PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid says Romnick Sarmenta never made him feel inferior

Ruru Madrid open to play gender-bending roles.
by PEP Troika
Published Just now
romnick sarmenta ruru madrid los salvajes bravados
Ruru Madrid (right) has nothing but praise for his Los Salvajes Bravos co-star Romnick Sarmenta (left): "Siyempre, alam naman po natin kung papaano yung industriya natin, di ba? Parang marami hong mga artista, especially pagka mas nauna na ho sa industriya, ipaparamdam niya sa iyo na, ‘O, nauna ako sa iyo, ha?!’ Pero si Kuya Nick, NEVER po niyang ipinaramdam.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

First time magkatrabaho nina Romnick Sarmenta at Ruru Madrid sa historical film na Los Salvajes Bravos, na isa sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.

Ayon sa direktor nilang si Paolo Dy, ang ganda agad ng kanilang dynamics.

“Siguro kasi, si Kuya Nick, sobrang genuine po na tao, e,” pagmamatwid ni Ruru sa mediacon noong Oktubre 29, 2026 sa Cabalen restaurant, West Avenue, Quezon City.

“Hindi siya showbiz… Siyempre, alam naman po natin kung papaano yung industriya natin, di ba?

“Parang marami hong mga artista, especially pagka mas nauna na ho sa industriya, ipaparamdam niya sa iyo na, ‘O, nauna ako sa iyo, ha?!’

“Pero si Kuya Nick, NEVER po niyang ipinaramdam.”

Mga ilang artista na ang nagparamdam ng ganun sa kanya?

“Naku, ang dami na ho! Pero sa akin naman, kung yun po yung ipinaparamdam nila, wala namang problema,” tugon ni Ruru.

“Kasi bago lang ako sa industriya, di ba? Parang ako, mahilig lang po akong mag-observe ng tao pero not naman para pumatol or kung ano man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kay Kuya Romnick, wala po akong masabi… Isa sa pinakamabuting taong nakatrabaho ko!”

May mga pag-uusap ba sila ni Romnick na nagka-clash sila? Na magkasalungat ang kanilang paniniwala?

“Siguro more on the script. Parang more on sa kung papaano po yung…” saad ni Ruru.

“Kasi siyempre, like for example, si Direk, iba rin po yung vision niya sa script. Mag-iiba rin iyung vision mo as an actor kung magbabasa ka rin ng script.

“May mga makikita ka na minsan, hindi rin nakikita ng direktor, or minsan hindi rin nakikita ng actors.

“So basically doon po kami laging… lagi po kaming nag-uusap, e. Parang hindi namin inilagay ang sarili namin na pag-usapan iyung mga difficult conversations or… na mga dapat i-tackle.

“Kasi, historical film ito, e. Talagang kukuwestyunin at kukuwestyunin. So might as well, habang guinagawa pa lang, sabihin na natin lahat ng questions natin.

“So that pag pinalabas ito, wala nang masyadong question.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruru Madrid recalls discrimination at restaurant in Spain

RURU MADRID'S CATEGORY IN MMFF 2026: FOR BEST ACTOR OR BEST SUPPORTING ACTOR?

Sa MMFF awards, pam-best actor din ba siya for Los Salvajes Bravos, o ilalagay sa kategoryang best supporting actor?

Sa MMFF 2024 official entry na Green Bones, inilaban si Dennis Trillo na best actor, at pam-best supporting actor si Ruru.

Pareho silang wagi sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal.

E, dito sa Los Salvajes Bravos, ganoon din ba? Sa magkaibang kategorya sila ni Romnick?

“Yung producer po yata ang mag-aano niyan. Kasi… well, hindi ko kasi masabi,” sambit n Ruru.

“Dahil yung characters po namin, magkaiba. Yung role ko dito, para siyang yung role ko sa Green Bones na nagna-narrate.

“Siya rin po yung nagkukuwento. So basically parang POV [point of view] niya, mata niya. So, hindi ko alam kung saan po ilalagay.

“Pero ako, mapa-lead man yan or supporting man yan, payag po ako. Okay lang po sa akin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ruru Madrid on why he agreed to wear bahag in Los Salvajes Bravos

NOEL FERRER

Nagbida sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa MMFF 2024 official entry na Green Bones.

Kapagkuwan ay nagbida si Ruru sa Cinemalaya 2026 entry na Hand of God.

Ngayon sa MMFF 2026, Los Salvajes Bravos naman with Romnick Sarmenta ang festival entry ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapili na talaga siya sa tinatanggap na film project?

“To be honest, yung Green Bones na iyun, hindi ko inakala na… na mangyayari po lahat ito,” sambit ni Ruru.

“Kumbaga, noong tinanggap ko iyong project, tinanggap ko siya dahil alam kong maganda yung project.

“Pero hindi ko alam, just because of Green Bones, eto po yung naging ticket ko sa lahat po ng mga project na ginawa ko this year.

“So, kaya ako nakuha sa Los Salvajes Bravos, dahil napanood po nila yung Green Bones.

“Kaya po meron po akong ginawang Hand of God, yung Cinemalaya, dahil napanood din yung Green Bones.

“And then may ginagawa po akong another film ngayon, ganun din. Na ipapalabas po next year. Dahil din sa Green Bones.”

RURU'S UPCOMING PROJECTS IN 2027

Anong klaseng pelikula yung ginagawa niya ngayon na ipapalabas sa 2027?

“Dark comedy naman siya,” tugon ni Ruru.

“So this year, sabi ko sa sarili ko, since ayaw ko pong ma-box ang sarili ko sa isang genre lang, gusto ko pong mag-explore ng iba’t ibang masculinity.

“Iba’t ibang klase ng pagkalalaki. So, hindi lang basta sa aksyon. Hindi lang basta historical yan. Hindi lang siya basta independent cinema yan, or comedy yan.

“Parang gusto ko siyang aralin at maintindihan lahat. At may makita na mula po dito, kaya nating gumawa ng mga iba’t ibang klaseng karakter.”

Open ba siya sa gender-bending role?

“Abangan niyo po yung isang… Ha! Ha! Ha! Abangan niyo na lang po! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: 2 Valid IDs, Pee Mak, Always Yours score at box office

GORGY RULA

Magkakatrabaho muli sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa Kapuso primetime series na Hari ng Tondo.

“After one year, babalik po uli ako sa GMA Prime sa Hari ng Tondo. And after six or seven years, babalik po ako ng Entertainment Group [EG] to do another project with them,” lahad ni Ruru.

“Ang last project ko kasi with EG ay ano pa, Sherlock Jr., Running Man. And then buong time, puro Public Affairs na ako. Lolong, Black Rider.

“So next year, abangan po natin. Medyo nakakarami na rin po kami ng pondo. Pero mas gusto namin na prepared kami.”

Nasa cast din ng Hari ng Tondo sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

RURU MADRID OPEN TO EVOLVING AS AN ACTOR

Kung i-offer sa kanya na magbida sa seryeng kahalintulad ng My Husband’s Lover nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, tatanggapin ba niya?

“Abangan niyo na lang po itong gagawin kong project. Hindi pa ako puwedeng magbigay ng details!” bulalas ni Ruru.

“Pero it’s similar doon po sa ganung klaseng karakter. So, yun nga yung parang sabi ko, ayokong limitahan yung sarili ko especially sa paggawa ng pelikula.

“Dahil for the longest time, I’ve been doing TV. And alam naman natin na kapag gumagawa ka ng TV, meron kang certain persona na kailangan mong panghawakan.

“Pero sa panahon kasi ngayon, siyempre nag-e-evolve na rin po yung audience natin. Dami na nating napapanood.

“I also want to challenge myself na makagawa ng iba’t ibang klaseng mga karakter, na unusual sa mga ginagawa ko noon.

“So, isa na po itong Los Salvajes Bravos. Teacher ko dito na dinala sa España.

“Yung Hand of God naman, isang sundalo na very optimistic, na nagnanais ng peace.

“Sa Hari ng Tondo naman, ang karakter ko naman dito ay lumaki sa Tondo. Na nagnanais ng magandang buhay sa Tondo pero dahil din sa pagnanais na yon, marami siyang makakasalamuha.

“At yung hirap ng buhay niya, mararanasan niya. And then yung another film naman.

“So ibang-iba. It’s very diverse. Mahirap siya dahil nagkakasabay-sabay — teleserye, pelikula, teleserye, pelikula.

“Pero antagal ko pong pinangarap itong moment na ito!”

Read: Celebrities pay tribute to Ate Gay: "You will be missed."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid (right) has nothing but praise for his Los Salvajes Bravos co-star Romnick Sarmenta (left): "Siyempre, alam naman po natin kung papaano yung industriya natin, di ba? Parang marami hong mga artista, especially pagka mas nauna na ho sa industriya, ipaparamdam niya sa iyo na, ‘O, nauna ako sa iyo, ha?!’ Pero si Kuya Nick, NEVER po niyang ipinaramdam.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results