PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buddy director-producer regrets not submitting film to MMFF 2026

Buddy to hold special premiere for Filipinos in Finland.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
buddy premiere
Producer-director Lucky Blanco admits he has some regrets about not submitting Buddy to the 2026 Metro Manila Film Festival. He says he decided on a regular cinema release instead, but positive feedback after the film's premiere made him wonder what might have been. In photo: (from left) Empoy Marquez, EA Guzman, Shaira Diaz, director-producer Lucky Blanco, Benjie Paras (at the back), Elisse Joson, and Michael de Mesa.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ayon sa producer at director ng pelikulang Buddy ng MAVX Productions na si Lucky Blanco, may 17,000 Filipinos daw sa Finland.

Sa Helsinki, Finland, kinunan ang 90 percent ng Buddy na sobrang ikinatuwa raw ng mga kababayan natin doon.

Ayon kay Direk Lucky, napagaan ang kanilang shooting dahil sa tulong na rin ng mga kababayan natin doon.

Sa sobrang tuwa raw nila, nagtulung-tulong ang mga kababayan natin sa Finland, sa ilalim ng koordinasyon ng Philippine Embassy doon, na magkaroon sila ng premiere night sa susunod na buwan.

Ngayong Miyerkules, November 4, 2026, ang showing ng Buddy sa local cinemas.

Naka-schedule naman sa December 12 at 13 ang premiere night sa Helsinki.

“Ang Philippine Embassy ang mag-aayos ng pagpunta namin doon. Sila ang bahala sa plane ticket namin pati accommodation,” sabi ni Direk Lucky.

Ang dinig nga namin ay meron pang honorarium ang mga artistang dadalo.

“It’s our own little way in making our OFWs happy naman. Bigyan natin sila ng kahit two hours na happiness,” ayon sa producer-director ng Buddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa pelikula sina Michael de Mesa, Benjie Paras, Elijah Canlas, Edgar Allan Guzman, Elisse Joson, Shaira Diaz, Andre Paras, at Empoy Marquez.

buddy poster

SMOOTH-SAILING SHOOTING IN HELSINKI

Nagpapasalamat din si Direk Lucky dahil bukod sa tulong ng mga kababayan natin doon, nagpagaan pa raw sa shooting ang galing ng mga arista sa pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magagaling daw silang lahat, kaya mabilis lang at wala silang naging problema sa ilang araw na shooting nila.

Ani Direk Lucky: “You can ask the actors. Ang dami po naming one take lang. Kasi nga yun na, e. Parang ganun, and parang you can move on na magsu-shoot kami.

“Average yata mga 10-11 hours lang [ang shooting]. Kasi ang gagaling ng mga artista talaga.

“May mga… kumbaga, yun ang mga thinking actors talaga na they have their own treatment, they have their own interpretation. And yun, nakipag-collaborate kami.

“So, in short, dumadali yung trabaho naming lahat. Kaya parang ang sarap ng collaboration na parang I can honestly say na pelikula namin lahat ito.

“Kasi each and everyone, may ambag.”

benjie paras empoy marquez buddy in finland
Benjie Paras and Empoy Marquez during shooting of Buddy in Helsinki, Finland
Photo/s: MAVX Productions
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lea Salonga on falling in love: "Don't chase the butterflies."

NOEL FERRER

Sabi pa ni Lucky Blanco, dapat ay magpo-focus lang siya sa pagpo-produce.

Pero sinubukan niyang magdirek dahil may ilang pelikula silang medyo hindi niya nagustuhan ang kinalabasan.

Nakumbinsi raw siyang magdirek nito para ma-apply niya ang natutunan niya sa filmmaking.

“May mga films kami na parang hindi ako happy sa mga result. Medyo nanghihinayang ako dun sa execution.

"So, parang umabot kami dun sa parang, ‘Sige na nga, nakaka-frustrate. Subukan nga nating ako ang magdidirek.’

“So at least, ano din naman siya, it’s a win-win situation. Kasi malalaman ko rin kung ano yung mga pinagsasabi ko as a producer,” napangiti niyang pahayag.

BUDDY NOT SUBMITTED TO MMFF 2026

Positibo naman ang feedback sa Buddy pagkatapos ang premiere night nung nakaraang linggo.

May konti lang siyang panghihinayang dahil hindi niya ito isinumite sa finished films ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos iisa ang komento ng mga nakapanood na bagay raw ito sa MMFF at pang-Pasko.

May nagkomentong taga-MTRCB na nababagay talaga ito sa taunang filmfest. Nagulat silang first-time director ang nagdirek ng Buddy.

Pero hindi nga ito isinumite ni Direk Lucky sa MMFF dahil may playdate na ito sa November 4.

At this writing, may 70 cinemas na raw sila.

“Yun nga, we had to release,” pakli ni Direk Lucky.

Aminado siyang hesitant talaga siyang i-submit ito sa MMFF.

Ayaw niya kasing iasa sa mga magagandang komento ng mga staff na nakapanood nito.

“Siyempre, ibang competition din naman yung MMFF. So, medyo ano lang kami... we decided to have our own release na lang.

“Pero sayang, sayang. Saka hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaction ng mga tao.

"Medyo nagsisi lang kasi naririnig ko na yung mga reaction niyo,” saad niya.

ELIJAH CANLAS NURSING A BROKEN HEART

Noong nagsu-shooting sila ng Buddy sa Finland ay nagpapahilom pa si Elijah Canlas sa breakup nila ni Miles Ocampo.

“Actually hindi. hindi namin nararamdaman e. Parang we’re very happy nung shoot namin.

“Tapos, openly napapag-usapan naman namin yung lovelife niya,” sagot ni Direk Lucky nang tinanong kung nasa proseso pa ng pag-move on si Elijah nang mag-shoot ito sa Finland.

Kuwento pa niya: “Tapos, I remember meron pa ngang magandang waitress dun sa restaurant, niloloko pa namin sa kanya. Parang ganun.

“Ano naman, he’s taking it very ano... ang ganda ng pag-treat niya dun sa moving on niya. Maganda naman.”

buddy cast
Buddy cast: (from left) Elijah Canlas, Empoy Marquez, EA Guzman, Shaira Diaz, Elisse Joson, Benjie Paras, and Michael de Mesa.
Photo/s: Mavx Productions

Read: KMJS apologizes to Pio Fadul's family, Paete woodcarvers over "Gabi ng Lagim" feature

JERRY OLEA

Isa sa nagpapasalamat na kinuha siyang aktor saBuddy ay si Michael de Mesa.

Isa raw ito sa memorable films na nagawa niya dahil maganda ang samahan nilang lahat sa shooting sa Finland.

Gusto raw niya ang konsepto ng pagiging family drama nito na point of view ng isang ama.

Saad ng beteranong aktor: “Of course, it feels wonderful na na-consider ako ng MAVX to be part of this project.

"Usually kasi, films like this, nanggagaling sa point of view ng babae. Point of view ng mommy, di ba? Yung mga umaalis ng bansa, mga OFW.

"So, hindi natin masyadong napapanood ang mga pelikula na nanggagaling sa POV ng ama.

“Pero siya talaga ang tumatayong padre de pamilya, di ba? Na parang ang reason naman niya is para makapag-provide.

“Yun ang first and foremost goal pala ng ama, without realizing yung consequences na katulad nga ng sinabi nung character ko, ‘Yun lang ang alam kong gawin e, makapag-provide. Pero hindi ko na-realize na nasaktan ko pala kayo. Kasi napabayaan ko kayo.’”

MICHAEL DE MESA ALSO IN THE CAST OF LOS SALVAJES BRAVOS

Kasama rin si Michael sa MMFF 2026 official entry na Los Salvajes Bravos, kung saan bida sina Romnick Sarmenta at Ruru Madrid.

Ipinagmamalaki rin ni Michael ang historical film na ito.

michael de mesa los salvajes bravos
Photo/s: Jerry Olea

Kuwento ni Michael sa mediacon ng Los Salvajes Bravos noong Oktubre 29 sa Cabalen, West Avenue, Quezon City, nang ialok sa kanya ang pelikula ay nasa kalagitnaan siya ng isang teleserye.

“Sabi ng manager ko, ‘Ay! Hindi mo puwedeng gawin yan! Kasi masyado kang busy, maraming masasagasaan,’” pagsisiwalat ni Michael.

“Pero sinabi ko sa kanya, ‘Kailangan mong gawan ng paraan ito. Kasi, gusto kong gawin itong pelikulang ito!’

“Kung kailangang maghintay yung teleserye, maghintay sila. Pero hindi ko puwedeng pakawalan itong offer na ito.

“Kasi unang-una, hindi araw-araw dumadating ang ganitong klaseng proyekto.

“At pangalawa, gusto kong maging parte ng pelikulang ito dahil ang kuwento nito ay totoong kasaysayan na nangyari sa mga Pilipino.”

Siyangapala, kasama rin si Michael sa slasher flick (B movie?) na Red Crown starring Sanya Lopez, Ahtisa Manalo, Ashley Ortega, Shuvee Etrata, Michelle Dee, Herlene Budol, and Ruffa Gutierrez.

Read: Ruru Madrid says Romnick Sarmenta never made him feel inferior

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Producer-director Lucky Blanco admits he has some regrets about not submitting Buddy to the 2026 Metro Manila Film Festival. He says he decided on a regular cinema release instead, but positive feedback after the film's premiere made him wonder what might have been. In photo: (from left) Empoy Marquez, EA Guzman, Shaira Diaz, director-producer Lucky Blanco, Benjie Paras (at the back), Elisse Joson, and Michael de Mesa.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results