GORGY RULA
Todo ang suporta ng pamilya ni Atasha Muhlach sa kanyang final performance ng Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) noong Sabado, October 31, 2026.
Natutuwa ang ina ni Atasha na si Charlene Gonzalez-Muhlach dahil bukod sa kanila, may bagong pamilya ang dalaga — ang buong grupo ng Bongga Ka Day.
“I’m happy. It’s a nice journey. A nice experience for Atasha. So…. I’m very very happy for her,” sabi ni Charlene.
“And she also gained her family with Annie Batungbakal family. I’m very happy for her.”
CHARLENE ON ATASHA'S LOVE AND PASSION FOR HER CRAFT
Napangiti lang si Charlene sa mga komentong lalong nag-improve si Atasha.
Napanood namin ang first-day performance ni Atasha, at mas okay siya ngayon. Mas confident siya sa mga ginagawa niya sa entablado.
“Super enjoy siya. Grabe yung energy niya, sa stage from beginning 'til end talaga,” bulalas ni Charlene.
“Yung love and passion talaga ni Atasha, nandiyan talaga sa lahat na ginagawa niya. That’s one thing that I admire in Atasha. And also, the fact that she takes new challenges.
“Every time, hindi siya takot to believe in herself. To be able to take the opportunity to grow as an artist.”
Nakita raw niya kung gaano ka-dedicated si Atasha sa lahat ng ginagawa nito.
“Yeah! I can see it, and she’s got the love and passion for it.
"She really loves her craft and she’s not afraid to put in the hardwok, and she has the discipline and passion for what she’s doing,” sabi pa ni Charlene.

Read: Atasha Muhlach answers mom Charlene’s famous Miss U question
NOEL FERRER
Hindi pa alam ni Charlene Gonzalez kung ano ang plano ng daughter niyang si Atasha Muhlach pagkatapos nitong Bongga Ka Day musical.
Pagkatapos ng finale ay mag-a-out of town daw sila para magbakasyon.
Ani Charlene: “Tonight, pupunta kaming out of town with the family. Ahhh for the long weekend. Yun lang muna.
“Hindi kami nagpaplano beyond that. But, we’re going as family out of town.”
CHARLENE THANKS VIVA FOR TAKING CARE OF THE TWINS
Nagpapasalamat si Charlene sa magandang pag-handle ng Viva sa showbiz career ng kambal nila ni Aga Muhlach.
“I’m happy because they love what they’re doing. And of course, nagpapasalamat ako kay Boss Vic, Boss Veronique, Boss Val, and Vincent [del Rosario] for believing in her.
“So, I’m very happy and they’re very supportive sa lahat na ginagawa ng mga bata,” sabi ni Charlene.
May balak ba siyang bumalik sa pag-arte?
“Sila muna. Taga-support lang ako and taga-cheer sa kanila,” nakangiting sabi ni Charlene.
Coming up, si Aga naman sa MMFF 2026 via 2nd Miracle in Cell No. 7.
Sana with Charlene, matuloy ang kanyang mommy show. Kayang-kaya niya yan. Magaling yan!
Read: REVIEW: Nostalgia meets reinvention in Bongga Ka, Day!
JERRY OLEA
Medyo mahaba ang hair ngayon ni Andres Muhlach. Para ba sa susunod niyang project itong pagpapa-long hair niya?
“Ahh, yung long hair ko? Hindi ko nga alam e. Bagay ba?” nakangiting sagot ni Andres.
Wala raw muna siyang puwedeng i-share kung ano ang susunod niyang gagawin.
May narinig kasi kaming may gagawin daw itong isang malaking pelikula. Pero ayaw itong sagutin ni Andres.
“I can’t answer that right now,” sabi niya.
Nami-miss na siya ng kanyang fans.
“I miss them very much as well. Pero as for right now, no share muna,” matipid niyang sagot.

Nandun lang daw siya para sumuporta kay Atasha. Masaya lang daw siya para sa kanyang kapatid na very successful din itong Bongga Ka Day musical.
Unang sumabak sa musical si Andres sa pamamagitan ng matagumpay ring Bagets The Musical.
“Ako. I’m just very proud for my sister talaga kasi nakita ko yung pinagdaanan niya sa work and how she really give her effort talaga to her performance and to do the job.
“So, I’m very proud of everything she’s done talaga and she’s really great honestly talaga, di ba?
“Agree naman kayo na she’s really super good,” sambit ni Andres.
