JERRY OLEA:
Nadagdagan agad ng mga sinehan ang pelikulang Remember nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Nag-open ang Remember nitong Nobyembre 11, 2026, Miyerkules sa 220+ cinemas nationwide. Pagsapit ng gabi, ibinando ng ABS-CBN Film Productions Inc. (star Cinema) na 300+ na ang mga sinehan nito.
Ngayong Nobyembre 12, Huwebes ng tanghali, 300+ pa rin daw ang mga sinehan ng Remember, kung saan tampok din sina Joross Gamboa, Kyle Echarri, Ana Abad Santos, Aiza Marquez, Carla Humphries, at introducing si Zia Grace, sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
Ang fresh ng looks ni Ana sa movie. Mukha silang mag-ate lang ni Marian. Eight years lang ba ang kanilang age difference?
Kung may Lods/Jess (Pepe Herrera) bilang deus ex machina sa MMFF 2023 official entry na Rewind, dito sa Remember ay meron namang gimik na Dexter na ginampanan ni Kyle.
Read: Experiencing MICHELIN Selected House of Lechon in Cebu
REMEMBER SHOT IN QUEBEC, CANADA
Malaking bahagi ng Remember ay kinunan sa lungsod ng Quebec sa Canada. Nagsyuting din doon ang 2016 South Korean fantasy romance drama series na Goblin aka Guardian: The Lonely and Great God.
Gaya sa Goblin, may pa-dandelion sa Remember.
Ang official motto ng Quebec City ay “Don de Dieu feray valoir” (“I shall put God’s gift to good use”). Iyong “Je me souviens” (“I remember”) ay official motto ng Province of Quebec, hindi ng mismong lungsod.
Sa episode 15 ng Goblin, doon sa Quebec na-remember ni Ji Eun Tak (ginampanan ni Kim Go Eun) na siya ang Goblin’s Bride.
Maliban sa Quebec City, puwede rin sigurong location ng Remember ang Berlin sa Germany, o ang Los Angeles, California sa USA.
Nagsyuting sa Berlin ang 1987 romantic fantasy film na Wings of Desire. Ang loose remake nito na City of Angels (1998) ay sa L.A. naman nagsyuting.
Siyanga pala, kasabay ng Remember na nag-open sa local cinemas ang Unfiltered kung saan bida sina Kai Montinola, JP Cabrera, Dennah Bautista, Venice Besmonte, at Eujan Arda.
Ayon sa Facebook post ng Unfiltered Movie PH, nag-open ang pelikula sa 31 sinehan nationwide.
Read: Tom Rodriguez "natameme" on set with Bea Alonzo
NOEL FERRER:
Inaantabayanan natin ang reaksyon ng mga tao sa Remember, at sana magtuluy-tuloy ang pagtangkilik ng mga kababayan natin here and abroad sa pagsuporta sa pelikulang ito sa kabila ng mga mixed reviews na ating natatanggap at nakikita sa social media.
Anu’t ano pa man, marami talaga ang naantig sa mga makabagbag-damdaming pagganap ng mga karakter at marami ang naiiyak (kaya kailangan daw ng baon na tissue).
Pero bakit sa isang umpukan ng mga reporter ay naging major issue ang wig?
Naging tampulan tuloy ito ng punchline ukol sa pelikula (as per Rito Asilo) at tuloy naging punchline kung fixture na ba ang wigs sa Star Cinema movies tulad ng kay Julia Barretto sa Always Yours, Never Mine. Kaya kabugan daw sila ng wig ni Marian dito sa Remember.
Tuloy, may nagsabing kasamahan natin sa panulat na puwedeng maging spoof title dito ay “A Wig To Remember.”
Ano nga ba ang susunod na Star Cinema movie? Ay! May wig din, sabi ng isang reporter. Sa The Greatest Showdown daw kasi ay expected nang may wig si Vice Ganda.
So, may magic bang dala ang wig sa takilya, Tito Gorgs (na parang magic kamison ni Mother Lily sa Regal noon)? Ano sa tingin mo? Sana, di ba?
Read: Aiza Marquez admits third party caused separation with husband
GORGY RULA:
Papanoorin ko pa lang ang Remember, kaya wala akong maibigay na komento tungkol sa pelikula. Pero marami na ang nagme-message sa akin ng opinyon nila sa pelikula.
Kung hindi maganda ang komento ng iba, meron namang ilang listeners namin sa dating radio program namin sa DZRH na mas gusto raw nila itong Remember kesa sa Rewind.
Ang kaagad na sagot ko ay huwag na nating ikumpara sa nakaraang MMFF 2023 movie ng DongYan dahil iba naman talaga ito. Hindi naman ito sequel ng Rewind.
Ang sa akin, basta maganda lang siya panoorin at na-entertain ako, hayaan na iyan kung may nasilip kayong ilang butas sa pelikula.
Nadagdagan na nga raw ng sinehan ang Remember, at expected na namin iyan dahil diyan magaling ang Star Cinema.
Kaya nilang patagalin sa mga sinehan ang kanilang pelikula. Abangan na lang natin ang total gross nito sa loob ng isang linggo.
So far, ang nasagap naming impormasyon, halos naka-PHP5M daw ang first day gross ng Remember.
Ang maganda rito, mahaba ang bakasyon natin dahil sa ASEAN Summit. Kaya puwede pa itong humataw sa mga susunod na araw.
