PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez "natameme" on set with Bea Alonzo

Tom on Bea: "Very open naman pag nag-uusap kami."
by PEP Troika
Published 12 hours ago
Tom Rodriguez in awe of Bea Alonzo's acting know-how
Tom Rodriguez on Whispers in Heaven co-star Bea Alonzo: "Sabi ko, grabe, ang swerte ko to be in the presence of someone like that, to watch her work. Feeling ko, parang nadadala ako. Na natututo din ako along the way. Kaya ang galing nga!"
PHOTO/S: @kyle.limson / @beaalonzo Instagram

GORGY RULA:

Puring-puri ni Tom Rodriguez si Bea Alonzo na nakatrabaho niya sa forthcoming Kapuso series na Whispers from Heaven.

"Sobrang dali niyang katrabaho. Grabe, napaka-down to earth niya!" bulalas ni Tom. Nainterbyu namin siya sa BENCH/Active x AKTOR Hybrid Games noong Nobyembre 8, 2026, Linggo, sa SPACE, 5L One Ayala, Makati City.

Dagdag niya: "Tsaka pareho kami ng birth year, tsaka Libra. Kaya in a way, nag-e-enjoy ako makausap siya.

"Very open naman pag nag-uusap kami. Sobrang dami ko ring natututunan sa kanya lalo when it comes to the work."

Napahanga rin si Tom sa galing ni Bea magtrabaho.

"May one time na nasa eksena kami, nagba-blocking. Parang natameme ako, natulala ako sa kanya.

"Sabi niya, ‘Okay ka lang?’ Sabi ko, hindi. Tina-try ko lang isipin kung... iyung parang thought na dumaan sa utak ko.

"Na sabi ko, ‘Para akong nanonood ng chef na nakahasa iyung kutsilyo na nagtatrabaho sa harap ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, grabe, ang swerte ko to be in the presence of someone like that, to watch her work.

"Feeling ko, parang nadadala ako. Na natututo din ako along the way. Kaya ang galing nga!"

Masaya siya para kay Bea na settled na ito?

“Sobra, sobra. Everything in its own time. What's meant to happen is meant to happen lang talaga,” tugon ni Tom.

“Kaya you always have to be thankful.”

Unang nagkasama sina Tom at Bea ay sa pelikulang The Love Affair (2015) na bida rin sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

May episode din sila ni Bea sa drama anthology na Magpakailanman, na one-day taping lang.

Political thriller series ang Whispers From Heaven, kung saan tampok din sina Maricar Reyes, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi.

Read: BINI Mikha vows to learn from mistake after driving violation

JERRY OLEA:

Ang sabi ni Tom Rodriguez ay patapos na sila ng taping ng Whispers From Heaven. If ever, may sapat na oras kaya si Bea Alonzo na sumabak sa entablado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa reliable source ng PEP Troika ay interested si Bea na mag-theater.

E, ang Puregold, merong Teatro Panalo festival sa Pebrero 20-Marso 14, 2027 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Ayon sa festival director na si Vince de Jesus, sa labindalawang (12) one-act play sa theater festival, lima roon ay may role na swak kay Bea.

Read: Ai-Ai delas Alas kids on her dates: "Lagi naming nahuhuli."

NOEL FERRER:

Si Classmate kasi, kahit saang medium mo ilagay, may puso at may disiplina. Hindi na rin ito totally bago sa kanya. Natikman na niya ang stage noong 2023 bilang Elsa Montes sa Ang Larawan: The Concert sa Metropolitan Theater, at ngayon may usap-usapan pa na nakikitaan siya ni Vincent de Jesus ng posibleng roles sa Teatro Panalo.

Kaya kung tuluyan na siyang papasok sa theater, hindi ito sugal, tuloy lang ng nasimulan niya.

Classmate Bea Alonzo, kung totoo na papasok ka na sa theater nang tuluyan, ay naku! Go na go at support kami riyan! Natikman mo na ang stage, at alam namin kung gaano ka magmahal sa trabaho mo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa theater, walang take two, walang cut, ikaw at ang audience lang. At ikaw, kaya mo iyan. Bagay sa iyo ang isang buong run, iyung gabi-gabing iba-ibang emosyon pero pare-parehong totoo.

At sana rin, sana um-ok ka sa Bernal movie sa isang major cameo role. Alam ko, pag-uusapan din iyan ng lahat. Kasi ikaw iyan, e. Kahit cameo, nagiging major.

At dahil passion project ni Sir Ricky Lee itong Bernal, sana’y umokey ka talaga. Isang tribute ito kay National Artist Ishmael Bernal, at karangalan na mapasama ka sa ganoong klase ng pelikula dahil magiging important industry project ito.

Pero above all, Classmate, sana masaya ka sa family life mo. Iyun ang pinakaimportante.

Ang trabaho, darating at darating. Ang pamilya, ang saya, ang kapayapaan, iyun ang tunay na award. Rooting for you always, Classmate Bea. Sa stage, sa screen, at sa buhay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez on Whispers in Heaven co-star Bea Alonzo: "Sabi ko, grabe, ang swerte ko to be in the presence of someone like that, to watch her work. Feeling ko, parang nadadala ako. Na natututo din ako along the way. Kaya ang galing nga!"
PHOTO/S: @kyle.limson / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results