PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pee Mak, 2 Valid IDs reach P100M-mark in box-office gross

Now on their fifth blockbuster week!
by PEP Troika
Published 13 hours ago
Pee Mak earns P120M; 2 Valid IDs gets P100M
Pee Mak and 2 Valid IDS continue to draw moviegoers. What will it take for more Pinoy movies to get the attention of moviegoers?
PHOTO/S: Screengrab from Pee Mak / 2 Valid IDs trailers

JERRY OLEA:

Ayon sa Viva Films, umabot na sa PHP120M ang Pinoy adaptation ng pelikulang Pee Mak, na pinagbidahan nina Bea Binene at Wilbert Ross.

“Going stronger on our 5th week!” pagbabando ng Viva Films sa socmed.

Ipinagmamalaki ng 2 Valid IDs na nasa 5th blockbuster week na rin sila.

Lumampas na raw sa PHP100M ang kinita ng pelikula ni Marietta Subong, aka Pokwang, na topgrosser sa Cinemalaya 22: Reel Reflections.

PEE MAK AND 2 VALID IDS GOOD REVIEWS

Sabay nag-showing sa local cinemas ang Pee Mak at 2 Valid IDs umpisa Oktubre 14, 2026.

Parehong bongga ang buzz o word-of-mouth ng dalawang pelikula. Tinangkilik ng moviegoers.

“Suwerte iyun!” reaksyon ni Cherry Pie Picache nang makachikahan namin sa BENCH/Active x AKTOR Hybrid Games sa SPACE, 5L One Ayala, Makati City.

“Pero ilan lang iyun? Isa, dalawa lang iyun. Pero ang inaalagaan natin, iyung industriya, e. Marami, e, di ba?

“Hindi lang naman tayo ang nahihirapan. Pati rin ibang industriya. Hindi naman global ang market natin katulad ng Hollywood, or South Korea, or India, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakayanin kaya ng Filipino movie industry na maging globally competitive sa darating na panahon?

“Kaya natin pero iyong marketing… I suppose with the platform that’s happening now,” tugon ni Cherry Pie.

“Di ba? Then we can go… with Netflix, and other platforms. Then we can, pero iilan-ilan lang iyon.”

Read: Remember box-office gross on opening day; now in 300+ cinemas

MORE PINOY MOVIES

Noong Nobyembre 11, Miyerkukes, sabay na nag-showing sa local cinemas ang Remember ng DongYan at Unfiltered ni Kai Montinola.

Sa darating na Miyerkules, Nobyembre 18, showing naman ang Status: Rejected ni Ruby Ruiz at Andoy ni Cedrick Juan.

Kasabay nito ang showing ng documentary na You Can See Everything, na $85M na ang worldwide gross. Ang production budget nito ay $7M lamang.

Nasa November 25 playdate naman ang Laya nina Andrea Brillantes, JC Santos, at Anthony Jennings. Sa Disyembre 16 ang Dunesday, sabay na showing ng Avengers: Doomsday at Dune: Part Three. Makikipagsalpukan dito ang Romano ni JC Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Tito Jerry, nakakatuwa talaga ang mga numerong binanggit mo pero mas nakakakaba rin.

Tama ang mahal nating kaibigang si Cherry Pie Picache, suwerte iyun…pero isa, dalawa lang iyun. Ang inaalagaan natin, iyung industriya.

Kaya nga hindi tayo pwedeng huminto sa pagbati. Kailangan nating ituloy ang panonood. Nandiyan na, nakapila na sa mga sinehan ang mga Pinoy films. Iba-iba ang tono, iba-iba ang kwento, pero pare parehong pinaghirapan.

At sana nga, with the lowered and more affordable ticket prices, mas marami pang manood ng walong entries ng 52nd Metro Manila Film Festival.

Malaking bagay na ang ticket cap ay PHP299 sa REGULAR cinemas, at puwede pang bumaba depende sa sinehan, dahil matagal nang reklamo ang presyo ng tiket.

Ang MMFF walong entries ngayong taon — 2nd Miracle in Cell No. 7, Amir, Haunted Carnival, The Greatest Showdown, A Perfect Marriage, Little Hope, Los Salvajes Bravos, at Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May pampamilya, may katatakutan, may pampatawa, may pangkasaysayan, at merong para sa pananampalataya.

Kung hindi pa rin natin ito susuportahan ngayong mas abot kaya na, kailan pa?

At bukod sa mga pelikulang nakatakda nang ipalabas sa mga sinehan sa mga susunod na araw, suportahan din natin ang mga pelikula sa QCinema international filmfest na talaga namang pinaganda at pinaghirapan.

Nagsimula ang 14th QCinema nitong Nobyembre 13, Biyernes, at tatagal hanggang Nobyembre 22.

Binuksan ito ng animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko ni Mervin Malonzo na boses ni Bianca Umali, at isasara ng Look Back ni Hirokazu Kore-eda.

Nandiyan din ang Makikiraan Po ni Lav Diaz, ang restored na Batang West Side, Jaguar, Sister Stella L, Magic Kingdom, Patay na si Hesus, Moonglow nina Isabel Sandoval at Arjo Atayde, documentary na Bomba Bernal, The Remotes, at international films na hindi mo basta mapapanood sa ordinaryong playdate.

Tama si Cherry Pie, kaya nating maging globally competitive, pero hindi lang sa Netflix at iba pang platforms manggagaling iyun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manggagaling iyun sa atin, sa sinehan, sa pagbili ng tiket, sa pagkwento sa iba. Kaya manood tayo. Hindi lang ng isa, hindi lang ng dalawa. Manood tayo ng marami, para mas marami pang pelikulang magawa. Sana.

Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz: "We're better off like this."

ELIJAH CANLAS MOVIES

GORGY RULA:

Apat na pelikula na ni Elijah Canlas ang ipinalabas this year — Drags to Riches, EDJOP, HB2ME, at Buddy.

Dalawa ang pelikula niya sa QCinema 2026 — Is This Desire? (short film with Ian Pangilinan) at The Remotes (cameo).

Meron siyang bagong movie, iyong One for the Road sa direksyon ni Kip Oebanda, sa ilalim ng Regal Entertainment.

Nakadalawang stage play siya — About Us But Not About Us at Footprint sa Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad.

Gusto rin siyang i-cast ng kuya niyang si Jerom Canlas para sa one-act play nitong Youngstunna na isa sa 12 dula sa inaugural Puregold Teatro Panalo na gaganapin sa Pebrero-Marso 2027.

Apektado ba siya sa kalagayan ngayon ng local showbiz, partikular sa industriya ng pelikula at telebisyon?

“Nararamdaman ko po,” tugon ni Elijah sa KayaFlix-sponsored block screening ng pelikulang Buddy noong Nobyembre 4 sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.

“Nararamdaman ko. Kasi siyempre, kunwari dati, minimum makapag-shoot ka, di ba, 10 days minimum? Kung minsan, 15 days, umaabot pa ng 20.

“Ngayon, may mga pelikula, mag-o-offer, seven days na shoot. Pero kaya mo iyon. Balita ko nga po, meron ding mga five [shooting days], nakakatapos isang buong pelikula.

“I mean, it just shows na apektado tayo lahat. Iyung mga producers natin are taking a risk.”

Aminado si Elijah na hindi maganda ang box-office result ng pelikula niyang EDJOP na ang nationwide release ay distributed ng Warner Bros.

Nag-open iyon sa humigit-kumulang 100 sinehan. Hindi pa nagwi-weekend ay 40 sinehan more or less ang nabawas daw agad dito.

“Hindi masyadong alam ng mga tao iyong EDJOP, unlike panoorin mo iyung 2 Valid IDs ngayon, iyong Pee Mak, di ba?” sambit ni Elijah.

“Iyung makikita mo, they’re really getting their box office numbers. Iyong EDJOP, I really wish more people saw it.

“But it’s not yet done naman. Magkakaroon pa kami ng campus screenings, I’m sure, and eventually streaming. Alam ng mga tao kung gaano ako ka-proud sa pelikulang iyon.”

Tingnan natin kung may mga sinehan pa ang 2 Valid IDs at Pee Mak sa darating na Miyerkules, Nobyembre 18.

Opening day iyon ng Status: Rejected ni Ruby Ruiz. Ang Status: Rejected ay pangalawa sa 2 Valid IDs bilang pinakamalakas sa Cinemalaya 2026.

Nagtabla pa sina Marietta Subong/Pokwang at Ruby bilang best actress sa Cinemalaya 2026, kaya abang-abang tayo sa kahihinatnan ng Status: Rejected sa commercial release nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pee Mak and 2 Valid IDS continue to draw moviegoers. What will it take for more Pinoy movies to get the attention of moviegoers?
PHOTO/S: Screengrab from Pee Mak / 2 Valid IDs trailers
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results