PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan on moviegoers: "Naghahanap lang sila ng maganda."

Cedrick Juan takes on challenging role in psychological horror film Andoy.
by PEP Troika
Published A day ago
cedrick juan andoy premiere
Following his acclaimed performances in GomBurZa and Gulay Lang, Manong, Cedrick Juan takes on a challenging new role as a clown with Intermittent Explosive Disorder in the psychological horror film Andoy. The actor also shares his thoughts on the box-office success of 2 Valid IDs and Pee Mak, the challenges facing the entertainment industry, and his future projects.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pagkatapos ng MMFF 2023 official entry na GomBurZa, at Cinamalaya 2024 feature-length film na Gulay Lang, Manong, bida muli si Cedrick Juan sa psychological horror film na Andoy.

Title role si Cedrick bilang isang clown na may Intermittent Explosive Disorder (IED).

Kinuha siyang performer sa birthday ni Shirley (Jennica Garcia), na anak ni Congressman De Leon (Vic Romano).

Anim na kaibigan lang ang mga panauhin ni Shirley — sina Marco (Albie Casiño), Nico (Paolo Gumabao), Jen (Aya Fernandez), Mia (Angelica Lao), Johnson (Victor Relosa), at Toby (Harly David Daria).

andoy cast & director
Andoy cast and director
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumakatawan ang pitong magkakaibigan sa Seven Deadly Scenes.

Ang taksil na si Marco for Lust, ang walang-kabusugan na si Toby for Gluttony, at ang nag-iisip na magka-sugar daddy na si Mia for Sloth.

Pakiwari ko, ang mahilig maglinis na si Shirley ay kinatawan ng Pride, ang malihim na si Johnson for Wrath, ang anacondang si Jen for Envy, at ang latecomer na si Nico for Greed.

“Ako yung nakapangalan nga, title ng pelikula, pangalan ng karakter. Pero it’s an ensemble film talaga,” sabi ni Cedrick sa premiere night ng Andoy noong Nobyembre 17, 2026, Martes, sa Trinoma, Quezon City.

Malaking challenge para kay Cedrick bilang aktor ang karakter ni Andoy.

“Siyempre from my 13 years of experience [as an actor], alam ko na marami pang puwedeng i-explore na genre,” sambit ni Cedrick.

“And I think, isa itong thriller genre, na hindi ko pa talaga siya nagagawa. And ang pinaka-challenging din talaga sa kanya is parang yung question mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Anong mangyayari if somehow na-push natin yung limit ng isang tao? Ano ang consequences ng ganoon?”

Nasagad ba ang acting range niya sa movie? Sa trailer pa lang, nakakatakot na ang kanyang mata-mata acting.

“Palagi naman, kapag may proyekto tayong ginagawa, lagi kong ibinibigay yung 100 percent ko,” saad ni Cedrick.

“Kasi siyempre, pinagkakatiwalaan tayo ng mga direktor, ng mga writers, and ng magkakaibang production.

“So kailangang ibigay natin ang 100 percent natin.”

ANDOY AND OTHER MOVIES OPENING ON NOVEMBER 18

Ang Andoy ay isinulat at idinirek ni Mark Putian. Unang handog ito ng Wonderlast Films.

Rated R-18 ito ng MTRCB, at mapapanood exclusively sa Ayala Cinemas umpisa ngayong Nobyembre 18, Miyerkules.

andoy poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kasabay ng Andoy na nag-open today sa ating mga sinehan ang Club Kid (R-16), Possessions of Daphne (R-13), Status: Rejected (R-13), The Hunger Games: Sunrise on the Reaping (R-13), You Can See Everything (R-16), at Motherly (R-13) na exclusive sa Megaworld Cinemas.

Yung Jeonghan x Joshua Journey into [Dreaming] (PG) ay mag-o-open sa Nobyembre 22, Linggo, at exclusive din sa Ayala Malls Cinemas.

Read: TV5 announces its 2027 lineup of shows at thanksgiving party

NOEL FERRER

Nag-world premiere sa Singapore International Film Festival ang short film na They Made Monsters, written and directed by Jaime Morados, produced by Teri Malvar.

Co-stars dito ni Cedrick Juan sina Santino Juan Santiago at Robert Joshua San Luis.

This time ay kasama naman ito sa ongoing QCinema filmfest.

“That film is very relevant. I’m so happy with Jaime and Teri Malvar dahil sila iyung couple na director and producer,” pahayag ni Cedrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m so happy for this kind of narrative na lumabas talaga siya. Sana nga, mas marami pang screening.

“Kasi ano, e, yung nangyayari sa mundo natin ngayon, sobrang iyon yung ipinapakitang reyalidad ng pelikula.

“Na puwedeng makikita natin yung iba na parang villain sila, kasi hindi natin sila katulad ng way ng pag-iisip.

“Pero hindi natin nakikita na may iba rin silang perspective, or sa kagustuhan nating maging tama, ang nangyayari tayo na ang nagiging monster sa paningin nila.”

they made monsters

Noong 2017 pa huling may pelikula si Cedrick sa QCinema.

WILL CEDRICK JUAN LEAVE MOMMY GUARD?

Sa Kapatid afternoon drama series na Mommy Guard, mawawala na ba ang karakter niya, o mahaba pa ang exposure niya?

Napangiti si Cedrick: “Yun po ang kailangan nating abangan! Kasi parang ang nangyayari ngayon, parang magdu-Dubai na si Kuya Karl, si Kuya Guard. So, yun ang kailangan nating abangan.”

Kailan naman siya babalik sa pagteteatro?

“Balak ko next year. As in super gusto ko na siyang magawa uli! So, kailangan lang ng mas mahabang preparation, at mas maaga na preparation.”

Read: BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion

GORGY RULA

Nakakatuwa na parehong tumipak sa takilya ang social drama na 2 Valid IDs ni Pokwang, at comedy na Pee Mak nina Bea Binene at Wilbert Ross.

Facebook post ni FDCP Chairman Jose Javier Reyes recently: “When Wilbert Ross and Bea Binene's project grosses P120M and Marietta Subong with Jose Joey Marquez makes a Cinemalaya Film that grosses P100M, then it is about time that producers listen to what the audiences are saying. Consider the possibilities.”

Limang linggong namayagpag sa takilya ang 2 Valid IDs at Pee Mak na sabay nag-open sa mga sinehan noong Oktubre 14.

CEDRICK ON BOX-OFICE SUCCESS OF 2 VALID IDS AND PEE MAK

Reaksiyon ni Cedrick: “I guess yung mga Filipino moviegoers natin, hindi sila yung parang ‘Ayaw naming panoorin totally yung mga pelikulang Pilipino.’

“Talagang naghahanap lang sila ng ano ba yung maganda talaga? Or ano ba talaga yung kakaiba pang mga treatment? And also narrative.

“And nakikita natin with 2 Valid IDs and Pee Mak, although adaptation yung Pee Mak, na manonood ang mga Filipino kung unang-una, mapapababa natin yung admission prices.

“And at the same time, kung nagiging maganda para sa kanila.”

Ramdam ba niya yung problema ng TV and movie industry? Apektado ba siya bilang artista?

“Oo naman. Kasi kung tutuusin, hindi nga lang sarili ko ang iniisip ko doon,” pag-amin ni Cedrick.

“Kasi siyempre, yung mga crew, mga staff. Sila yung talagang day-to-day basis. Siyempre hindi rin naman ganun kalalaki ang suweldo nila.

“Sila yung talagang kaliwaan, humahanap ng trabaho. Paano kung wala tayong gagawing pelikula o mga serye, di ba?”

Ang ibang artista, sumasabak sa social media bilang live seller or content creator. Gagawin din kaya niya yon eventually?

“Sa ngayon, parang hindi ko pa nakikita sa oras ko. Kasi yun nga, I’m so happy and so blessed,” sambit ni Cedrick.

“Na marami pa ring nagtitiwala na mga filmmakers and also TV production na kuhanin ako.

“Sa ngayon, hindi ko pa siya nakikita pero sa hirap ng buhay ngayon, sa inflation, sa mahal ng bilihin, ng gasolina, lahat — hindi mo masisisi kung meron talagang mga artist na nagla-live selling.

“Marangal na trabaho naman yon. Wala namang natatapakang ibang tao.”

Read: Jose Manalo rules out politics; happy with resort business

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Following his acclaimed performances in GomBurZa and Gulay Lang, Manong, Cedrick Juan takes on a challenging new role as a clown with Intermittent Explosive Disorder in the psychological horror film Andoy. The actor also shares his thoughts on the box-office success of 2 Valid IDs and Pee Mak, the challenges facing the entertainment industry, and his future projects.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results