PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes warns of more job losses in Philippine TV

Joey Reyes: Local movie industry must become sustainable.
by PEP Troika
Published 5 days ago
joey reyes film industry
FDCP Chairman and CEO Joey Reyes shares his thoughts on the challenges facing Philippine cinema, television, and theater, saying the local movie industry must learn to adapt and become sustainable.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Sabay ipinalabas sa mga sinehan noong Oktubre 14, 2026 ang 2 Valid IDs at Pee Mak.

Pareho silang tumabo! Tumiba!

Win-win, winnie, winona sa takilya! Ang saya-saya!

PERO ang estado ngayon ng local movie industry…

“Kailangang maging sustainable!” bulalas ni FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes o Direk Joey nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 20, 2026, Biyernes, sa Versailles Tent ng Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

“Di ba? Siyempre mahirap namang iambisyon na ibalik ito katulad noong 2017 or 2016 na talagang tinitimba ang mga pelikulang Pilipino.

“Inevitable itong mga nangyayari. Kasi, that’s part of change. Part of technological change. Plus nagkaroon ng pandemic.

“Na nag-iba ang kaisipan, naiba ang kabihasnan ng tao. Which is why the industry must unite.

“The industry must co-exist in platforms. Dati sasabihin nila, ‘Ahhh kasi yan, may mga streaming kaya ganyan.’ We have to co-exist with that.

“Kasi cinema must not die. At maaari nating masolusyunan yan kung mauupo tayo at pag-usapan natin at sama-sama tayo, magkaroon tayo ng unity sa ating paghahanap ng solusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi yung kanya-kanya.”

JOEY REYES ON THE STATE OF TELEVISION AND THEATER

Hindi lang local movie industry ang naghihikahos ngayon, kundi pati ang local television industry.

“Buong business world!” sambit ni Direk Joey.

Pero ang teatro, masigla…

“Kasi antagal nawala niyan, tapos biglang bumalik. Pero makikita mo, sino ba ang nanonood ng teatro?” pagmamatwid ng multi-awarded scriptwriter-director.

“Hindi naman ito katulad nung mga Bulwagang Gantimpala noon na ang mga tiket ay PHP150, PHP250. Ngayon, libo ang theater.

“Nagpapatunay lamang na ang nanonood ng teatro, yung can afford, OK. At hindi na sila nanonood ng sine, OK.

“At kung manood man sila ng sine, yung pipili sila. Ang nanonood na ngayon ng sine, yung nag-iisip. Nag-iisip.

“At mga you know, who can afford, OK. And it’s a natural process. I’m happy for theater!

“I’m happy for theater but I hope mas ma-democratize ang theater. At saka maging mas sustainable siya.

“Kasi alam mo naman tayo, kapag bumongga ang isang bagay, e, kung anik-anik na ang gagawin! Oo, hindi ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakabangon pa kaya ang TV industry?

“Noon pa man, naaamuy-amoy ko na… na mamamatay na yan!” saad ni Direk Joey.

“Kasi nga, teknolohiya. I mean, it saddened me, andaming mga kaibigan ko ang nawalan ng trabaho, at mawawalan ng trabaho.

“Pero hindi mo malabanan yan, e! Hindi ba? Considering kung ano ang nangyayari sa ngayon, ay naku!”

Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto dies at 32 after cancer battle

NOEL FERRER

Maraming artistang wala o bahagya nang mabigyan ng trabaho ang sumabak sa online raket, kagaya ng live selling o pagiging digital creator.

“Well, kailangan! Survival, e!” sabi ni Direk Joey Reyes.

“Kasi kung mauupo ka at hihintayin mo ang grasyang dumating sa pintuan mo, mamamatay ka sa gutom.

“At ako bilang isang writer, bilang isang creative… hindi puwedeng maupo ako rito at hintayin ko ang producer kumatok sa akin.

“Survival! Unang-una, ang any career sa showbusiness, lalo na dito sa Pilipinas, may taning. May taning!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Na I was greatly affected by what Maricel [Soriano] said that, ‘There will come a time and people will not want me anymore. And I will accept that.’

“Totoo iyan, e. Totoo yan, e! Kasi kung bata ka, akala mo, your career is forever. Hindi!”

GORGY RULA

Nakikita ba niya ang sarili na magiging content creator eventually?

Natatawang sagot ni Direk Joey Reyes: “Natatakot ako pag ginawa ko ang content creation! Alam mo naman ang bunganga ko!”

If ever, anong klaseng content ang gagawin niya?

“It’s reacting to social issues, and even reacting to daily life.”

Kung live selling, ano ang puwede niyang ibenta?

“Maliban sa katawan ko? Alam mo ako, if ever, hindi naman live selling, I’ll recommend books,” tugon ni Direk Joey.

“I’ll recommend things to read. I’ll recommend songs. I’ll talk about it.

"Pero isang dream ko, kaming dalawa… yun talagang magwawakas ang maraming mga content creators.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magsama kami ni Mr. Fu talking about national issues and all that! P*t*, e, yun lang masasabi ko!”

Kung sa sexy-sexy o harut-harot si Mr. Fu…

“Ako yung banal. Ako yung boses ng konsensya. Si Mr. Fu ang alagad ng demonyo, ganun!”

Read: Jessica Sanchez: A new chapter, in her own voice

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chairman and CEO Joey Reyes shares his thoughts on the challenges facing Philippine cinema, television, and theater, saying the local movie industry must learn to adapt and become sustainable.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results