JERRY OLEA
Where Love Has Gone ang title ng isang nobela ni Harold Robbins na na-publish noong Oktubre 1962.
Basehan ito ng 1964 Hollywood film na ganoon din ang title, at tinampukan nina Susan Hayward, Bette Davis, Mike Connors, at Joey Heatherton.
Ang theme song ng movie na iyon din ang title ay inawit ni Jack Jones.

Where Love Has Gone din ang title ng 1984 Regal movie directed by Joey Gosiengfiao.
Tinampukan naman ito nina Amalia Fuentes, Charito Solis, Eddie Rodriguez, Snooky, Julie Vega, Janice de Belen, at Albert Martinez.

WHERE LOVE HAS GONE FOR TWO COUPLES?
Naalala ko ang mga Where Love Has Gone na iyan nang mabalitaan kong hiwalay na ang isang aktor at isang aktres.
Pakiwari kasi ng aktor ay tinapakan ng aktres ang kanyang pagkalalaki, kaya minabuti niyang makipagsaulian ng kandila.
Hindi sapat ang sigasig upang manatili ang init ng kanilang pag-ibig.
Sumagi muli sa isip at balun-balunan ko ang Where Love Has Gone nang maulinigan kong nag-breakup na ang isang twentysomething singer at ang kanyang benefactor.
Walang Forever?!!!
Read: Joey Reyes looks for Jorrybell Agoto's replacement in film with JM Ibarra
NOEL FERRER
Hindi Nahahati Ang Langit ang title ng isang nobelang komiks ni Nerissa G. Cabral. Sa Tagalog Klasiks iyon na-serialize.
Iyon ang pinagbasehan ng 1985 romantic drama directed by Mike de Leon, na ganoon din ang title.
Tampok doon sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Edu Manzano, Nestor de Villa, at Gloria Romero.

Swak sa “love affair” ng twentysomething singer at benefactor ang Hindi Nahahati Ang Langit.
Ayaw ng benefactor na may kahati siya sa puso ni twentysomething singer.
Na-link si twentysomething singer sa isa ring singer na two years younger sa kanya.
In-insist ni twentysomething singer na magkaibigan lang sila. Totoo naman iyon.
"Kapwa Ko, Mahal Ko' ang bet ng friendly singer.
Ayun, nabuking ni benefactor na may non-showbiz na kasintahan si twentysomething singer.
Hindi maatim ni benefactor na sa kabila ng lahat na ipinagkaloob niya para kay twentysomething singer ay nagawa pa siyang “pagtaksilan” nito.
GORGY RULA
Merong kasabihan, “Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin.”
Nagbida nga si FPJ sa pelikulang Kapag Puno Na Ang Salop (1987).
Ang Part 2 nito ay Ako… Ang Huhusga (1989).
Napuno na si aktor kay aktres, ganoon din si benefactor kay singer.
Malamig ba ang Pasko nilang apat? Parang hindi.
Si Benefactor, may bagong “playmate.”
Saan kaya pupulutin ang career ni singer ngayong binitawan na siya ng kanyang benefactor?
