GORGY RULA
Isa-isang tinanong ni Sofronio Vasquez ang pangalan ng entertainment press na nag-interview sa kanya nang hiwalay nang magpa-presscon siya para sa kanyang concert na Sofronio Vasquez Live In Concert na gaganapin sa The Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati City, sa November 7, 2026.

Ginanap ang presscon noong Martes, November 3, sa Five Private Dining, na pag-aari ng director ng concert na si Paolo Bustamante.
Nagpasalamat si Sofronio na may mga nakakasalamuha siyang taga-entertainment media, at wala siyang iniiwasang tanong.
SOFRONIO VASQUEZ ON "BIGGEST FAKE NEWS" ABOUT HIM
Nagtanong kami tungkol sa mga intrigang ibinato sa kanya, at hindi naman daw siya apektado sa mga ito.
Tinanong namin kung ano yung isyung kinasangkutan niya na fake news naman pala.
“Actually, wala yata,” medyo naaalangan niyang sagot sa amin.
Ang ayaw lang daw niya ay yung ikinakabit siya sa isyung pulitika.
“I just don’t like na they put so much issue about political aspect,” pakli ni Sofronio.
Kaya ang maituturing daw niyang fake news para sa kanya ay yung sumama na raw siya kay President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
“Ito pala pinaka-fake news,” bulalas ng singer.
“Kaya raw ako sumasama, kasi binigyan daw ako ng isang maleta!” natatawa niyang pakli.
Isang maletang pera ang ibig niyang sabihin.
“Sinabi ko nga ito kanina, e, na kahit sino yung maging presidente natin…
"As an artist who wants to give honor dun sa craft mo, it’s an injustice dun sa gusto mong mangyari kung mag-‘no’ ka.
“Kunwari yung President natin ay si ganito. In-invite ka to sing for the National Anthem.
“I’m not singing for the person. I’m singing for our country, di ba? So, I don’t think it’s bad.
“Even si Mr. President [Marcos], he knows, and parang, he’s very particular… we had few small conversations with him.
“Ni-limit niya talaga na, you know, huwag mong i-post na political… kasi he even knows na ang binoto ko last election ay hindi siya. And until now, I still work with him.
“So, minsan ano talaga, e. Balance lang ng pagtanggap ng yes or no,’” sabi pa ni Sofronio.
Read: Sofronio Vasquez ready to audition for Ogie, Regine's musical
JERRY OLEA
Aminado si Sofronio Vasquez na nagbago raw ang pagtingin niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Not pagbabago na ganito pala. I realized na tao pa rin si Mr. President,” pagmamatuwid ni Sofronio.
Natutuwa raw siya sa pagiging music-minded ni PBBM, at mahilig daw talaga ito sa art, pati na si First Lady Liza Marcis.
Ang pakiusap lang ni Sofronio, sana ay tigilan na raw ang bangayan pagdating sa pulitika.
“So sana, wala na ngayon. Sa sobrang hirap ng panahon, mag-aaway pa ba tayo dun sa alam mo yun....
“Unahin na lang natin yung may makakain tayo.
"But above all, I’m really particular na sana magkaroon din ng justice yung ano… yung corruption.
“Ngayon, I mean, ngayon mas na-appreciate it more because part na ako dun sa mga nagbabayad ng buwis.
“Parang ang laki ng nakukuha sa akin, alam mo yun? Tapos yung dati hindi mo alam… alam mo yun… hindi mo alam kung paano mo i-expect na makukuha ng kababayan natin.
“Mabigat in a sense na hindi mabigat na makakaltasan ako. Mabigat na sana matanggap ng mga tao… oo,” sabi pa ni Sofronio.
Read: KMJS apologizes to Pio Fadul's family, Paete woodcarvers over "Gabi ng Lagim" feature
NOEL FERRER
Hindi inatrasan ni Sofronio Vasquez ang isyu nang nakukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.
Ipinagkibit-balikat na lamang ito ng singer.
“No. I appreciate everything. I appreciate everyone. So, if they say something about my personal life, I don’t mind,” sabi ni Sofronio.
Natatawa na lang daw siya na kung kani-kanino pa siya inili-link.
“Oo, nakakatawa ngayon. Minsan sinasakyan ko na rin,” napapangiti niyang pahayag.
“Pero sinasabi ko na nga po. Mas maganda ngayon, napag-usapan ka.
“Whether… I mean, it’s ano lang yun, e. It’s how you respond to a topic or to an issue.
“Huwag naman yung personal na makaka-risk na ng security ng family ko or mismo sa sarili ko. Pero other than that, okay lang.
“Generally, masaya ako na napag-usapan ako. Pero sana, yung pag-uusap na positive.
“Pero pag may negative, okay lang din. Parang lilipas din yan.”
SOFRONIO VASQUEZ ON HIS FAMILY
Ang concern lang daw talaga niya ay yung at stake na ang seguridad ng kanyang pamilya.
Hindi idinetalye ni Sofronio kung ano ang pinagdaanan ng pamilya niya sa Ozamis City.
Pero pagbabahagi niya: “Yung ano lang, e… yung para sa security lang ng family ko. Kasi sa amin, we’ve been through a lot.
“Kasi yung mga sinasabi na… I can explain later siguro dun sa security ng family namin.
“Yung sinasabi nila na sa Mindanao, oo. I mean, just in case kung totoo man yung nangyari sa family ko…
“The sins of my family is not my sin. Kung ano man, alam mo yun… Sana, magkaroon sila ng tamang pagsasalaysay.
“Kasi nangyari na yun, alam mo yun. Pero pag babalikan ko, wala na talaga akong magagawa. I’m just here to move forward.
“I cannot deny that I’m part of that family. So, I’’m happy. I’m happy, and even proud na despite dun sa mga challenges, I’m here.
“I’m talking to everyone na dati hindi ko naman kayo makikilala, alam mo yun.”
Read: Rafael Rosell explains why he and wife Valerie have no baby yet
