GORGY RULA
Nag-debut ang full trailer ng pelikulang Romano matapos ang Banal na Misa noong Nobyembre 18, 2026, Miyerkules ng gabi, sa Baclaran Church, Parañaque City.
Present sa Banal na Misa ang title role na si JC Santos, at ang co-stars niyang sina Albert Martinez, Cris Villanueva, Ketchup Eusebio, Allan Paule, Rolly Inocencio, Joel Saracho, at Raul Montesa.

Andoon din ang direktor na si JL Burgos, at ang scriptwriter na si Eric Ramos.
Ang pelikula ay biopic ni Fr. Rosaleo “Rudy” Romano, isang Redemptorist priest na ipinaglaban ang mga karapatan ng mga maralita.
“Naglaho” siya noong Hulyo 11, 1985 sa edad na 44.
Bahagi ng mensahe ni JC bago ipinalabas ang full trailer ng Romano: “I’m so honored and privileged na maanyayahan na magbigay ng sharing sa inyo tungkol sa aking bokasyon bilang isang alagad ng sining.
“Didiretso na po ako sa bagay na nakita ko na common sa amin ni Fr. Rudy Romano.
“Aaminin ko po na hindi ko po siya kilala bago dumating ang proyektong ito sa akin. Nakilala ko na lang siya at ang kanyang buhay nang mabasa ko ang script at habang ginagawa namin ang pelikula.
“Ang pinakatumatak sa akin tungkol kay Fr. Rudy ay ang kanyang passion bilang pari. He really went out of his way, literally, to serve the people, lalo na ang mga nasa laylayan.
“I like to believe or I hope na ganoon din ang level ng dedication na binibigay ko sa pagiging artista.
“Buong puso, buong kaluluwa, buong isip. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa Diyos na ako ang napili na gampanan siya sa pelikula tungkol sa kanyang buhay.”
ROMANO OPENS ON DECEMBER 16
Ang Romano na iprinodyus ng Redemptio Studios ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan umpisa Disyembre 16, na unang araw ng Simbang Gabi.
Wala pa itong MTRCB rating, pero sa pakiwari ni Direk JL ay PG (Parental Guidance) ang makukuha nitong rating.
Kasabay ng Romano ang showing ng Avengers: Doomsday at Dune: Part Three.
Abangan natin kung ilang sinehan ang maibibigay ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) para sa Romano.
Read: BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion
JERRY OLEA
Matapos ang Banal na Misa at showing ng full trailer ng Romano, ginanap ang presscon ng pelikula sa Romano Hall ng Baclaran Church.
Doon din in-unveil ang official poster ng pelikula.

Inusisa ang cast members kung bakit mahalaga ang pelikulang Romano.
Pahayag ni Raul Montesa: “Mahalaga po ang istorya ng Romano dahil po kinakailangan na tayong matuto as a country dahil paulit-ulit pong nangyayari ito.”
Sabi ni Joel Saracho na nakilala si Fr. Rudy bago ito naging desaparecido: “Mahalaga po yung Romano lalo sa panahong ito ng matinding polarization sa society, at ng maraming uncertainty.
“Dito natin mahalagang balikan yung aral para patuloy tayong magkaroon ng panibagong sigla na panindigan iyung ating mga karapatan.”
Saad ni Allan Paule: “Siguro… para mamulat ang ating kabataan. Kasi, matagal na itong nangyari. So, ibinabalik lang natin para makita nila at mamulat sila.
“Kung ano yung nangyayari noon, na hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. Di ba?
“Sa ating lahat, sa mga simpleng mamamayang Pilipino, maraming nawawala pa rin hanggang ngayon.”
Pagmamatuwid ni Cris Villanueva: “Mahalaga para sa akin ang pelikulang Romano para hindi tayo makalimot.
“Sana, mabalikan natin yung mga nakaraan noong araw para hindi natin ulitin at huwag nating hayaang maulit para sa ating mga kapatid.”
Tugon ni Albert Martinez na gumanap bilang ama ni Fr. Rudy: “Siguro ang pananaw na ibibigay ko ay kakaiba because nasabi na naman lahat, ito ay para kay Fr. Rudy Romero.
“Sa akin naman, kami’y pinalad at kami’y napili na bigyang-buhay ang mga characters dito sa Romano.
“Characters na sa totoong buhay ay dumaan sa napakahirap na trahedya, napakaraming pighati, at luha.
“Sa matagal na panahon na paghahanap ng aking karakter, si Gaudencio, paghahanap ng kanyang anak, na umaasa na mabawi ang kanyang anak…
“Umabot sa pagkakataon na… hindi naman siya nag-give up pero tinanggap na niya na hindi na niya makikita ang kanyang anak.
“Ang kanyang hiling na lang ay makita ang labi ng kanyang anak.”
DIREK JL BURGOS: ROMANO IS A STORY CLOSE TO HIS HEART
Pagsisiwalat ni Direk JL: “Yung dine-describe nila kung ano yung istorya, kung ano yung karakter nila at yung kanilang journey… sa amin, karanasan namin. Totoo yun, e.
“Hindi siya karakter para sa akin. Dahil ang kapatid ko ay biktima ng sapilitang pagkawala katulad ni Fr. Rudy."
Ang tinutukoy na "kapatid" ni Direk JL ay si Jonas Burgos, isang aktibista na dinukot sa isang mall noong 2007. Hanggang ngayon ay patuloy ang paghahanap ng pamilya niya sa kanya.
Pagpapatuloy ni Direk JL: “Ang tanong, bakit kailangang ipalabas, bakit kailangang ikuwento ang kuwento ni Fr. Rudy Romano?
“Currently, there are around 1,917 missing since Marcos Sr.’s martial law. Patuloy siyang nangyayari.
“Under current regime, there are 15 who were abducted in a span of how many years, ilang taon lang siya. Apat, lima.
“Nais ko lang puntuhin, patuloy siyang nangyayari at nangyayari. At hangga’t hindi tayo natututo na kailangan nating magsalita, sa kaapu-apuhan namin ay magpapatuloy ang ganitong klaseng pangyayari.
“Kaya para sa akin, gusto kong magpasalamat sa ating producers na pagbibigay ng pagkakataon na ikuwento ang kuwento ng hindi makapagsalita.
“Para sa akin, ang pag-alala ay hakbang patungo sa katarungan. Ang pag-alala ay patuloy ng pagkamit ng pag-asa.”
Susog ni JC: “Mahalaga pong ipalabas ang pelikulang ito, aside of course sa pag-alala natin sa pagkawala ni Fr. Rudy, it’s also a story about family.
“It’s about vocation. Tungkol din ito sa pagiging pari, sa pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa Diyos.
“At ang pagiging persistent ni Fr. Rudy ay muli nating ipaalala sa ating mga kabataan, at sa ating manonood na Pilipino.”
Read: Docu film tungkol kay Jonas Burgos, 17 years in the making
NOEL FERRER
Ngayong Nobyembre 19, Huwebes, ang ika-38 kaarawan ni JC Santos.4
Sa mediacon kahapon ay may pa-cake para sa kanya, at kinantahan siya ng birthday song.
Silang dalawa ni Albert Martinez ang nanguna sa pag-unveil ng official poster ng Romano.

Pinost sa Facebook page ng Romano movie ngayong Huwebes ng umaga ang paliwanag kaugnay sa official poster ng pelikula:
“THIS IS MORE THAN A MOVIE POSTER.
“Every image tells a story. Every detail carries a memory. And every element leaves a clue to the story waiting to unfold.
“The poster offers our first glimpse into the world of ROMANO -- a story rooted in faith, shaped by mission, and marked by courage, conviction, and love.
“Every element in this poster has a purpose.
“The faces of our lead actors, JC Santos and Albert Martinez, introduce the characters and the human dimension of the story.
“The church, The Redemptorist Church in Cebu, stands as a reminder of the faith and missionary vocation at the heart of Fr. Rudy's life.
“The motorcycle: Fr. Rudy's usual mode of transportation. More than just a means of getting from one place to another, it represents his itinerant missionary life, bringing him closer to the communities and people he served. It evokes a missionary who was always on the move, going where he was needed and bringing his presence, faith, and solidarity to people, especially those on the margins.
“The coconut trees and landscape offer a visual sense of place, grounding the story in its Filipino setting.
“The restrained red-and-white palette gives the poster a distinctive identity evoking both the solemnity of its subject and the intensity of a story that continues to speak to us.
“The deep, dried, blood-like red provides a somber and haunting atmosphere, echoing the wounds of history, the pain of violence, the sacrifices made in the name of faith and conviction, and the human cost of standing up for what one believes in. The wound may have stopped bleeding but it has never truly healed -- a painful chapter in our nation's history that continues to demand remembrance and truth. In a sense, the red is not merely a color; it is a reminder of a wound in our history that time has not completely healed.
“The crumpled paper background is a visual metaphor for memory, history, and the passage of time. The textured surface gives the poster an aged, archival quality, as though the story has been preserved in the pages of history. Even when history is wrinkled, complicated, or unfinished, the stories written on it deserve to be remembered.
“Perhaps the most personal detail in the poster is the title itself. The lettering is not just an artistic choice. Its handwritten design is based on Fr. Rudy Romano's actual handwriting. Even before audiences see his story unfold on screen, they are already encountering something that genuinely came from him -- his own handwriting.
“And if you look a little closer, there are breadcrumbs and Easter eggs hidden throughout the poster. Some are obvious, others are more subtle, they were deliberately placed to reward those who take time to look beyond the first impression. They are little invitations to discover more without giving away the story.
“This is more than a movie poster. It is a visual introduction to a missionary lite, a tribute to a Redemptorist whose story deserves to be remembered, and a reminder that the witness of faith does not disappear even when a life is marked by uncertainty.
“The story of Fr. Rudy Romano is not simply a story about the past. It is a story that challenges us in the present.”
Read: Kim Molina talks baby plans after accepting Zsazsa Zaturnnah role
