JERRY OLEA
Nakapag-rehearse na sina Kim Molina at Esteban Mara para sa Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh!.
Kinumusta namin sa Dramedy Queen of Philippine Showbiz ang kanyang bagong leading man.
“Very sweet si Bagets!” bulalas ni Kim sa mediacon noong Nobyembre 18, 2026, Miyerkules, sa Lust bar, Sct. Torillo St., Quezon City.
“Pero hindi pa kami nag-aano, e. Next year pa namin ii-start talaga yung rehearsal-rehearsal. “But he’s very sweet. Very makulit na bagets, oo.”
Mid-20s na si Esteban, ah?! Bagets pa ba iyon?!
“Well, bagets siya for me! Hi! Hi! Hi! Bagets siya for me. Feeling ko, lahat ng lalaki, pag iko-compare ko sa edad ng asawa ko, lahat, bagets!” sambit ni Kim.
“So! Hi! Hi! Hi! Hi! Pero sweet lahat silang mga cast na bagets. Nakakatuwa.”

ESTEBAN MARA ON KIM MOLINA
Hiningan namin kapagkuwan ng reaksyon si Esteban sa sinabi ni Kim na kesyo very sweet siya.
Natatawang sabi ni Esteban: “Once pa lang kami nag-rehearse ni Kim, e. Well, siguro, dahil may mga mutual friends din kami, baka same humor, same ano.
“Madali rin namang makagaanan ng loob si Kim since very welcoming and warm siya as a person.”
Nakita o naramdaman ba niya agad na may chemistry sila?
“Ahhmm to be honest, ngayon, hindi pa. Kasi hindi pa kami masyado…” pag-amin ni Esteban.
Siyempre, kailangang may chemistry rin sila ni Nar Cabico na gaganap bilang Ada.
Tumango si Esteban saka nagturan: “Oo, kailangan. But that’s something na kailangan naman namin i-work on.
“Pero ako naman kasi, ewan ko, madali akong ipares. Ha! Ha! Ha! Para akong kanin, e. Madali akong ipares kahit kanino.
“Kasi, I always prioritize making my partner or kung sino man yung ka-tandem ko comfortable.
“Kasi I know, once they’re comfortable with me, it’s gonna be easier to be open and vulnerable with each other.”
Read: Kim Molina talks baby plans after accepting Zsazsa Zaturnnah role
GORGY RULA
Importante ang physical preparation para sa Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh!, na ang restaging ay nakatakda sa Abril-Hunyo 2027 sa Shooting Gallery Studios, Zapote St., Makati City.
Paano niya inihahanda ang kanyang katawan?
“Naku! Gaya ng sabi ni Kim kanina — diet talaga! There’s no other way to it but to really check what you’re eating,” tugon ni Esteban Mara.
“Kasi, kahit anong buhat mo, kung hindi naman maayos yung kinakain mo, walang mangyayari.
“Although hindi pa ako nag-i-start ngayon. Kasi, I wanna take it slow. Kasi, yung mga previous production ko na nag-require sa akin ng diet, medyo crash yung ginawa ko.
“So, now, I’m aiming to do it slowly but surely. Kasi nakakaapekto rin siya sa mental health, e, like brain fog, wala kang energy.
“So I’m gonna be more smart about my diet plan for this Zsazsa Zaturnnah.”
esteban mara as yummy dodong
Sa cast reveal pa lang ng Wishbone Collective sa kanilang Facebook page ay topless na si Esteban. May pa-abs agad-agad.

Gaano dapat siya ka-yummy bilang Dodong sa 20th anniversary staging ng Zsazsa Zaturnnah musical?
Natatawa muling sagot ni Esteban: “Well, wala naman silang sinabi, pero ako, personal take ko, I wanna be as yummy as I can be!
“Kasi, yun si Dodong, e! Kagaya ng sabi, community crush siya. Siya ang crush ng bayan.
“Kaya kailangan mapanindigan yon. Hindi puwedeng mukha-mukha lang. Kailangan, ma-imbibe talaga siya sa personality, sa physique, and sa ugali niya.
“Kasi feeling ko kay Dodong, hindi lang naman siya attractive because of his looks. Attractive din kasi iyung pag-uugali niya, and how he sees life and love as well.”
Ang mga naunang nag-Dodong sa Zsazsa Zaturnnah musical through the years ay sina Arnold Reyes, Rocky Salumbides, Janvier Daily, Lauren Novero, Red Anderson, at Prince Stefan.
Sa movie, ang nag-Dodong ay si Alfred Vargas.
Read: BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion
NOEL FERRER
Bilang Dodong, mahirap bang i-internalize yung pagtingin o pag-ibig niya sa gay beautician na si Ada (Nar Cabico), at sa superheroine na si Zsazsa Saturnnah (Kim Molina)?
“Ahhm ako, to be honest, hindi,” sambit ni Esteban Mara.
“Simple lang ang pagtingin ko sa pag-ibig. Kasi feeling ko, universal naman siya.
“Kaya supportive din ako sa lahat ng uri ng pag-ibig — huwag lang yung mga pedophile. Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba?!
“All kinds of love na… basta pag-ibig, malinaw sa akin yan. And walang kaso sa akin.
“So dito, how I translate it, since klaro sa akin ang konsepto ng pag-ibig dahil ako mismo ay isang mangingibig na tao, madali ko lang siyang naia-apply dito.
“Kumbaga, it’s the same form, it’s the same concept but applied to a different entity or different person or character.”
Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh! FABULOUS CAST
Maliban kina Esteban, Kim, at Nar, nasa fabulous & gandalicious cast ng musical sina Shiela Valderrama bilang Queen Femina, Almond Volante bilang Didi, at Neomi Gonzalez/Kakai Bautista bilang Aling Britney.

Nasa ensemble sina Jannah Baniasia, Melody Hodgson, Miah Canton, Roxy Aldiosa, Vico Bonoan, Maise Briones, VJ Cortel, Brio Divinagracia, Jenris Garcia, Tara Imperial, Jasper Jimenez, Belle Mendoza, Red Nuestro, Paula Paguio-de la Paz, Ivan Panganiban, Noelle Polack, Kaye Roma, Niño Royeca, Jhoanna San Juan, Giana Uy, at Ephraim Vicente.
Ang iba pang cast members ay sa Enero 2027 ire-reveal.
