GORGY RULA:
Masipag mag-promote ang halos buong cast ng pelikulang Buddy, na nag-showing na sa mga sinehan noong Miyerkules, November 4, 2026.
Nagkaroon ng block screening ng family drama sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City nung araw na iyun na ini-sponsor ng digital streaming platform na KayaFlix.
Dinaluhan ito nina Elijah Canlas, Edgar Allan “EA” Guzman, Shaira Diaz, Michael de Mesa, at Paolo Contis na may cameo sa movie.
Nagbenta pa ang mag-asawang EA at Shaira sa ticket booth. Malapit sa kanila ang pelikulang ito dahil memorable sa kanila ang shooting nila sa Helsinki, Finland.
Nung papunta sila ng Finland ay muntikan pang nawala ang wedding ring ni EA sa eroplano. Nabulabog daw ang mga flight attendants sa pagtulong para makita lang ito. Mabuti at nakita naman, lalo na’t wedding anniversary pa naman daw nila.
Very smooth daw ang shooting nila sa Helsinki, dahil sa tulong na rin ng mga kababayan natin doon.
EA GUZMAN AND SHAIRA DIAZ ON MEETING INDAY KARYA
Pero ang isa sa ikinatuwa ng mag-asawa ay nakipagkita raw sa kanila roon ang vlogger na si Inday Karya.
Itong si Inday Karia ay isang Thai-Finnish na nakapag-asawa ng Pinoy at matagal-tagal ding nanirahan sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pagba-vlog kung saan naghahanap siya ng mga recycled items sa mga basura.
Naisadula ang kuwento ng buhay niya sa Magpakailanman, na ginampanan ni Shaira.
“Si Inday Karya, vlogger. Nakilala siya as garbage… yung parang nakakakuha pa siya ng goods sa mga garbage ng ibang companies,” pakli ni Shaira.
Nakipag-chat daw sa kanya si Inday Karya nang nalamang nagsu-shoot sila roon.
“Tapos may binigay siya sa akin na image ni Papa Jesus na binili niya sa Poland pa. Na nag-miracle dun si Jesus na sabi niya, na feeling niya deserved daw na kami daw dapat may-ari nun,” dagdag ni Shaira.
“Na hindi niya alam kung kanino niya ibibigay,” dugtong ni EA.
“Kung sino ang worth na pagbigyan. Then dumating kami yung nag-portray sa kanya, tapos nagkita kami dun sa Finland. So yun, binigay niya.
“Kinilabutan kami,” sabi pa ni EA. Excited sina EA at Shaira sa pagbabalik nila sa Helsinki, Finland para sa premiere night ng Buddy sa December 12 at 13.
Gusto raw kasi nilang ma-experience doon ang Northern lights na lumalabas sa ganung season.
Read: Rafael Rosell explains why he and wife Valerie have no baby yet
ON BABY PLANS
JERRY OLEA:
More than one year nang kasal sina EA Guzman at Shaira Diaz. Nakabuo na kaya sila at made in Helsinki pa? Sure daw silang wala pa. Hindi naman daw sila nagmamadaling magka-baby ngayon.
“Iyun sana yung gusto namin yung hindi kami ma-pressure. Iyung parang, bahala na kung ibigay, ibigay,” pakli ni Shaira.
Kung sakaling mabibiyaan na sila ng baby, handa na rin daw sila.
“Gusto na rin namin to be honest. Pero may condition po ako, yung PCOS na PMOS na ngayon," tukoy ni Shaira sa kanyang health condition.
Ang PCOS o polycystic ovary syndrome ay tinawag ng PMOS o polyendocrine metabolic ovarian syndrome para mas maisalarawan na ito ay hindi lang may kinalaman sa ovarian cysts kundi isang "hormonal and metabolic disorder," ayon sa nowserving.ph.
Pagpapatuloy ni Shaira: "So I think baka… feeling ko may factor din siya kung bakit ano. Pero feeling ko naman… hopefully hindi.
"Nagpapaalaga naman kami ngayon na sa OB. So, yeah, para maging smooth yung ano namin.
"One year lang naman kaming kasal. Parang okay pa rin naman. Hindi pa naman kami ganun kaano."
Natutuwa si Shaira dahil ang isa pang bonding nila ay ang pagiging Army nila ng BTS.
Parang nahawa na si EA ng pagiging Army ng kanyang asawa.
“Oo nga,” bulalas ng aktor.
“Parang minsan nga ako pa nagsasabi, saan sila, 'no? Kasi pag nanood ka talaga, kahit hindi ka fan, magiging fan ka.
"After ko napanood, wow! Gusto ko pang manood,” napapangiti niyang pahayag. Meron daw silang inaabangan ngayon sa BTS na gusto rin nilang puntahan.
"Sana, matuloy na may brand lang na wino-workout pa. Sana matuloy, sa Indonesia, no? Sa Jakarta. Sana," sabi ni Shaira.
Read: Pangasinan school bans students from using the word “esmeringhoy”
NOEL FERRER:
Bukod-tangi ang Buddy (PG) na Pinoy movie na nag-open sa local cinemas umpisa Nobyembre 4, Miyerkules.
Ayon sa Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), ang tatlong foreign films na kasabay nito sa opening day ay Godzilla Minus Zero (PG), Paradise Lost (R-13), at Wicker (R-13) na exclusive sa SM Cinema.
May iba pang foreign films na opening sa local cinemas this week — Ramayana: Rise of a Legend (PG) umpisa Nobyembre 5, The Cat in the Hat (PG) umpisa Nobyembre 6, Stray Kids World Tour
Ayon naman sa MTRCB, nakakuha ng PG rating ang Buddy dahil sa mature content.
“The film explores family relationships, parental responsibility, emotional neglect, trust, forgiveness and the importance of communication within the household,” sabi ng MTRCB.
“These themes may encourage meaningful family discussion.”
Nasa cast din ng Buddy sina Elisse Joson, Benjie Paras, Empoy Marquez, Andre Paras, Bob Jbeili, Isay Alvarez, Dyvon Encarnacion, at Archie Alemania.
Iyong kuwento ng Buddy ay reminiscent ng 1980 Regal movie ni Elwood Perez na Waikiki, na tinampukan nina Alicia Alonzo, Alma Moreno, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Raul Aragon, Ricky Belmonte, Cocoy Laurel, at Alfie Anido.
May bahid din ito ng MMFF 1977 film ni National Artist Lino Brocka na Inay, starring Alicia Vergel, Dindo Fernando, Chanda Romero, Orestes Ojeda, Laurice Guillen, and Ace Vergel.
