PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon visits mom Nora Aunor's hometown in Iriga City

Lotlot de Leon: "Gusto ko lang tingnan yung lugar..."
by PEP Troika
Published 10 hours ago
Lotlot de Leon visits late mom Nora Aunor's hometown in Iriga City
Lotlot de Leon grateful to fans who continue to show their love for the late Superstar Nora Aunor.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Lotlot de Leon Facebook

GORGY RULA:

Napahalakhak si Lotlot de Leon nang tinanong ko kung meron ba siyang inayos nung pumunta siya ng Iriga City.

Saglit lang ang tsikahan namin sa media conference ng pelikulang 40 Days recently sa Supersam restaurant, Quezon City.

Ipinakiusap kasi sa mga entertainment media na walang tanong tungkol sa isyu nilang magkakapatid lalo na kay Ian de Leon.

Sa story conference ng 40 Days nangyari ang pagbuhos ng sama ng loob ni Lotlot sa isyu nila ni Ian.

Kapwa iniiwasan na nina Lotlot at Ian ang isyu nilang dalawa. Kaya doon sa mediacon ng 40 Days ay tinanong na lang namin ang aktres kung pumunta ba siya sa puntod ng Mommy Guy niya nung nakaraang Undas.

Out of town pala si Lotlot. Nasa Quezon province siya at tumuloy sa Bicol noong mga araw na iyun, kaya hindi siya nakapag-Undas dito.

Hindi lang niya sinabi kung ano ang ginawa niya, pero nung pumunta raw siya ng Bicol pagkagaling niya sa Quezon, naisipan daw niyang dumaan sa Iriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I scheduled my trip talaga to go there. And then, dumaan lang ako dun sa Iriga.

“Para ano… gusto ko lang tingnan yung lugar kung saan dati si Mommy, ganun…. kung saan niya kami dinadala nung bata kami,” napangiting pakli ni Lotlot.

Sinabi ko kay Lotlot na naintriga ako nang slight nung ipinost niya sa social media na nasa Iriga siya.

Ang nasa caption lang ng post niyang iyun ay “Iriga” na may white heart emoji.

Sabi ko sa kanya, na baka meron siyang inayos doon, dahil alam naman ng lahat na tagaroon ang namayapang Superstar at napapag-usapan ang mga naiwan nitong properties doon.

“Well, anong aayusin ko dun, hahaha!” natatawang bulalas ng aktres.

“Anong aayusin dun? Wala, dumaan lang ako. Wala naman akong ayusin doon hahaha! Di ba?” sabi pa ni Lotlot.

Hindi na namin nasundan ng tanong tungkol sa isyung iyun, lalo na ang tungkol kay Ian. Natatawa na lang siya na nahahalata naming ayaw na niya itong pag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
A scene from 40 Days
A scene from 40 Days

Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz: "We're better off like this."

LOTLOT DE LEON ON FILM 40 DAYS

NOEL FERRER:

Marami raw naalala si Lotlot de Leon nang ginagawa niya itong 40 Days dahil sa pagpanaw ng kanyang Mommy Guy.

Lagi naman kasing natatanong sa kanya kung paano nila na-handle ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang ina. Bale pangalawang Undas na itong wala si National Artist Nora Aunor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Lotlot: “You know, grief comes in waves naman. So, I don’t think it’s everyday.

“There are moments talaga that you’re still there, you’re grieving, you can’t believe na wala na.

“But at the same time, you’re just look back with a happy heart, grateful ka na naging parte ka ng buhay niya.”

Nagpapasalamat si Lotlot sa mga Noranians na talagang hindi pa rin nakakalimot sa kanilang ina.

Dinadagsa pa rin ang puntod ng Superstar para manalangin doon at mag-alay ng bulaklak at magsindi ng kandila.

“Salamat, and I’m also really just grateful for everyone who still you know, shows their support and nagmamahal kay Mommy. Forever grateful po yun,” sabi ni Lotlot.

Read: Alex Gonzaga reveals how motherhood changed her style

LOTLOT DE LEON: LIFE IS SHORT

JERRY OLEA:

Sa December 9 ang showing ng 40 Days sa mga sinehan — isang linggo bago ang Dunesday (Avengers: Doomsday + Dune: Part Three).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabigat ang tema ng 40 Days na isang family drama kung saan umiikot ang kuwento sa misteryosong pagpanaw ng isang ina (Perla Bautista).

Lotlot de Leon film 40 Days
Cast of 40 Days
Photo/s: Gorgy Rula

Nababagay ba ang pelikulang ito para sa nalalapit na Pasko?

“Maybe siguro, we should look at it as a reminder that you know, life is short. And then, that we should cherish the people who are still with us, who are important to us.

“So, siguro just look at it at that end… Opo,” sey ni Lotlot de Leon.

Sagot naman ng director nito na si Louie Ignacio:

“Parang sasaksakin ka sa puso kung sa Pasko ipalabas.

“Kasi ang message dito is about love kasi e. Hahanap-hanapin mo ang Nanay mo… parang ma-encourage to love your parent, alagaan sila nang matindi.

“That’s the best Christmas gift sa mga nanay, di ba? Kaya lang, hindi nga lang ano yung topic. Pero yung moral lesson nito, sa ending is mahalin mo pa habang buhay ang nanay mo. Alagaan mo.

“Pero hindi ito literal na merry Christmas e. Pero kung iisipin mo yung pagmamahal mo sa magulang mo, iyun yung magandang Christmas gift na mabibigay mo.

“Ito ang pinakamagandang pamasko na mahalin mo ang magulang mo habang buhay. Huwag mo lang silang kalimutan, aalagaan mo,” saad ni Direk Louie.

Tampok din sa pelikulang ito sina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Elizabeth Oropesa, Lloyd Samartino, Ricardo Cepeda at Diego Gutierrez. Nasa cast din sina Jayson David, Yvonne Asher, Franchezca Albo, Edrei Rosel, Arcelle Cabigting at Damian Efergan.



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon grateful to fans who continue to show their love for the late Superstar Nora Aunor.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Lotlot de Leon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results