JERRY OLEA
Magsa-Zsazsa Zaturnnah muli si Kim Molina.
Bibida ang misis ni Jerald Napoles sa musical na Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh! na itatanghal sa Abril-Mayo 2027 sa Shooting Gallery, Zapote St., Makati City.
Forty-five (45) performances na ang nakalatag.
May kontrata ba na dapat huwag munang madyontilds ang Dramedy Queen of Philippine Showbiz?
“Well, actually, when it comes to that kind of personal side naman po sa aming dalawa ni Jerald ahhmm…
“Ako, naniniwala po kasi ako na if you really wanna do something, at you decide on it first, your partner should always respect it.
“Which ako naman, honest, in all honesty, when I said ‘yes,’ I needed to talk to my husband first.
“Because parang… okay lang ba? Na gawin ko muna ito. Kung sakali man. But of course we’re hoping, oo.
“Pero when we had that conversation… actually ang nangyari kasi diyan, minessage kasi ako ni Sir Vincent [de Jesus].
“Tapos alam na rin nina Direk Chris Cahilig, alam na rin ni Direk Chris Millado — dami naming Chris, no — Chris Martinez, o, di ba? Ha! Ha! Ha!
“So, nung mga Chris, nung mga ano po natin… alam na nila, tapos sinabi sa akin, ‘Kim, ano ba, okay ba?’ Ganyan.
“Sabi ko, ‘Thank you so much for that. I just needed to talk to my husband first.’
“Because… 2023 yung Zsazsa Zaturnnah Ze Musical… Yun Lang!. 2024, Jerald proposed. But we were already hoping na sana, magkaroon ng staging.
“So 2025, hindi muna kami, nag-prep kami ng wedding. 2026, we got married nung March.
“Tapos dapat din nandun sila pero hindi na nakatuloy sina Sir Vincent, Direk Chris. So ang nangyari din kasi noon, after noon, ano na, mini-moon.
“Wala pa talaga kaming plan talaga na mag-baby right after the wedding.
“Pero we needed to talk about it. And si Jerald, isa lang talaga ang sagot niya.
“Sabi niya lang sa akin ay, ‘If this is your dream, I will fully support you. And kung kailan ka ready, doon.’”
Nakatsikahan ng PEP Troika si Kim sa cast reveal nitong Nobyembre 18, 2026, Miyerkules, sa Lust bar, Sct. Torillo St., Quezon City.
Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh! CAST MEMBERS
Kabilang pa sa cast ng Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh! sina Esteban Mara bilang Dodong, Shiela Valderrama bilang Queen Femina, Almond Volante bilang Didi, Nar Cabico bilang Ada, at Neomi Gonzalez/Kakai Bautista bilang Aling Britney.
Tampok bilang Amazonistas sina Jannah Baniasia, Melody Hodgson, Miah Canton, at Roxy Aldiosa.

Ang iba pang cast members o ka-alternate ay sa Enero 2027 ire-reveal.
Produced ni Chris Cahilig ng Wishbone Collective ang 20th anniversary staging ng Zsazsa Zaturnnah musical.
Read: SB19 and BINI make P-pop history with 2027 Grammy nominations
GORGY RULA
Ngayong mag-asawa na sila ni Jerald Napoles, ano na ang pakahulugan ni Kim Molina sa term na ‘compromises’? Lalo na at busy sila sa kani-kanyang career…
“Ako, honestly, sa part na yan, ako po yung nagdesisyon kasi na magtanong sa kanya,” pagmamatwid ni Kim.
“It was me. Of course I needed to know kung ano yung sa palagay mo ba. Kasi, I’m of age. I’m of age na already. And siya rin.
“If I’m of age, mas of age siya! Kasi mas matanda po sa akin ang asawa ko, and meron din naman siyang mga pangarap, di ba, when it comes to having a family.
“But we actually talked about it not just because for Zsazsa. We also talked about it even before the wedding.
“So meron kaming, ‘Are we going to do this now? Are we going to do this later part ba?’
“We’re just very blessed right now na marami pong mga paraan if ever we plan to build a family.
“Ngayong panahon na ito, andami nang choices, e, di ba? Kung may gusto ka talagang gawin, mangyayari’t mangyayari.
“So, that conversation happened when we decided to talk about things even before we got married.”
Read: Angeline Quinto recalls how hard it was to hit high notes after giving birth
NOEL FERRER
Kumusta ang buhay mag-asawa nila ni Jerald Napoles? Ano ang the best thing sa atage na ito ng kanilang marriage?
“Ahh the best thing so far, well, we’ve been partners in crime ever since naman,” napangiting tugon ni Kim Molina.
Nasa honeymoon stage pa rin sila?
“Yes. Ewan ko… napaka-sweet, hindi ko alam! Siguro kasi, takbo siya nang takbo!” bulalas ng Dramedy Queen.
“Bili nang bili ng Satisfy [shoes]! So, baka kaya siya sweet. Pero sweet naman kasi talaga si Je! Kahit sa friends niyang girls.
“Or mga boys. Or mga bakla niyang kaibigan. Kuya talaga siya. Ninong.”
KIM AND JERALD'S "BABY"
Sa ngayon ay may “anak” na raw sila, ang male Mini Bichon Frise na si Itlog.
“Si Itlog po ang ‘anak’ po namin… na sobrang spoiled niyang aso!” sambit ni Kim.
“Pero kung tutuusin, ready naman kami ni Je [na magkaanak]. I think, especially Jerald.
“Kung nakita niyo lang siya with a baby, sobrang ready na niya. When he did Instant Daddy, ay, grabe!
“Nung ginawa namin yung Wonderful Nightmare at malaki na si Althea [Ruedas], nakita niya, malaki na… ang feeling niya, anak niya, lumaki na! Kasi kasama niya sa Instant Daddy.
“So he’s ready. And ako… takot kasi ako… pero I think, darating tayo diyan! Darating tayo.”
Read: Jose Manalo rules out politics; happy with thriving resort business
