GORGY RULA
Ipinaliwanag ni Michael Sager sa nakaraang media conference ng GenZ Heartthrobs concert kung bakit pinatay na ang karakter niyang si Nate sa Born To Shine.
Siya pa naman ang leading man dito ni Zephanie, pero biglang tsinugi ang karakter niya.
Saad ng Kapuso actor-TV host: “Alam niyo po. Nag-conflict po kasi talaga sa scheduling.
“Inilaban ko yun. Kasi yung… The Way Back to You, same taping day siya.
“Gusto ko pa sana magpatuloy sa Born to Shine. Who knows, kung magpatuloy pa sila at ma-extend.
“Sana, makabalik man si Nate… baka flashback lang, kasi patay na siya.
“Pero sayang. I really love that show and masaya lang for me to be part of that.”
Ang The Way Back To You ay ang upcoming Viu Philippines series na pinagbibidahan nina Michael, Ralph de Leon, at AZ Martinez.
CONFLICT OF SCHEDULE
Na-extend ng isa pang season ang Born To Shine, at conflict na ito sa schedule ni Michael dahil nagsimula na ang PBB Collab 3.0, kung saan siya ang pinakabagong host.
Sunud-sunod na ang mga ginagawa ni Michael.
Dagdag itong concert niya kasama sina Kelvin Miranda at Anton Vinzon na nakatakda sa January 15, 2027.
Kailangan niya ng sapat na araw para makapag-rehearse.

Read: Michael, Kelvin, Anton unite for GenZ Heartthrobs concert
NOEL FERRER
Napangiti na lang si Michael Sager nang inintriga ang pagkawala niya sa Born To Shine.
May mga nagtsismis kasing nag-a-attitude na raw si Michael kaya tinanggal na lang siya sa naturang Kapuso afternoon drama.
“Naku! I’m very confident in myself na wala naman,” bulalas niya.
“Yung last day namin, halos mangiyak-iyak ako, kasi mami-miss ko talaga silang lahat.
“Hindi lang yung cast. Yung wardrobe, yung production, yung cameramen. Lahat kami, nabigla na mamamatay na yung character ko.
“Nalaman ko lang few days before the taping mismo.”
heart-to-heart talk with zephanie
Maayos daw siyang nagpaalam sa lahat ng mga kasamahan niya sa Born To Shine. Nagkausap pa raw sila ni Zephanie nang masinsinan.
“Nagpakain lang ako. Nag-enjoy lang kami. Sinulit ko na.
“Pati kami ni Zeph, nag-usap pa kami ng medyo heart to heart na sayang mawawala na yung dynamics namin na magka-work kami.
“So, playful kami and I’m so thankful to the directors, to the production, writers who’ve given mo such great opportunity sa Born To Shine,” saad ni Michael.

Read: 2 Valid IDs, Pee Mak, Always Yours score at box office
JERRY OLEA
Pati ang pagpasok ni Michael Sager bilang isa sa hosts ng PBB ay may nakakabit na intriga dahil hindi na kasali sa naturang reality show si Mavy Legaspi.
Ang dating sa iba ay siya na ang ipinalit kay Mavy.
Paliwanag ni Michael: “Ito po kasing PBB, it’s been again a full circle moment. Naging aspirant ako, naging housemate, tapos ngayon as a host.
“Feeling ko, sumali ako sa pamilya ni Kuya at wala naman pong pinalitan. Wala namang ganung nangyari.
“Sinabi po ng management, ng network ko yung decision nila. And of course, I took the opportunity and I’m so thankful for it.”
NO BAD BLOOD
Okay raw sila ni Mavy.
Sa tono ng mga sagot ni Michael ay hindi nakaapekto ang ganitong intriga sa friendship nila ni Mavy.
Sabi ni Michael: “Kay Mavy, you know, he’s really a friend of mine.
"And I feel there’s no need to compare. There’s no need to put others down.
“Mavy is great in what he does and who he is as a person.
"I’m proud of him, and I haven’t seen him yet, but I saw his interview recently about this.
"So, thank you, Mavy.
“Ayun! Wala namang bad blood, nothing like that. You know, it’s a circumstance that I just… I’m here to work honestly, and I’m grateful for the blessing.”
Read: Mavy Legaspi denies PBB Big Night debacle led to his exit
