GORGY RULA
Matagal nang nabibigyan ng malisya ang closeness nina Dylan Menor at Jayda Avanzado.
Nagkasama silang dalawa sa Viva One series na Project Loki at magmula nun ay naging close na sila.
Ilang beses na akong nakakapunta sa studio ng Vibe+ at natataon namang nagge-guest doon si Jayda.
At nasakshihan naming nakatutok si Dylan sa kanya at inaasikaso siya ng binata.
JUST FRIENDS
Pero sabi ni Dylan, magkaibigan lang daw sila ng anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
“Kasi sobrang gaang katrabaho ni Jayda. I enjoy working with her.
"We worked in Project Loki,” sabi ni Dylan nang nakatsikahan ng PEP Troika nung nakaraang linggo sa Thanksgiving celebration ng TV5.
“Actually, so far so good sa lahat na mga nakatrabaho ko, loveteam man or hindi, I enjoy po.
"It was smooth-sailing, and I had no problems at all.
“And with Jayda naman, I hope we get to work with her again soon, mapa-acting man yan o mapa-singing na gigs or works or events, di ba?
"Hosting, why not?”
Mariing itinanggi ni Dylan niyang nanliligaw siya kay Jayda.
“Hindi naman. Honestly, we’re just friends. We’re good good friends,” sabi niya.
“As in, may mga times na lumalabas kami together with our other friends. We did go golfing, we did go boxing.
“Ngayon, hindi na masyado. Naging busy na yung mga schedules namin.
“Yeah! May kanya-kanyang work, medyo busy.
"We’re just very close talaga as friends,” diin ni Dylan.
Read: BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion
JERRY OLEA
Agree si Dylan Menor na girlfriend material si Jayda Avanzado, pero talagang magkaibigan lang daw sila.
“I mean, parang… mabait kasi talaga si Jayda, e. Very nice, very warm, very smart.
“To have a friend like her, yun yung mga tine-treasure dapat, e. Yung mga genuine friendship.
“Of course, girlfriend material siya. Pero yun nga, sa ngayon, focus muna tayo sa kanya-kanyang career, di ba? Friends lang kami.
“Pero kahit saan man yan, support ako kay Jayda. I’m always excited sa mga gagawin niyang projects.
"I know she has an upcoming project. I don’t know if it’s been announced yet.
"But I’ve always been very excited sa kanya, sa mga gagawin niyang projects,” sabi pa ni Dylan.
Read: Cedrick Juan on Filipino moviegoers: "Naghahanap lang sila ng maganda."
NOEL FERRER
Sa ngayon ay naka-focus muna si Dylan Menor sa hosting and singing job niya sa Vibe+.
Hindi pa raw niya alam kung matutuloy ang drama series na gagawin niya next year.
Thankful siya sa TV5 dahil nagagawa niya sa Vibe+ ang gusto rin niyang gawin — ang pagkanta at hosting.
“Tuluy-tuloy pa rin ang Vibe+. Tuluy-tuloy pa rin ang ASAP XP.
"So, in terms of acting, siguro it’s just short break and then will get back soon,” pakli ni Dylan.
“Sobrang grateful ako dun. Wala! Gusto ko talaga, e… I love singing, performing, and acting at the same time.
“The fact na binibigyan nila ako ng opportunities to share my talent to audience.
“So, thankful ako sa TV5, sa lahat ng bosses, sa Stages, sa Universal Records, sa lahat ng managers ko, very grateful ako.”
DYLAN MENOR HAPPY WITH VIBE+
Masaya rin si Dylan dahil napapansin na raw ang Vibe+ at okay na ang ratings nito, at maganda rin ang engagement nila online.
“Kami, tuwang-tuwa sa Vibe+, kasi dumadami din yung commercial breaks, mga advertisers, nagtitiwala sa show namin.
"And yeah! We’re just very happy.
“And ang goal naman is to always do better every show. Kasi nakikita naman yun sa screen, e.
"Binibigay namin yung best namin at nakikita na na-appreciate ng audience,” saad ni Dylan.
