PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebrities pay tribute to Ate Gay: "You will be missed."

Wacky Kiray, Tuesday Vargas Pay Tribute to mourn the passing of Ate Gay.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
ate gay tribute
Fellow entertainers and comedians pay tribute to Ate Gay following his death on November 1, 2026. Ice Seguerra, Wacky Kiray, Tuesday Vargas, Vince Tañada, and other showbiz personalities remember the comedian for her talent, generosity, humor, and lasting contribution to Filipino comedy.
PHOTO/S: Gil Aducal Morales Facebook

JERRY OLEA

Nakilala namin sina Chokoleit (Jonathan Garcia) at Ate Gay (Gil Aducul Morales) noong early 1990s bago pa man sila i-manage ng kaibigang Direk Maryo J. de los Reyes.

Tumatambay-tambay noon si Chokoleit sa Jealousy/Jaloux Discotheque sa Quezon Avenue, Quezon City, na once in a while ay pinupuntahan ni Direk Maryo J. to meet some friends or to unwind, lalo pa’t walking distance (two blocks away) iyon sa nirerentahan niya noong apartment sa Mother Ignacia Avenue, malapit sa Camelot Hotel.

Idinirek ni Direk Maryo J. ang show na pinagsamahan nina Chokoleit at Ate Gay, the title of which ay hindi ko na maalala.

Wala yung digital footprint sa internet. Pero may mga nakakaalala pa sa tandem nina Chokoleit at Ate Gay.

ICE SEGUERRA

Ang Facebook post ni Ice Seguerra matapos pumanaw ni Ate Gay nitong Nobyembre 1, 2026, Linggo, All Saints’ Day: “Paborito kita. Kayo ni Chokoleit. I remember, lagi kong sinusundan kung saan yung mga set ninyo kasi tuwang tuwa ako sa pag napapanood ko kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, pareho na kayong nasa langit.

“Rest in peace, Ate Gay. Thank you for the laughter and joy you brought us through the years.

“Nakikiramay ako sa mga naulila.”

Read: Comedian Ate Gay dies at 55 after cancer battle

WACKY KIRAY

Paggunita ni Wacky Kiray kay ate Gay sa FB: “‘Nakakatawa ka… Ang panget mo!’

“Yan ang unang sinabi sa akin ni Ate Gay noong una kaming nagkausap. Nagsisimula pa lang ako noon sa comedy bar, sa Raymond’s Bar sa Malate, noong late ’90s.

“Bago pa man kami magkakilala nang personal, sinasadya na naming magkakaibigan na panoorin si Ate Gay sa Campus Diner, Basilica, at Music Box. Isa siya sa mga comedyante na talagang hinahangaan at pinanonood namin.

“Pero noong 2002, sa Punchline, doon ko na siya nakasama sa entablado. kaming mga host, excited na excited pag sasampa na ang Ate Gay-Chokoleit tandem.

“Kapag magkasama na silang dalawa, tawa lang kami nang tawa! Isang tandem na walang katulad, punong-puno ng talento, timing, at kakaibang chemistry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napaka-generous ni Ate Gay, lalo na sa pagbabahagi ng mga payo sa aming mga baguhan. Hindi lang siya basta mahusay na performer; punong puno din sya ng energy, passion, at pagmamahal sa larangan ng pagpapatawa.

“Lumipas man ang maraming taon, ang mga alaala, tawanan, at mga aral na iniwan niya ay mananatili sa puso naming mga nakasama niya sa entablado.

“mahal kita, Ate Gay! rest in peace, patuloy mong bigyan ng saya at katatawanan ang mga kasamahan mo dyan sa heaven.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binitawan kapagkuwan ni Direk Maryo J. ang pagma-manage kina Chokoleit at Ate Gay, pero hindi maikakailang siya ang unang nagbigay ng malaking break sa career ng mga ito.

Pumanaw si Direk Maryo J. noong Enero 27, 2018.

Sumunod si Chokoleit noong Marso 9, 2019.

Ngayon ay nasa kabilang buhay na rin si Ate Gay.

Read: Arnell Ignacio mourns fellow comedians Arnell Tamayo, Ate Gay

NOEL FERRER

Isang malungkot na All Saints' Day ang November 1, 2026.

Buong linggo, dasal ang nasa timeline natin para kay Ate Gay.

Si Gil Aducul Morales, 55, na nakilala natin sa comedy bars at sa walang kapantay niyang pag-i-impersonate kay Ate Guy.

Na-stroke, lumalaban sa stage 4 cancer since 2025, at biglang ang pamilya na mismo ang nag-announce — pumanaw na siya nitong Linggo.

Pero bago lumabas ang official family announcement, nauna na ang kalituhan.

May mga nag-post na ng RIP, may mga nag-condolence na, pero buhay pa pala siya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sakit sa mata, ang gulo sa puso ng mga nagmamahal sa kanya.

Nangyari na rin ito dati sa ibang artista, pero hindi pa rin tayo natututo.

I also had to learn this the hard way.

Ito siguro ang dapat nating baunin: respeto.

Hintayin natin ang pamilya. Sila ang may karapatang magsabi ng pinakamasakit na balita.

Sa panahon ng mabilisang post, ang pag-pause ay pagmamahal na rin.

“At Ate Gay, maraming salamat. Maraming salamat sa tawanan — sa Punchline, sa TV, sa bawat gabi na pinagaan mo ang loob ng Pilipino.

“Hindi biro ang ginawa mo for Pinoy comedy. You made an art out of impersonation, pero higit doon, you made us feel na ang pagpapatawa ay serbisyo.

“Ngayon, kumpleto na kayo. Nandiyan na si Direk Maryo J., nandiyan na si Chokoleit, at ngayon, kasama mo na rin ang idolo mong si Ate Guy (na malapit din kay Direk Maryo J at ilang beses nakatrabaho) sa kabilang buhay.

Siguradong masaya ang langit. Mas maingay, mas makulay, at punung-puno ng palakpakan.

“Rest well, Ate Gay. Thank you for the laughter.”

Read: Ate Gay's family threatens action over false death reports

JERRY OLEA

Sa Facebook pa lang ay andami nang nagpahayag ng pagka-miss nila kay Ate Gay.

Sabi ng multi-awarded filmmaker na si Direk Dan Villegas: “Thank you for all the laughter and wonderful memories, Ate Gay.”

VINCE TAÑADA

Pagpupugay ni Atty. Vince Tañada: “Tandang tanda ko noong unang scripted show ng Raymond’s Bar sa may Malate, sideline ko noon habang naglaw school ako, magsulat at magdirek sa mga comedy bars.

“At ang pinaka successful na show namin noon yung Tatlong Bulaklak ng Mayo at Isang Itim na Rosas starring ang nag start pa lang na si Wacky Kiray Rich Balarosa na nadiscover bilang baklitang customer lang sa mga comedy bar tulad ng Campus Diner at Raymonds, si Jerome Parungao Laurel at si Arnold na di ko na alam kung nasan na ngayon.

“Syempre ang Big Star as Itim na Rosas ay si Ate Gay. Napaka simple lang ng buhay natin noon. Di ba ginawa din natin later on yung Halloween Show na Night of the Living Dead Divas at kung natatandaan mo noon kasama si Vice at di pa sya sikat noon, estudyante pa lang sa FEU.

“Hanggang sa lumipat na nga ako sa Jefz Cafe at naidirek din doon ang iba pang mga stand up comedians. And the rest, as they say, is history.

“Phenomenal Star na si Vice, at malaking pangalan ka na Wacky Kiray sa pelikula at telebisyon. Ako naman ay lawyer na nga at director na din ng pelikula.

“Hanggang sa tumanda na tayo at lumisan na nga ang kaibigan at idol nating si Ate Gay. Ganoon lang naman siguro ang buhay. Dadaan lang tayo sa mundo at ang lahat pati ang buhay natin ay hiram lang -- pati ang tagumpay at kasikatan pawang mga panandalian lamang at hiram lang natin sa Poong Maykapal.

“Kaya ito ay isang paalala sa lahat, sikat man o nagsisimula o ‘has been’ na. Pahalagahan natin ang lahat ng blessings. Matuto tayong maging grateful at manampalataya sa Diyos.

“Gawin nating kapakipakinabang ang buhay natin para maging inspirasyon sa iba. Para kapag panahon na nating isoli sa Diyos ang hiram na buhay, nagkaroon ng saysay ang ating pamamalagi sa mundo. Goodbye Ate Gay o Gil Aducal Morales. Nagbigay ka ng ligaya sa amin. Pahinga ka na.”

PEPITA CURTIS

Mensahe ni Pepita Curtis: “To my supermom Ate Gay,

“Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng tinuro nyo saken para maging mahusay na performer at paghuhusayan ko pa po

“Maraming salamat po sa tiwala at naisasama nyo ako maging sa ibang bansa para magperform

“Ilang beses na po tayong nagaaway pero sa huli isang lambing lang sayo ok na tayo ulit

“Mama ko pahinga ka na po, napakarami nyo na pong napasaya buong mundo... Hindi ka po namin makakalimutan at lagi kang nasa puso namin... Iloveyou supermom ATE GAY”

Read: Behind the laughter: The health struggles of Filipino stand-up comedians

TUESDAY VARGAS

Pagpupugay ni Tuesday Vargas: “MALLIIIIIII!!!

“Sept 2025. Sabi ng lahat tapos na. Pero sa araw na yan ng picture natin, you looked so optimistic. We all believed kaya nating lumaban, and you did! For more than a year you fought a hard battle and yet you stayed soft and kind. Looking back at this moment with Ate Gay, it’s hard to find the right words to capture the size of the void left by her passing. I woke up feeling this emptiness today Ate Gay. Iniwan mo na din kami “

Ate Gay wasn't just a pioneer; she was an absolute titan of comedy. I always stay kapag kasabay ko siya sa isang gabi just to watch her. I started out in a dark Malate bar at 19 and she was one of the friendliest senior entertainers I had at the time. Rising from the grit and soul of the comedy bar scene—where she honed her unmatched wit, lightning-fast banter, and iconic vocal mashups—she proved that true talent could conquer any stage, eventually taking her brilliance to mainstream television, blockbuster films, and major concert stages. When I saw her making it, I started to believe that I can do it too.

“Naniwala kami sa ang ‘malliiiiii’ ay sobrang tama.

“Ikaw lang yan ate Gay and we would like to sincerely honor and thank you.

“To many of us who grew up in or crossed paths with that same comedy circuit, she was a true inspiration. She showed us how to turn hardship into laughter, how to command a room with grace and fierce resilience, and how to stay remarkably authentic no matter how high she climbed. She paved the way and held the door open for so many performers.

“Thank you for the endless laughter, the shared stages, and the masterclass in resilience, Ate Gay. The comedy scene will never be the same without your light, but your legacy will forever live on in every punchline and every heart you touched.

“Rest in power and peace, my friend.”

BIEN CORTEZ

FB post ni Bien Cortez: “Rest in paradise my idol Gil Aducal Morales (Ate Gay)

“Ikaw tlga ang dahilan kung bakit ako natanggap sa Music Box (sa tulong ni Ace Salcedo)

“If I remember right kaaalis mo lang nun sa MB at malungkot si Boss Wowie na isang true-blue Noranian.

"Kaya the first time na nasa stage ako ng MB at inimpersonate ko si Nora Aunor tuwang-tuwa siya at mula noon ako na ginawa niyang Ate Guy ng MB na pinagkakitaan ko ng mahabang panahon.

“Pero ang hinding hindi ko malilimutan ay nung ikaw ang sumalo sa papel na dapat ay sa akin sa isang digital film, yung Jupit (2005)

"Di ako nagtampo syo bagkus ay lalo akong humanga syo kasi sakdal husay ka doon na baka di ko magampanan nang maayos kung ako ang natuloy sa role na yun.

“Saludo ako sa talento mo Ate Gay very witty, very spontaneous. Isa ka sa mga iilang comedian na nakakapagpatawa sa akin.

“Mananatili kang ‘Idol’ ko.

“Till we meet again.

“Ps: The picture was taken during my visit at Klownz comedy bar last January. Di n tayo nakapagpa-picture dahil busy ka kaya kinunan n lang kita while you're performing on stage kung saan acknowledged mo ako at kinuwento mo nga about the digital film na napunta syo yung role.”

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey

Atakstar ARAÑA

FB post ni Atakstar Araña: “itong picture natin dito sa Sydney bago tayo mag show 2 years ago at Kowboy Bar and Grill Blacktown, at dito ako ngayon wala ka na ate Gil Aducal Morales

“Mali! Yun ang iconic and magic word mo bilang mash up queen ng Pilipinas. Wala na kaming Superstar sa comedy bar ate gay

“magpahinga ka na ate gay. Sa langit muna ipagpatuloy ang pagpapatawa. Paalam master.”

VLADIMIR REYES

FB post ni Vladimir Reyes: “Rest in peace, Ate Gay Gil Aducal Morales.

“It was truly an honor and a privilege to be part of your show here in Alberta and Saskatchewan and to share some wonderful moments with you.

“Thank you for the laughter, the joy, and the unforgettable memories you brought to our fellow Filipinos here in Canada. For a little while, you made us feel closer to home through your humor and incredible talent.

“Your laughter may have faded, but the happiness and memories you shared will forever remain in our hearts.

“Maraming salamat, Ate Gay. You will be dearly missed. Rest peacefully.”

GORGY RULA

Nang nagkasakit si Ate Gay last year, tinawagan niya ako habang naka-confine siya sa Manila Doctors Hospital.

Kalalabas ko rin sa naturang hospital nung oras na yun.

Medyo napraning ako nang nakausap ko siya dahil katatapos ko lang nun na ma-hospitalize niya ng 13 days.

Humihingi siya ng tulong sa ilang pulitikong nako-contact ko. Pero hindi na niya ako kinontak pagkatapos ng tawag na yun.

Sa pagkakaalam ko, marami na ang tumulong sa kanya. Akala ko, tuluy-tuloy na ang paggaling niya.

Nakakapanghinayang din si Ate Gay dahil isa siya sa pinakamagaling na stand-up comedians.

Ilang beses ko rin siya nararaket, at ang daling makipag-usap sa kanya dahil nag-a-adjust siya sa budget.

Ang mahalaga kasi sa kanya, basta may trabaho lang.

Kesa nga naman mapunta ka sa iba, grab na niya agad kahit tinatawad-tawaran pa siya.

Ayaw raw niya kasing mabakante. Dapat tuluy-tuloy ang trabaho.

Read: Jinkee Pacquiao has sarcastic response to umbrella bashers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fellow entertainers and comedians pay tribute to Ate Gay following his death on November 1, 2026. Ice Seguerra, Wacky Kiray, Tuesday Vargas, Vince Tañada, and other showbiz personalities remember the comedian for her talent, generosity, humor, and lasting contribution to Filipino comedy.
PHOTO/S: Gil Aducal Morales Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results