PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid, Regine Velasquez to star in Kailangan Kita musical

Ogie Alcasid, Regine Velasquez to star in Kailangan Kita musical
by PEP Troika
Published 2 hours ago
ogie alcasid regine velasquez kailangan kita musical
Ogie Alcasid and Regine Velasquez are teaming up for Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical, set to premiere in May 2027. Ogie will write and star in the production, which will feature songs from his 38-year music career.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

In-announce na noong Sabado, October 31, 2026, ang kasunod na musical play na ipo-produce ng The Philippine Star, Viva Communications, at Newport Performing Arts Theater.

Noong araw na yun ang huling performance ng Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical.

Bago ibinaba ang kurtina, in-announce na ang isusunod nilang musical play ay ang Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical.

Mapapanood ito sa Mayo 2027.

Bago tinawag si Ogie, may ipinakitang video ng singer-songwriter kasama ang misis nitong si Regine Velasquez.

Lumabas si Poppert Bernadas at kinanta ang "Kailangan Kita."

Sumunod sina Ethan David at Sheena Belarmino na kinanta naman ang "Hanggang Ngayon."

Kinanta rin nila kasama ang iba pang theater actors ang "Dito Sa Puso Ko."

Dito na tinawag si Ogie.

OGIE ALCASID MUSICAL

“Yes. It has been revealed,” bulalas ni Ogie pagkatapos niyang umakyat sa entablado.

Biro niya: “Next year na po. Nais ko po kayong imbitahan sa aking birthday party…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Seryoso na niyang pagpapatuloy: “Sa aking munting palabas na aking sinulat. Ahhh tatlumpu’t walong taon na po, lahat ng mga awiting sinulat ko at inawit ko ay gagawin po namin dito sa bulwagang ito.

“Ahhh excited po akong ipaalam sa inyo na ako po yung gaganap. Totoo po!

“At ang gaganap po na aking kabiyak ay walang iba kundi ang asawa ko na si Regine Velasquez-Alcasid. So, excited na po kami.

“Ito po’y pitong taon naming pinag-ukulan at pinag-isipan kung papano po namin ipapalabas ito.

“Kaya excited na po kami. Sana, excited din po kayo.

"At nakakatuwa dahil ang title ng aming musical ay Kailangan Kita, at narito ang unang gumanap sa pelikula na walang iba kundi ang kamukha ko na si Ginoong Aga Muhlach.

“Palakpakan po natin! I hope you’ll come next year. May 2027 until about July. Hope to see you.”

Sina Aga at Claudine Barretto ang mga bida sa pelikulang Kailangan Kita (2002) na syinuting sa Bicol, sa direksiyon ni Rory Quintos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa cast nito sina Johnny Delgado, Jericho Rosales, Liza Lorena, Dante Rivero, at Cris Villanueva.

Iba ang istorya nito sa 1993 Regal movie na kapareho ang title, at tinampukan nina Gretchen Barretto, Gabby Concepcion, Edu Manzano, Cristina Gonzales, at Eddie Gutierrez, sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna.

Read: Former actress Ilonah Jean marries American partner in intimate wedding

JERRY OLEA

Sabi ni Ogie Alcasid, malapit nang simulan ang auditions para sa Kailangan Kita musical.

“So, ahhh in about two weeks, mag-start na yung auditions. So… and then rehearsals, maybe January hanggang April,” sabi ni Ogie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong September, sa media conference ni Regine Velasquez para sa kanyang Finale concert, ay binanggit na ni Ogie gagawin niya ang musical play na ito.

Hindi pa raw nila na-finalize ang title nung panahong yun. Pero excited daw siyang gawin ito.

“I’m very excited about that. I haven’t done a musical for a while. So, yeah!” bulalas ni Asia’s Songbird.

“So, apparently busy ako next year. Hindi talaga ako magre-retire. Kasi may musical ako. We’ll be doing most of his songs.”

Read: Alice Dixson recounts maldita days; past rift with Dina Bonnevie

NOEL FERRER

Natutuwa si Mr. Miguel Belmonte ng PhilStar dahil makakasama nila as producers sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Yung Bagets: The Musical at Bongga Ka Day ay production ng PhilStar, Viva, at Newport.

Pero itong Kailangan Kita ay apat na raw silang co-producers.

“Four partners na ngayon. Hindi lang sila [Ogie at Regine] talents, producers na rin,” pakli ni Sir Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda raw ang resulta ng Bagets at Bongga Ka Day, kaya kaagad nilang susundan ito.

“From what I know, this Bongga sold very well,” sabi ni Mr. Miguel Belmonte.

“In terms of ticket sales, sobrang bilis na sold-out ang mga show. Shorter run naman siya kesa sa Bagets.

“Ticket sales, mas malakas ito [Bongga Ka Day]. Sponsorship, mas malakas yung Bagets.

“Ang importante at the end, parehong kumita. Para puwede pa tayo mag-produce ng next.”

Read: Ruru Madrid recalls being discriminated against at Spain restaurant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid and Regine Velasquez are teaming up for Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical, set to premiere in May 2027. Ogie will write and star in the production, which will feature songs from his 38-year music career.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results