, biglang maiisip mo bigla. Madadarang yung puso mo.
“So ayun. Yung pinag-aaralan ko ngayon kung paano ko tatanggapin na talagang sumakabilang buhay na talaga yung tatay.”
Bumabalik daw kasi sa alaala niyang nakakasama pa raw niya ang kanyang ama na pumupunta sa sementeryo.
“Isa pang medyo malungkot din, kasi lagi kaming sabay pumunta sa sementeryo nang naka-motor. Na nagiging catch-up bonding na rin.
“Parang forever na rin yun na nasa puso nating may gitli — may lamat na siya na hindi gagaling,” malungkot niyang pahayag.
Read: Kelvin Miranda to file lawsuit vs. driver involved in dad's death
Kasama ni Kelvin ang kapwa Kapuso actors na sina Michael Sager at Anton Vinzon sa Gen Z Heartthrobs concert.
Nakatakda itong ganapin sa January 15, 2027 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

JERRY OLEA
Sa open forum ng Gen Z Heartthrobs mediacon, hindi napigilan ni Kelvin Miranda na isiwalat ang kinikimkim na pagkainis sa matagal nang isyu ng pagka-link kay Sam Smith.
Binanggit niya ito nang natanong kung may nararanasan ba silang parang na-sexually harass sila habang nagpe-perform.
Na-trigger si Kelvin na ilabas ang inis niya sa pilit na pagkaka-link niya sa English singer-songwriter.
“Offensive siya. Hindi siya nakakatuwa. Hindi siya magandang sakyan,” himutok ni Kelvin.
“And para sa akin, para hindi siya lumaki, hinahayaan ko na lang. Kasi, alam ko naman kung ano yung totoo sa sarili ko.
"And tinapos ko na yung usapan na yun, and hindi siya importante sa akin. Binatawan ko na, hindi ko na siya pinoproblema.
"And ang mga taong pilit na binabalik yan, wala akong pakialam.
“Kumbaga, hayaan ko na lang. Hanggang ngayon dala niyo pa rin ba yan?
"Ako, naka-move on na. 2026 na! Mag-2027 na.”
KELVIN CALLS OUT SExUAL HARASSMENT
Ang isa pa raw sa ikinainis ni Kelvin ay yung mga nagsasabing "ganun talaga," na normal lang yun, lalo na’t may mga nagkokomentong parang may pagnanasa na sa kanya.
Hindi napigilan ni Kelvin na maglabas ng hindi magandang pahayag.
Aniya: “Yung sexual harassment na ganyan, nagiging parang nano-normalize na yun e. Na ‘okay lang yan! Ganyan-ganyan.'
“Hindi ganyan yun, bobo! Nakakainis pakinggan. Ang pangit siyang pakinggan, hindi siya maganda.
“Yung mga comments na mga unnecessary. Mga comments na, ‘Ang sarap mo!’ Parang f*ck!
“Bakit kailangan mong sabihin yun sa tao? Hindi siya appropriate. Hindi siya nakakatuwa.
“Kahit sabihin pang social media lang yun. Hindi lang yun, kasi sexual harassment yun!” sabi pa ni Kelvin.
Read: Michael, Kelvin, Anton unite for GenZ Heartthrobs concert
NOEL FERRER
Bakit nabuhay na naman itong Sam Smith issue?
“Hindi naman siya binubuhay. Nagkataon lang na yung question, malapit, and direkta ko nang sagutin,” tugon ni Kelvin.
“Kasi, napaka-unnecessary kasi minsan bigla siyang isisingit sa yo, so ganun.
"So parang, okay. Hindi siya magandang practice as a person.”
Halatang galit na si Kelvin sa pilit pa ring idinidikit sa kanya ang isyung ito.
Paglilinaw niya" “Hindi naman! Hindi naman! Hindi ako affected dun.
"Parang pinoint out ko lang talaga yung parang wala, gusto ko lang talaga siyang sabihin.
“Hindi para sa i-big deal ko pa siya sa sarili ko. Pumasok siya sa isip ko, e. Okay, e di, sabihin ko na.”
Napuno na ba siya sa isyung ito?
“Binitawan ko na yun actually, e. Kagaya ng sinabi ko kanina, tinuruan ko yung sarili ko na mag-move forward.
“Huwag ako masyado mag... alam mo yun, magpaka-stress sa… kahit anong gaan ng bagay.
"Kapag matagal mo nang hawak yan, nakakapagod yan.
“So, para sa akin, hindi ko siya bini-big deal. Sinasabi ko lang na inappropriate ang mga ganung bagay,” pagmamatwid ni Kelvin.
Read: Lumang naughty interview ni Kelvin Miranda, paulit-ulit nabubuhay
