JERRY OLEA
Nagulantang ako sa mga nagbalita noong Nobyembre 17, 2026, Martes, na kesyo available na sa Netflix ang telefantasyang Encantadia Chronicles: Sang’gre.
May mga nagpausok pa sa Facebook na kesyo Nobyembre 16, 2026, Lunes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang telefantasya nina Terra (Bianca Umali), Flamarra (Faith da Silva), Deia (Angel Guardian), at Adamus (Kelvin Miranda).
Pero kahit anong halughog ko sa Netflix noong araw na iyon ay waley akong nasilayan na Sang’gre.
Ngayon lang Nobyembre 25, Miyerkules… nakita ko sa Netflix Philippines na Disyembre 7, 2026, Lunes, pa mag-i-streaming ang Encantadia Chronicles: Sang’gre.
FAKE NEWS na available na sa Netflix ang Encantadia Chronicles: Sang’gre. KURYENTE!!!

UPCOMING NETFLIX MOVIES
Siyangapala, bukas, Nobyembre 26, Huwebes, ay streaming na sa Netflix ang pelikulang Spider-Man: Brand New Day, ganoon din ang four-part anthology na Paskong Pinoy.
Ang logline ng Paskong Pinoy: “A reunion in Boracay, an office romance, mistaken identities, and feuding sisters — four stories that capture love, family, and a Filipino Christmas.”

Sa Nobyembre 30, Lunes, Bonifacio Day, naman ang streaming ng MMFF 2000 official entry na Tanging Yaman.
Sa pagkakatanda ko ay ito ang topgrosser ng 26th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Humakot ito ng siyam na parangal, kabilang ang best picture, best director (Laurice Guillen), best actor (Johnny Delgado), best actress (Gloria Romero), best cinematography (Lee Meily), at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.

Sa Disyembre 3, Huwebes, naman ang streaming ng Regal movie na Saving Cherry starring Barbie Forteza.
Co-stars dito ni Barbie sina Mikee Quintos, Khalil Ramos, Mika Salamanca, Sassa Gurl, AC Bonifacio, JC Alcantara, at Kokoy de Santos.
Noong Setyembre 2 ito ipinalabas sa ating mga sinehan.

Read: Miss Universe 2026: Puerto Rico wins crown, Bea Windorski is 3rd runner-up
GORGY RULA
Nag-streaming kahapon, Nobyembre 24, Martes, ang finale o Episode 90 ng seryeng Someone, Someday starring Kathryn Bernardo, James Reid, and Maja Salvador.
Totoo ba na ang susunod na Kapamilya series na mag-i-streaming sa Netflix ay ang Season 2 ng Incognito kung saan bida si Daniel Padilla?
Sa Enero 2027 ba mag-uumpisa ang Netflix streaming nito?
Ayon sa source ng PEP Troika ay 26 weeks tatakbo ang Season 2 ng Incognito, at good for 12 weeks na ang nakunan nila.
Ang gaganda raw ng mga eksenang na-shoot sa Bukidnon?!
Kung Enero 2027 mag-uumpisa ang 26-week run ng Incognito (Season 2), malamang na 128 episodes ito.
Kasi, sakop ng airing nito ang Huwebes Santo at Biyernes Santo sa Marso 2027.
Kaya sa halip na 130 episodes ay babawasan ito ng dalawang episode para Biyernes pa rin eere ang finale episode nito sa free TV.
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ngayong Nobyembre 25, 2026, Miyerkules:
- From
- The Blue Road
- Doctor X: Mafia in White
- The Body
- Dead-End Job
- 100 Days of Deception
- Raw
- Someone, Someday
- The Trials of Karen Read
- The Master Cutter: Anak ng Sinulid
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe 2026 Top 5 Final Q&A portion
NOEL FERRER
Noong Nobyembre 19, 2026, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang pelikulang HB2Me nina John Arcilla at Elijah Canlas.
Kinabukasan, Nobyembre 20, ay nanguna na ito sa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines.
Isang araw lang itong topnotcher.
Mula Nobyembre 21, Sabado, hanggang ngayon, Nobyembre 25, Miyerkules ay No. 1 ang animated musical fantasy comedy na Steps.
Noong Nobyembre 23, Lunes, nag-streaming ang 2003 romantic drama na Ngayong Nandito Ka, starring Jericho Rosales and Kristine Hermosa.
Ngayong Miyerkules ay pumasok na ito sa Top 10 Movies list.
TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies ng Netflix Philippines ngayong Nobyembre 25, 2026, Miyerkules:
- Steps
- Guarding Stars
- HB2Me
- Ninja Assassin
- Never Surrender
- Oblivion
- 13 Hours
- Tom & Jerry
- Lake Placid 3
- Ngayong Nandito Ka
Read: Iranian singer Parastoo Ahmadi gets 74 lashes over online concert
