GORGY RULA
Napuno ang Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati City, noong Sabado, November 7, 2026, kung saan ginanap ang Sofronio Vasquez Live In Concert.
Puro papuri ang natanggap ni Sofronio sa kanyang performances.
Napakahusay naman kasi talaga niya! Walang ka-effort-effort sa kanya kapag inaabot ang high notes sa mga kinakanta niya.
Pasabog ang opening number niyang “This Is My Life” na parang sa The Voice ang backdrop niya sa stage.
Pagkatapos ng opening number, sinundan niya ng “Crazy Little Thing Called Love.”
Nag-joke ito at nagpaka-honest sa comment niyang, “Sana, mas bata audience ko.”
Nagtawanan ang lahat, dahil totoo namang mga oldies at mga boomers ang karamihang nasa loob ng theater.
“Kaedad ng Mama ko, pero malalim yung pocket,” bawi ni Sofronio.
Kaya pawang mga classic songs ang nasa repertoire niya.
Kung hindi ako nagkamali, ang pinakabago yata sa mga nakanta niya ay ang “A Million Dreams,” na mula sa The Greatest Showman soundtrack at siya ring winning song niya sa The Voice USA Season 26.

Talagang nag-enjoy ang audience, at ilang beses silang nag-standing ovation.
SOFRONIO VASQUEZ'S MOST APPLAUDED NUMBERS
Ang unang pinalakpakan nang husto at nagtayuan sa buong theater ay nung kasama niya sina Jed Madela, Bituin Escalante, at Jona.
Kumanta sila ng medley ng Broadway songs.
Nag-standing ovation uli nang nakasama naman ni Sofronio si Maestro Ryan Cayabyab, at kinanta niya ang mga sikat na OPM songs.
Ang saya rin ng pagpasok ni Ogie Alcasid na humirit din ng standing ovation sa audience.

Mahaba ang exposure ni Ogie dahil binati niya si Sofronio ng, “Happy birthday.”
Ngayong araw, November 8, ang 34th birthday ng singing champ.
May pa-surprise pa silang birthday greeting mula kay Michael Buble kay medyo naging emotional si Sofronio.
Pero nabasag ang pag-emote ni Sofronio nang humirit si Ogie ng joke na, “Tinawagan ko pa iyan si Michael, e. Kasi kasama ko siya dati sa TV show, sa Buble Gang.”
Sa nakaraang presscon ni Sofronio para sa naturang concert, kinuwento niyang open pa ang komunikasyon nila ni Michael Buble.
“Masarap pa rin sa feeling na hanggang ngayon na nagkakaroon kami ng conversation. I’ve said this many times na every time na tumatawag siya sa akin, ini-screenshot ko pa rin kasi di ko naman alam kung tatawag ulit, e.
“He really loves me, because I’m a Filipino, and then he loves Filipinos,” saad ni Sofronio.
Read: Lovi Poe reveals real "woke up like this" look
NOEL FERRER
SOFRONIO VASQUEZ remembers his dad
Nakakaiyak ang segment kung saan ibinahagi ni Sofronio Vasquez ang kabataan niya nung nasa Ozamis City pa siya.
Naluha siya nang ipinakita ang ilang clips ng interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube show nitong "Toni Talks."
Ikinuwento niya rito ang impluwensiya ng kanyang ama na Oniol Vasquez sa pagkanta.
Mahilig daw kasi talaga kumanta ang tatay niya.
Ang nakakalungkot lang, hindi na nito nasaksihan ang success na tinatamasa niya ngayon dahil pumanaw ito noong 2018.
Ang hindi raw niya makakalimutan ay ang karanasan niya kasama ang pamilya nung nasunugan ang tinutuluyang bahay sa isang squatter’s area sa Mindanao.
Tatlong beses daw silang nasunugan, at sa huling beses ay tumatak sa kanya yung pag-uusap nila ng kanyang ama.
Sabi niya sa interview: “Yung last time kami nasunugan, nakita ko kung gaano kasakit sa kanya [Tatay].
“Si Mama kasi saka mga kapatid ko, nandun siya sa bahay ng lola ko. Hindi ko siya iniwan. Magkasama lang kami sa lugar kung saan kami nasunugan.
“Nakahiga kami sa sahig, tapos binabantayan niya yung mga natirang gamit namin.
“Sinabi niya sa akin, ‘Balang araw, magkakaroon din tayo ng bahay na maganda at hindi mo na iisipin na magkasunog.’
"Tapos, nag-hug lang kaming dalawa sa madilim. Tapos, nakita ko lang ang mga stars. Sabi ko lang sa kanya, ‘Okay lang iyan, Pa. Ano naman… buhay naman tayo,’ ganun.
“Ngayon, looking back, ang sarap pala ng conversation na yun. Kumbaga, hindi mo siya makakalimutan. And it really helped me gain everything kung gaano man siya ka-painful ngayon, rejection.
“Always kasi nare-reject dati, si Papa nare-reject din. Yung mga failures, mga rejection, na every time sa mga auditions, sasabihin sa mukha ko, ‘Ikaw na naman.’
"Pero smile pa rin, ‘Hi po. Ako nga po,’ ganun. Pero iisipin ko na sige na bigyan niyo lang ako ng isa. Isang beses lang.
“So, ito nga yung isang beses, grabe naman yung buhos ni Lord.”
Sabi pa niya: “Hindi ko talaga maisip-isip ito na tonight something like this will happen.”
Hindi na niya napigilang maluha nang kinanta na niya ang “Bato sa Buhangin” na paboritong kanta raw ng kanyang ama.
Suportahan pa natin si Sofronio, at inaasam natin na higit pang gumanda ang career niya, at magkaroon siya ng original hit na magiging anthem niya, at susuportahan ng ating mga kababayan here and abroad!
Read: Rabiya Mateo on med school: "Iba pala talaga siyang laban."
JERRY OLEA
Ang kanyang finale ay ang winning song niya sa The Voice USA na “A Million Dreams.”
Ani Sofronio Vasquez: “This song has opened many, many, many, many, many doors for me.”
Nag-request siya sa audience kung puwedeng buksan ang ilaw ng kanilang cellphone.
“Those lights will signify… or those lights will mean the stars are aligned and will be a best night for my 2026.”
Pagkatapos ng concert ay meron pang meet and greet kung saan pinagbigyan ni Sofronio ang lahat na gustong magpapirma at magpa-picture sa kanya.
May mga items dun na talagang binili ng mga manonood. Sold out ang mug niya at ang jacket ay paubos na rin.
Si Paolo Bustamante ang nagdirek ng concert, at ang laki ng pasasalamat niya kay Martin Nievera na tumulong daw sa pagsusulat ng script.
Si Martin din daw ang tumulong sa pagbuo ng repertoire.
“Sinabi ko lang like, not a hard moment for me kasi sinabi ko lang, ‘Sir, magkakaroon ako ng concert.’ ‘Anong araw iyan?’ Parang ganun lang.
“Sabi ko, ‘Sir, ganitong araw.’ ‘Naku, wala ako diyan. O sige, gawin natin, ako na lang magsusulat ng script,’” kuwento ni Sofronio.
Nagpasalamat siya sa special guests niya dahil hindi raw siya nahirapang pakiusapan sila na maging bahagi ng kanyang concert.
Aniya: “I've always had this dream or vision about the first show or my concert will have a collaboration of, you know, the artists that I've worked with.
“And then, with other guests naman, tulad ni Mr. C. ‘Mr. C, I will have a concert,’ ganito. Ang reply niya lang sa akin, ‘Gusto mo ba akong tumugtog?’" So hindi ako nahirapan."

Lahat ng naging guests niya ay pinasalamatan ni Sofronio.
"Parang sobrang talaga nilang supportive. And even yung other artists, like the other special guests, sila pa yung nagsabi na, ‘O, baka naman kasama kami diyan.’
“So parang nakakatuwa lang sa akin na even me, thinking to myself na I'm still growing, they treat me as part of the work na,” pahayag ni Sofronio.
