GORGY RULA:
Talagang sumusuporta ang dating Ilocos Sur Governor na si Chavit Singson sa mga projects ng kaibigan niyang negosyanteng si Joel Cruz.
Inilunsad ni Joel ang bagong line of perfume niyang La Craux noong Martes, November 10, 2026, sa The Fifth at Rockwell, Makati City.
Bukod sa ilang social media influencers, dumalo ang mga kaibigan niyang sina Cory Quirino at Jean Saburit.
Pero ang isa sa talagang sumuporta ay si Manong Chavit na nakita naming bumili ng napakaraming scents ng La Craux.
Tinanong ko ang politician at businessman kung isa ba siya sa investors ng bagong produkto ni Joel, hindi naman daw. Natuwa lang daw siya kay Joel, dahil tingin niya pareho sila ng suwerte.
“Ang suwerte kasi ng pabango niya. Kumukuha ako ng parang panggayuma,” napapangiting pakli ni Manong Chavit.
Nagpasalamat si Joel sa suporta ng dating Ilocos Sur Governor.
Ani Joel: “Sa sobrang yaman. Sa sobrang bait, sa sobrang generosity, gusto kong maging ganun. Kaya lagi akong dumidikit, para matuto ako sa lahat na ginagawa niyang blessings, e.”

Read: Cai Cortez driver's license suspended over viral dancing video
CHAVIT SINGSON ON RED CROWN PART 2
Kung successful ang perfume business ni Joel Cruz, seryoso naman at tuluy-tuloy raw ang pagiging film producer ni Chavit Singson.
Ibinalita niya sa amin na binubuo na raw nila ang part two ng pelikulang Red Crown.
“Oo. Gagawa nga ng part two, e. Okay naman, e,” sambit ni Manong Chavit.
Ang Red Crown ay collaboration ni Chavit Singson at ng GMA Pictures. Masaya raw siya sa kinalabasan ng pelikula, at umaasa pa rin siyang mababawi ang ipinuhunan niya rito.
Kaya sinabihan na raw niya ang director nitong si Dominic Zapata na ayusin na ang sequel ng pelikulang pinagbidahan nina Sanya Lopez, Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Michelle Dee, at Ruffa Gutierrez.
“Itutuloy, dahil iyun yung clamor ng tao, e. Sinabi ko na sa director…gumagawa na ng part two. Inaayos na.
“Mababawi naman yun, e. Marami naman ang nanonood, e,” sabi pa ni Manong Chavit.
Tuluy-tuloy raw ang pagpo-produce niya ng pelikula kasama ang GMA Pictures.
“Yes. Palaging GMA-7,” bulalas ni Manong Chavit.
Read: Kris Aquino, Bimby recall unexpected encounter with James Yap
CHAVIT SINGSON ON MISS UNIVERSE
NOEL FERRER:
Bukod sa pagpo-produce ng pelikula, pursigido pa rin si Chavit Singson na mabili niya ang rights ng Miss Universe.
Ang matagal na pala niyang pangarap ay dito raw sa Pilipinas ang residence ng Miss Universe. Wala raw siyang ideya kung sa New York pa rin ito.
Pero sakaling mabibili raw niya ang rights ng naturang beauty pageant, gusto niya dito sa Pilipinas maninirahan ang reigning Miss Universe.
“Gusto ko lang nandito yung bahay ng Miss Universe,” pakli ni Chavit.
“Pag nabili ko yun, dito yung bahay ng Miss Universe. Mas mapapaganda natin yung Miss Universe.
“Para sa ating mga kababayan. Maraming manenegosyo dito kung sa atin ngayon.”
Hindi lang daw siya puwedeng umeksena sa kasalukuyang ginaganap na Miss Universe, dahil iba pa ang may-ari nito.
Inaalam pa raw niya kung paano niya ito mabili na pag-aari pa sa ngayon ng JKN Global Group ni Anne Jakrajutatip at ng Mexican businessman na si Raul Rocha Cantu.
“Kinakausap ko na yung nag-handle ng Miss Universe. Kung puwedeng bilhin. Gusto kong bilhin. Puwede. Pero madaming dadaanan, may mga kaso lang na nangyari.
“Basta gusto ko lang bilhin. Basta maayos… kasi yung dalawang nakabili, parehong wanted,” saad ni Chavit.
Ang 75th Miss Universe ay gaganapin sa Nobyembre 24, 2026 sa San Juan, Puerto Rico.
Ang panlaban ng Pilipinas ay si Bea Millan-Windorski. Ang 76th Miss Universe ay gaganapin naman next year sa Vietnam.
Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz: "We're better off like this."
JOEL CRUZ ON KIDS
JERRY OLEA:
Dalawa sa mga anak ni Joel Cruz ang may hilig sa showbiz at gustong mag-artista. Ang mga ito ay si Charlotte—na nasa third set ng twins—bale pang-anim na anak daw niya, kakambal ni Charles.
Nakitaan din daw niya ng interes na mag-artista ang isa pa niyang anak na si Harry, ang nasa second set ng twins naman.
Ang iba niyang anak ay mahilig na raw mag-vlog. Gusto maging influencer.
Pero hindi raw siya ang tipo ng magulang na ipagpilitan ang anak niyang mag-artista kahit na walang talent.
"As long as they have talents, yes. Ayoko yung i-push yung anak ko na walang talent, pero pinipilit ko.
"I can see the potential, na marunong kumanta, marunong umarte, then tuloy natin yun," sambit ni Joel.
Willing ba siyang ipag-produce ng movie project o series ang mga anak niya para ma-penetrate lang ang showbiz?
“Parang… kung ako yung magpo-produce, hindi ko pa nga alam kung may talent, e.
"Mas maganda yung iba para makita talaga nila na may potential yung anak mo, ha? ‘Maganda umarte yan, maganda mag-host yan, maganda sumayaw yan.’
"Sila yung magsabi. Ayoko yung very subjective ako.
"It should be objective ng ibang tao ang magsasabi na magaling yung anak mo. ‘Ako ang kukuha nyan, ako ang magma-manage.’ Yung ganun!
"Makikita nila yung talent ng bata,” saad ni Joel Cruz.
Bilang isang negosyante, papasukin daw ni Joel ang isang negosyo kung mapag-aralan nang mabuti na merong return of investment.
Hindi niya masabi sa ngayon kung papasukin niya ang pagpo-produce ng pelikula, dahil pag-aaralan pa raw ng team niya kung may kita sa movie production o wala.
“Pinag-aaralan ng team namin yan. Kung kikita kami, why not.
“But if it’s for charity, at least alam namin na charity ito, e,” sey ni Joel Cruz.
