PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTO Chief clarifies stand on Geo Ong's helicopter arrival

Geo Ong's LTO case won't be affected by helicopter arrival, says Lacanilao.
by PEP Troika
Published 2 days ago
markus lacanilao geo ong
LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao (leaft) criticizes content creator Geo Ong (right) for turning his appearance at the agency's office into social media content after arriving by helicopter to answer a show cause order over alleged motorcycle violations.
PHOTO/S: Land Transportation Office Facebook

GORGY RULA

Nagkaroon ng panibagong isyu ang pagpunta ng rapper at content creator na si Geo Ong sa tanggapan ng chief ng Land Transportation Office (LTO) na si Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Ayon sa nakalap ng PEP Troika, inisyuhan si Geo ng show cause order dahil sa pagmo-motor nang walang helmet, at meron pa siyang dalawang sakay na bawal daw talaga.

Nakabase si Geo sa Palawan, kaya ang Region IV-B ang nagpatawag sa kanya.

Pero nag-request daw ang content creator na sa main office ng LTO sa Maynila siya pumunta. Gusto raw kasi niyang ma-meet ang chief ng LTO.

Pinagbigyan naman siya.

Lumipad si Geo mula Ilocos Sur pa-Quezon City sakay ng helicopter.

Habang nasa ere ay nag-post pa si Geo kung saan naka-tag ang LTO at may caption na “Papunta na Chief.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ASEC. MARKUS LACANILAO ON GEO ONG'S CHOPPER RIDE

Hindi ito nagustuhan ni LTO Chief ASec. Markus Lacanilao.

Nilinaw niyang hindi siya nakaramdam ng pang-insulto, o tipong mockery. Pero sana raw ay iginalang ni Geo ang gobyerno at ang proseso ng LTO.

Ginawa pa raw content ni Geo ang pagpunta sa LTO office sakay ng chopper.

Ani Asec. Lacanilao nang nakausap namin sa telepono: “Hindi insulto sa akin. Sa akin, walang problema yun, e.

“Pero yung pagrespeto sa pamahalaan at proseso ng pamahalaan, hindi nila ginagawa. Ginagawang laro.”

Read: LTO chief slams Geo Ong's helicopter arrival: "Hindi katanggap-tanggap."

JERRY OLEA

May dagdag pang paliwanag si ASec. Markus Lacanilao.

Aniya: “Ang sa akin lang kasi, pinadalhan siya ng subpoena ng gobyerno.

“Ngayon, ang gagawin niya, magpo-post siya na nakasakay siya sa helicopter, ita-tag pa niya, sabihin niya, ‘O, LTO chief, papunta na ako.’

“Ano yun, nagyayabang ka dahil na-summon ka? Mayaman ka? Hindi puwede yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tayo ba sa korte, kapag sinummon tayo ng judge, sasabihin natin, ‘O, Judge, papunta ako diyan, ha? Naka-Ferrari ako.’ Hindi, di ba?

“Yung paggalang, parating nandudun. E, may kasalanan sila, e, tapos ganun. Kaya dun ako ano… yun ang mali.”

NOEL FERRER

Makakaapekto ba ito sa kaso ni Geo Ong sa LTO?

“Hindi naman. Kung ano lang yung regular, yun lang naman,” tugon ni ASec. Lacanilao.

“Tinanong lang naman ako ng media kung ano yung pananaw ko, e. Sasabihin ko lang kung ano yung pananaw ko.”

Sa pagkakaalam namin, iyon din ang araw ng pagpunta ni Cai Cortez sa LTO.

Pero ayon kay ASec. Lacanilao, nasa ibang division daw iyon.

Hinintay lang daw niya kung ano ang resolution nito.

Pati raw yung kay Mikah ng BINI ay hinihintay rin ang resolution.

Pero iba na ang haharap nito, dahil inilipat na siya sa DOTr (Department of Transportation) bilang Undersecretary sa Maritime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Miyerkules, November 25, na raw ang turnover nito sa DOTr.

Read: Rendon Labador latest personality flagged by LTO over traffic violations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao (leaft) criticizes content creator Geo Ong (right) for turning his appearance at the agency's office into social media content after arriving by helicopter to answer a show cause order over alleged motorcycle violations.
PHOTO/S: Land Transportation Office Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results