PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes music video of new song features Mara Clara stars

Gladys Reyes reserves time and energy for projects "na kikiligin ako."
by PEP Troika
Published Just now
Gladys Reyes song "Primera Kontrabida" music video features Mara Clara stars Judy Ann Santos, Susan Africa, and Juan Rodrigo
Gladys Reyes talks about being hands-on in the making of "Primera Kontrabida" music video and shares upcoming projects.
PHOTO/S: Screengrab from ABS-CBN Star Music

GORGY RULA:

Muling nabuhay ang Mara Clara sa music video ng kantang "Primera Kontrabida" ni Gladys Reyes.

Kasi naman, bukod sa leader ng UMD na si Wowie de Guzman, kasama rin sina Susan Africa, Juan Rodrigo, ang asawa niyang si Christopher Roxas, at siyempre si JudyAnn Santos.

Sa UMD ay kasama ang mga original members: ang kambal na James at Jim Salas, Gerry Oliva, at Marco Mckinley. Lahat iyan sila ay personal na kinontak ng "Nag-iisang KontraDiva."

Kapag project kasi ni Gladys na sobrang malapit sa kanya, talagang hands on siya sa pagbuo nito. Kaya bukod sa concept, pati ang pagiging talent coordinator ay siya na rin.

"Ako ang personal na nag-invite kina Juday, Wowie, Tito Juan Rodrigo, Tita Susan Africa and UMD.

"Since sa Mara Clara kami nagkakilala ni Christopher, and part din talaga siya.

"Kaya sabi ko sa kanya, dapat andun siya at sa part nung song na sa tunay na buhay, siya na yun,” text ni Gladys via Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naisip nilang mala-Mara Clara ang look ng kauna-unahan niyang music video.

“Gusto ko kasi kuya sa unang music video ko, very iconic and nostalgic and may touch of teleserye pati opening title card. Parang font ng Mara Clara,” pakli ni Gladys.

GLADYS REYES ON PUTTING TOGETHER THE MV

Inilunsad itong music video ng "Primera Kontrabida" noong Miyerkules, November 4, 2026, sa ELJ Building, ABS-CBN Cmpd., Quezon City.

Nang nakatsikahan kasi namin si Gladys sa MMPRESS Dekada Awards 2024 noong Oktubre 4, sinabi na niya sa aming abangan namin iyung binuo nilang music video dahil talagang kinarir daw nila.

Siya talaga ang nagkarir nito, mula sa concept, pati mga shots ay may ambag siya.

“Yes! From concept, pati shots, may mga suggestions ako. Collaborative ideas sa execution with VRoll Media Ventures, sina Sir EBoy Vinarao.

“Nagdirek nito si Tristan Cheng and Urian awardee pa ang DOP namin si Direk Pong Ignacio ng Quezon, Heneral Luna, etc.” dagdag ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes's Laya to compete in filmfest in London

NOEL FERRER:

Gusto munang mag-focus ni Gladys Reyes sa pagkanta. Nae-enjoy niya kasi talaga.

Kaya hindi lang itong novelty song na "Primera Kontrabida" ang tipo ng kanta na ire-record niya. Gusto niya ibang mga hugot songs naman ang pasiklab niya.

“Siyempre sa mga susunod kong kanta, iba naman. Yes! Puwedeng love song o hugot songs. Pero gusto talaga maka-collab si Christof, and other musicans,” sey ni Gladys.

Si Christof Sommereux ang panganay nina Gladys at Christopher na marami na ring nagawang kanta na nai-record sa Star Music. Eventually ay babalik din si Gladys sa teleserye, pero sa ngayon ay talagang nae-enjoy niya ang pagkanta.

GLADYS REYES NEXT PROJECTS

Pero meron daw siyang ginagawang pelikula sa ngayon.

“Nae-enjoy ko ang music ngayon. Pero I’m still open to acting. May ginagawa akong movie under CEBSI Films, kami ni Christopher.

“Dadalhin sa New York, and may isa pa akong gagawing movie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa teleserye, kung maganda ang material, at alam kong mae-excite uli ako sa role, okay ako gumawa.

“Dalawang serye na ang na-turn down ko, and meron ding vertical series. “Siguro, at this point, mas nire-reserve ko yung energy at time ko sa project na kikiligin akong gawin,” saad ng KontraDiva.

Gusto rin daw niya ang hosting kung mabibigyan ng magandang offer. Ire-resume na nga raw niya ang kanyang Glad To Be With You na nasa second season na sa kanyang YouTube Channel.

JERRY OLEA:

Na-showcase din siyempre ni Gladys Reyes sa music video ng "Primera Kontrabida" ang husay niya sa paghu-hula hoop.

Nakakatuwa na special mention sa song si Selina (ginampanan ni Princess Punzalan) na kontrabida sa teleseryeng Mula Sa Puso, starring Claudine Barretto. Nang makatsikahan namin saglit si Susan Africa sa mediacon ng Mommy Guard noong Oktubre 9, nasabi niyang enjoy sila ni Juan Rodrigo sa pag-shoot ng music video with Gladys. Cut-ching, cut-ching!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes talks about being hands-on in the making of "Primera Kontrabida" music video and shares upcoming projects.
PHOTO/S: Screengrab from ABS-CBN Star Music
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results