GORGY RULA:
Pinag-uusapan ang hiwalayan nina Elijah Canlas at Miles Ocampo nang mag-premiere ang pelikulang HB2ME noong Agosto 10, 2026 sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.
Pagkatapos ay trabaho ulit ang inatupag ng aktor.
“Nag-premiere ang HB2ME, hindi kami nakalabas. Kasi, the next day, lilipad na ako [pa-Finland], hindi pa ako nag-eempake,” kuwento ni Elijah.
Nakapanayam siya sa block screening ng pelikulang Buddy na in-sponsor ng Kayaflix noong Nobyembre 4, Miyerkules, sa The Block.
Kinunan sa Helsinki, Finland ang halos kabuuan ng Buddy, kung saan co-stars ni Elijah sina Edgar Allan “EA” Guzman, Shaira Diaz, Michael de Mesa, Elisse Joson, Benjie Paras, Empoy Marquez, at Dyvon Encarnacion.
Read: Elijah Canlas confirms breakup anew with Miles Ocampo
Sa Finland, nasa healing stage na si Elijah?
“Opo! Masarap mag-travel kapag may pinagdadaanan!” napangiting bulalas ng multi-awarded actor.
Doon na rin daw siya nag-birthday na sinelebrayt ng buong team ng Buddy.
Kinuwento ni Direk Lucky Blanco na meron pa silang tinukso na waitress doon.
Pag-amin ni Elijah: “Nung birthday ko, may salubong kami, tapos may waitress. Nakalimutan ko pangalan nung waitress. Tagadoon talaga. “E, may itsura. So sina Tito Benjie, inaasar ako. Alam mo naman si Tito Benjie, di ba? ‘Ayan na, Elijah!’
"Paulit-ulit, e. E, siyempre ako naman, focused ako sa mga kasama ko at saka sa trabahong kailangang gawin.”
ELIJAH CANLAS ON BEING SINGLE
Ngayong single na si Elijah, handa na ba siyang ma-in love uli, o makipag-date?
“Hindi pa yun, Tito! Parang ibang usapan yung ma-in love. Ibang usapan yung dating,” sambit ni Elijah.
“I mean, I could never really say. I haven’t been single technically for so, so long. And first time ko ito. I’m navigating through this single life.
“And being in a relationship isn’t top of my mind right now. Being in love is not.
"Right now, I’m focused sa family, focused sa work and a couple of weeks, magbabakasyon na naman ako, kaming family. Matagal kaming mawawala.
"Christmas season, so magbabakasyon kami. And wala talaga sa utak ko iyong ma-in love.
"Parang ang hirap pa yun ngayon, Tito.”
Kahit makipag-date, wala pa?
Natigilan sandali si Elijah bago sumagot: “Date para ma-in love? Parang… baka! I mean, I’m open to anything.
"Right now, I’m just taking it day by day. Alam yan ng management ko. Alam yan ng mga kaibigan ko na nalalaman ko lang yung schedule ko the day before."
ON MILES OCAMPO
Sa ngayon ay wala pa raw silang communication ni Miles, pero pagkatapos ng healing at pag-move on, sana raw ay okay na rin sila ni Miles bilang magkaibigan.
"Yun nga po. We’re not really in contact anymore,” pagtatapat ni Elijah.
"So siyempre, I mean, we hope for… that’s a goal, I guess. One of these days na hopefully healed and maging friends eventually.
"Pero right now, I can’t say that. Yeah, sana."
Read: Elijah Canlas spotted with Thea Astley in market video
NOEL FERRER:
Kagagaling lang ng Japan ni Elijah Canlas. Sa opening ng 39th Tokyo International Film Festival noong Oktubre 26, Lunes, rumampa sila ni Jodi Sta. Maria para sa pelikulang EDJOP. Umuulan noon! Nakapayong na rumampa ang delegates!
“Core memory. Galing ako nung [October] 25, nag-close yung play po namin, yung About Us But Not About Us,” lahad ni Elijah.
“Tapos yung flight ko, diretso. 5:00 A.M. boarding. So hindi na ako natulog, nag-impake lang ako, dumiretso ako sa airport.
"Tapos pagdating ko ng Japan, diretso rampa na. Ganun lang siya. Medyo parang it was a blur to me, but it was an honor of a lifetime.
"Madami na akong nakitang mga rumampa sa Tokyo International Film Fest, and it’s the first time I’ve been part of that festival.
"Tapos in competition pa for a different section. So malaking karangalan para sa pelikula namin, sa munting pelikula na pinagtrabahuhan namin nang ilang taon. Tapos nairampa namin siya sa Tokyo."
Kalahok din sa nasabing filmfest ang Filipiñana, pero hindi nakarampa roon ang bidang si Jorrybell Agoto.
Ang rumampa roon ay ang co-star at kaibigan ni Bell na si Nour Hooshmand.
"Oo naman. I mean, still… still… I’m still helping out. Sa Sunday, may a-attend-an akong fund-raising screening for Bell din,” saad ni Elijah.
“I’ve known her since… 2018 pa yata. So it’s sad news. Pero siyempre, we’re praying for her. And naniniwala tayo na she’s gonna get better," tukoy niya sa pagkakasakit ni Bell.
Read: Netflix Philippines Top 10: 4 Pinoy TV shows made the cut
JERRY OLEA:
Sa World Happiness Report, nine consecutive years nang number one ang Finland bilang happiest country in the world. Happiest ba siya nang magpunta sa Helsinki, Finland para sa shooting ng Buddy?
“Happiest is a stretch! At the time, I was not at my happiest, pero I was okay, di ba?” pahayag ni Elijah.
“Tapos biglang dumating ako ng Finland, kahit yung mga kabayan natin dun, ‘Uy! Nabasa ko, depressed ka daw?’ ‘Guys, magkaiba yung depressed sa not at his happiest.’ Magkaiba yun."
Ipinagdiinan ni Elijah na hindi siya bumigay sa mga pambubuyo at pang-aasar nina Benjie Paras.
“Naka-focus tayo sa work nun. Wala namang mga ganung klaseng nangyari dun! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Elijah.
“Focused ako sa work at siyempre sa samahan namin. Kasi almost every night, even after shoot, mag-bonding pa kami. And it was fun.”
First time ni Elijah na pumunta sa Finland, kahit Europe ang favorite continent niya.
“I feel like yung eksena sa Europe, yung culture doon, yung art, perfect for me,” pagbuntong-hininga ni Elijah.
“Perfect for people like me na magliliwaliw lang, maggala-gala kahit mag-isa. So I love the continent.
"Finland, it was my first time. I went to museums also. Masaya naman. Pero siyempre, dahil nagsu-shoot kami, tapos yun lang yung food, hindi masyadong nakaka-happy yung food sa Europe.
"Mas masarap pa rin sa Asia siyempre! Mas masarap sa Pilipinas. Pero nagluluto naman. May dalang kanin.
"May mga nagluluto ng Filipino food. Saka yung mga kabayan, siyempre nagpapadala rin sila.
"Nung birthday ko, sakto, sinu-shoot namin that day, birthday ng character ko. Doon po ako nag-birthday.
“So yung mga kababayan, nagpadala talaga ng pagkain. May lumpia kami. Parang nasa Pilipinas lang ako kahit nasa Finland kami.
"And it was really fun dahil ano nga. Pero yung Finland, medyo ano sila, e. Very cultured ba. Like tahimik sila, poised. So kailangang irespeto mo pa rin yung ganung klaseng kultura.”
Naikumpara ba niya iyung Finland sa kalagayan ng Pilipinas?
“Sa totoo lang po, Finland was my top dream destination dahil lagi kong nakukumpara yung gobyerno natin sa gobyerno doon,” sambit ni Elijah.
“Nako-compare ko. Kunwari, yung education nila doon, libre lahat. Healthcare nila doon, libre lahat.
“May public library sila, may public park sila. Free lang, open for all their citizens. Even mga immigrants nila, mga tourists.
“Wala tayong ganun sa ‘Pinas, di ba?! Medyo may inggit ako in terms of governance. May inggit in terms of the economy siyempre.
“First World country yan, ang yaman ng bansang yan. Tayo, Third World pa lang tayo and it doesn’t look like it’s getting any better soon because of all the corruption happening in this country.
“So nakakainggit in that factor.”
