PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atasha Muhlach reveals how she deals with naysayers

Atasha Muhlach says she used to think her mom was a "sirena."
by PEP Troika
Published 7 hours ago
Atasha Muhlach shares how she deals with critics
Atasha Muhlach's mindset: "Gusto ko lang po mag-focus lang sa positive lang palagi and to always just keep my head down and work hard."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Ayaw pa munang i-share ni Atasha Muhlach kung ano ang plano ng Viva Artists Agency na next project niya pagkatapos ng Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical.

Nung nakatsikahan namin si Atasha sa nakaraang Thanksgiving celebration ng TV5, kinulit namin sa kanya kung ano ang susunod niyang gagawin.

Napapag-usapan namin ang pelikula, at napangiti siya nang binanggit namin sa kanya kung type ba niyang mag-Dyesebel na ginawa ng kanyang inang si Charlene Gonzalez.

“Yan ang dream ko. Yan ang dream role ko,” bulalas ni Atasha.

“Dream ko talaga, maging leading lady. Iyan po ang role na nakikita ko sa mom ko po. And growing up, akala ko talaga yung nanay ko po, sirena.

“So, para sa akin, sobrang big dream din yun.”

Nagpasalamat si Atasha sa sinabi ng karamihan na parang kamukha raw niya talaga ang mommy niya nung nagpe-perform siya bilang Annie Batungbakal.

Okey ba sa kanya na sumali sa beauty pageant?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I wouldn’t mind,” pakli ni Atasha.

“My doors are not closed. You never know. You never know the future. So, abangan na lang po. Yes.”

Sa ngayon ay happy raw muna siya sa Eat Bulaga.

Read: Lotlot de Leon visits mom Nora Aunor's hometown in Iriga City

ATASHA MUHLACH ON HANDLING CRITICS

NOEL FERRER:

Hindi na pinapansin ni Atasha Muhlach ang mga negatibong komento sa performance niya sa Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical.

Pero pinuri naman siya at nag-effort siya para patunayang may karapatan siya bilang Annie Batungbakal sa naturang musical play.

Ayaw na raw niyang isipin ang mga ganung negatibong isyu.

“Gusto ko lang po mag-focus lang sa positive lang palagi and to always just keep my head down and work hard.

“Yun lang ang gusto kong gawin. Opo. Yun palagi, is work hard lang tapos always be nice with the people,” sey ni Atasha.

Nakita naman raw niya ang ilang interviews ng magulang niya na ipinagtatanggol siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes po. Nakita ko po yun. Pero ang advice nila lang is just hold on to the good and you know your truth naman.

“So to just always be kind to everyone around you,” sabi pa ni Atasha.

Ang natutunan niya sa karanasang ito: “Ang na-realize ko lang is to just hold on to the positive.

“There’s always angels and positivity and happiness around you and to just focus on that and that will take you a long way in life.

“Sa totoo lang po yan. Siyempre naman po. Mula noon hanggang ngayon, showbiz talaga po ang dream ko po and I’m just very very happy that I’m living my dream right now.”

Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz: "We're better off like this."

ATASHA MUHLACH ON BONGGA KA DAY FAMILY

JERRY OLEA:

Nakabuo raw si Atasha Muhlach ng bagong pamilya at talagang close na raw sila ng mga kasamahan niya sa Bongga Ka Day.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Totoo po yun. Pero sa totoo lang, happy lang po ako na I was able to create such great memories with everyone. So, happy naman po ako.

“Actually, kahapon we watched yung Joseph The Dreamer, kasama po yung buong Bongga Ka Day cast. Sobrang close po kaming lahat. Barkada po.

“Sobrang grateful din po ako kasi yung BKD family have given me nothing but encouragement, support and great, great memories po that I will forever cherish moving on.

“Dahil po sa kanila actually, I was able to really enjoy the process of theater and for that I’m eternally grateful po,” sabi pa ni Atasha.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atasha Muhlach's mindset: "Gusto ko lang po mag-focus lang sa positive lang palagi and to always just keep my head down and work hard."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results