GORGY RULA:
Napapangiti na lang si Iñigo Pascual nang biglang binuhay ang love affair nila ni Maris Racal.
Sa Thanksgiving celebration ng TV5 noong Lunes, November 9, 2026 sa Grand Hyatt Manila, pinu-push ng ilang entertainment media kung puwede pa kaya mabalik ang magandang relasyon nila noon.
Ang sabi lang ni Iñigo, “Okay naman kami. We talk like normal friends. Wala namang ilangan, walang ganun.”
Masaya raw si Iñigo sa mga na-achieve ni Maris na sunud-sunod ang natanggap na best actress award.
“Nakaka-proud siya. We actually have seen each other a couple of times in several events.
“Noong Halloween party ng Belo, sa Opulence, we were able to hang out. We were able to talk. I have congratulated her.
“Nakakatuwa lang siyempre with how hard she’s been working on her acting and lahat ng gusto niyang gawin sa buhay.
“So everything’s paying off for her,” sabi pa ni Iñigo.
Siya ba ang tipong nakipagbalikan sa dating karelasyon?
“I think life happens. Depende,” napangiti niyang pakli.
“I mean destiny lang siguro makakapagsagot ng ganung bagay.”
Read: Remember box-office gross on opening day; now in 300+ cinemas
INIGO PASCUAL ON POSSIBLE COLLAB WITH MARIS RACAL
NOEL FERRER:
Wala naman daw isyu kay Iñigo Pascual kung sakaling may offer na magsama sila uli ni Maris Racal sa isang proyekto.
“I’ll be willing to work with her again anytime,” sambit ni Iñigo. Wala naman daw pressure sa kanila sakaling magsama sila ulit.
“You know, that’s something that you know… why would we put that on ourselves? Why would we put that kind of pressure on ourselves?
“And also, why would we try and think of something that you know isn’t possible at the moment.”
Basta okay raw sila ni Maris at na-maintain ang friendship.
Read: MTRCB reviews PBB: Collab 3.0 after receiving over 100 complaints
INIGO PASCUAL EXCITED FOR THE GOOD DOCTOR
JERRY OLEA:
Si Janella Salvador ang leading lady ni Iñigo Pascual sa The Good Doctor, pero si Maris ang pinag-usapan pagkatapos nilang kumanta ng singer-actress doon sa Thanksgiving celebration.
Excited si Iñigo sa The Good Doctor dahil challenging talaga ang role niya rito. Bukod sa bago sa kanya ang medical drama na ito.
“Mas ginawa namin ang Pinoy, mas may puso. Ang bawat character, mabibigyan ng spotlight.
“Bawat character, magpapakita ng sariling galing dito sa proyektong ito. And siguro, what I love about our version, is it’s more family-oriented,” saad ni Iñigo.

Aware si Iñigo na meron ding isang medical drama na series na ginagawa ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Alden Richards.
Ano kaya kung pagtapatin sila ng programa?
Napangiti si Inigo: “Nag-joke kami. Nagkita kami isang beses. Sabi ko, ‘Mag-guest ako sa show mo, tapos mag-guest ka sa show namin.’ Sabi niya, go!”
