PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cai Cortez driver's license suspended over viral dancing video

LTO issues show cause order to Cai Cortez.
by PEP Troika
Published 14 hours ago
Cai Cortez driver's license suspended over viral driving video
Actress Cai Cortez faces a 90-day preventive suspension of her driver’s license due to alleged traffic violations seen in a dancing video.
PHOTO/S: @caicortez Instagram

GORGY RULA:

Pagkatapos ni Mikah ng BINI, si Cai Cortez naman ang ipinapatawag ng Land Transportion Office (LTO).

Noong Sabado, November 14, 2026 pa pinag-uusapan sa social media ang pag-isyu ng Show Cause Order kay Cai Cortez dahil may nilabag diumano ito sa pagmamaneho.

Nakasaad sa Facebook account ng LTO: "Konsehal ng Taytay, Rizal, inisyuhan ng SCO ng LTO dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho; lisensya suspendido, sasakyan inalarma."

Ipinost umano ni Cai sa kanyang Facebook ang video niya na nagsasayaw habang nagda-drive at walang suot na seatbelt.

Kalakip nito ang kopya ng Show Cause Order (SCO) na nagsasabing nakita sa video na inalis ng konsehala ang dalawa niyang kamay sa manibela upang sumayaw habang umaandar ang sasakyan.

Makikita rin daw na nalihis ang atensyon niya sa pagmamaneho dahil sa halip na sa daan ay sa camera nakatutok ang tingin niya.

Sabi rin dito, posibleng maharap si Cai sa reklamong Reckless Driving at paglabag sa Distracted Driving Act at Mandatory Use of Seatbelt Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya inatasan siyang pumunta sa LTO ng alas-onse ng umaga ng November 23 para magsumite ng sinumpaang salaysay na magbibigay linaw kung bakit hindi siya dapat patawan ng mga naturang reklamo, at magpapatunay na hindi nararapat na bawiin o suspendihin ang kanyang lisensya.

Sa ngayon, inutos ng LTO na isuko ni Cai ang kanyang lisensya para maisalalim ito sa 90-day preventive suspension.

Nakaalarma rin daw sa LTO ang kanyang kotse bilang bahagi ng "agarang aksyon" ng ahensya.

Hindi direktang binanggit sa socal media account ng LTO na si Cai Cortez ang inisyuhan ng SCO, at blurred ang mukha niya rito.

Pero sa comments section, sinabi ng ilang netizens na si Cai ang tinutukoy ng LTO na "konsehala ng Taytay, Rizal" na nag-post ng naturang video.

Read: BINI Mikha faces license suspension over viral driving video

CAI CORTEZ VIDEO POSTED IN GABRIEL GO'S FACEBOOK

Sinasabi ring tugma ito sa Facebook post ni Gabriel Go, ang head ng MMDA Special Operations Group-Task Force for Road Clearing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 14 nang i-post ni Go ang clear copy ng video ni Cai na sumasayaw habang nagmamaneho.

Caption ni Go: "When we are a personality dapat mas maging aware tayo sa mga galaw natin. The more followers and the more people look up to you ay dapat mas maging responsable tayo…

"Hindi man hawak ang camera o cellphone, pero yung pagbitaw ng manibela can cause your life or others in just a split second. Madagdag na rin po natin ang pag gamit ng seatbelt…"

STATEMENT OF MARKUS LACAnilao

Nakapalitan ng awtor na ito ng mensahe si LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao tungkol sa isyu.

Nang tanungin kung suspendido muna ang lisensya ni Cai Cortez, kinumpirma ni Lacanilao na inusyuhan ang aktres ng Show Cause Order o SCO.

Sinabi rin nito na nakalathala iyon sa LTO page.

Kasalukuyan pa raw iniimbestigahan ang kasong kinahaharap ni Cai at wala pang resolusyon ang LTO hinggil dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibig sabihin, liban sa preventive suspension ay wala pang pinal na parusang ipinapataw sa aktres.

"Dadaan siya sa proseso," sabi pa ni Lacanilao.

Ganyan din ang paliwanag niya noon sa kaso ni Mikah ng BINI.

“Hindi ibig sabihin na iyun ang parusa,” pakli ni Asec. Lacanilao nang nakapanayam namin bago siya humarap sa grupong BINI nung nakaraang linggo.

“Ano lang yan, habang gumugulong yung investigation… pero bibigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag.

“Pag lumabas lang yung resolution, dun malalaman kung masu-suspend o mare-revoke.

"Pero dahil sa pangyayaring ito, suspendido ng 90 days. Pero after nung hearing, saka lalabas yung resolution.

“Puwede naman sila magpaliwanag ng side nila.

“Pero yun nga, may proseso, e. Mayaman, mahirap, sikat o hindi, talagang pantay-pantay lang naman sa amin,” dagdag ni Lacanilao.

Read: BINI Mikha vows to learn from mistake after driving violation

JERRY OLEA:

Ito ang mensaheng gustong iparating ni Lacanilao sa mga kilalang celebrity. Dapat talagang mag-ingat at sumunod sa batas sa kalsada kapag nagmamaneho ng kanilang kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga celebrity pa naman sila, at dapat na iniisip nila ito dahil nakikita sila ng mga karaniwang tao na nahuhuli rin sa paglabag ng batas.

Lalo na itong mga nagko-content na celebrities na kaagad nakikita sa kanilang social media account.

Sabi pa ni Lacanilao: “Hindi dapat isinasakripisyo ang kaligtasan sa kalsada para lamang sa paggawa ng content.

“Tungkulin ng bawat driver na sumunod sa batas-trapiko at maging responsible sa pagmamaneho, anuman ang kanyang posisyon sa lipunan.”

NOEL FERRER:

Naka-text ng PEP Troika si Lacanilao ng LTO at sinabi niyang wala pang resolution iyong kaso ni BINI Mikah.

Bago pa man dumating ang date na pinapatawag ito ng LTO, pumunta na ito para magpaliwanag at humingi ng paumanhin.

Pero kailangan pa rin daw itong imbestihahan at hinihintay na lang ang resolusyon.

Kung ano raw yung proseso na dadaanan ni Mikah ay ganun din itong kay Cai Cortez.

Samantala, nahingan ng reaksyon ang ama ni Cai na si Rez Cortez kaugnay ng isyu.

Nung nakapanayam siya ng ibang network, sinabi ng beteranong aktor na hindi pa raw niya alam kung ano talaga ang nangyari.

“Hindi ko nga alam yun. Kung meron man siyang na-violate," bungad ni Rez.

Sabay sabi rin niya, "E, dapat siya ang unang sumunod sa batas kasi ano siya, public official siya.

“So, sinusuportahan ko. Fully support ko naman yung kanyang tinatahak ngayon na propesyon bilang konsehal ng Taytay, Rizal.

“Kung yun ang sabi ng mga ahensya na nararapat dun, e ano na yun, dapat na tanggapin na rin ni Cai yun at tanggapin na rin namin."

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ni Cai at ng iba pang personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Cai Cortez faces a 90-day preventive suspension of her driver’s license due to alleged traffic violations seen in a dancing video.
PHOTO/S: @caicortez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results