PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actor's sudden change of heart puts movie project in limbo

Popular actor reportedly backs out of film after months of talks.
by PEP Troika
Published A day ago
blind item popular actor movie producer
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Dismayado ang isang movie producer sa sikat na aktor dahil wala raw itong palabra de honor o isang salita.

Ayon sa movie producer, siya ang nilapitan ng handler ng aktor na bigyan ito ng magandang project na ibang-iba sa mga nagawa na nito.

Gusto raw nila ay malayo sa image ni aktor sa publiko para challenging.

Natuwa ang movie producer dahil gusto rin niyang makatrabaho ang sikat na aktor.

Kaagad nag-isip ang buong team ni Producer ng magandang kuwento na puwede kay Aktor.

Nabuo nila ang kuwento, at ipinadala ang script para basahin ng aktor.

Nagustuhan daw ni Aktor ang script, pero wala pa itong mai-commit na schedule.

THE WAITING GAME

Naghintay si Producer.

Pagkalipas ng ilang buwan, nag-follow up sila. Nagpa-meeting.

Ang sabi ng sikat na aktor, gusto niyang gawin ang proyekto.

Willing si Producer na mag-adjust sa schedule. Maghihintay sila.

Hanggang sa napagdesisyunan nilang gawin na ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inayos na ang ilang detalye, at higit sa lahat, ang leading lady na kukunin nila.

Ngayong halos nakakasa na at ipapa-approve na sana sa sikat na aktor ang makakatambal niya, mukhang umaatras na raw si Aktor.

May concern na naman daw ang aktor sa script.

Read: Who is Miss Universe 2026 Jennifer Barreto?

JERRY OLEA

Hanash daw ng handler ng aktor, parang lumalabas na mas mabigat ang role ng lead actress. Parang hindi raw naka-focus kay Aktor.

Nawindang ang movie producer.

Ni minsan daw kasi ay hindi nila iyon pinag-usapan.

Sa pagkakaalala ng movie producer ay tatlong beses nilang na-discuss ang script.

Mismong ang aktor daw ang nagsabi sa movie producer na gusto niyang gawin ang pelikula. I-go na raw ang project.

Nakatakda na sana nilang simulan ang shooting nito first quarter of next year.

WHAT HAPPENED?

Bakit ngayon, naiba ang ihip ng hangin?

Bakit ngayon lang nag-comment ng ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniklavu?! Haynakoh!

Mahirap sumabay sa taong pabagu-bago ang isip.

Nakakapagod mag-adjust sa hindi sigurado!

Read: Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid legal battle with Lakam

NOEL FERRER

Kung sabagay, puwedeng magbago ng isip ang isang artista.

Pero ang punto ng movie producer, mahigit isang taon silang naghintay.

Hindi lang minsan, kundi ilang beses daw nilang pinag-usapan ng sikat na aktor ang project.

Bakit pinaasa ni Aktor si Produ na gagawin ang pelikula?

At ngayong nakapaghanda na ang produksiyon, inaayos na ang mga detalye ng film project na ito, biglang may eme-eme si Aktor?

Anikla?! Aba, aba, aba!

Kung hindi ka sure, huwag kang mag-OPM (oh, promise me) para hindi ka maka-hurt.

BACK TO STEP ONE

Ang ending, balik na naman si Produ sa step one.

Kailangan nilang maghanap ng panibagong aktor na gaganap sa lead character.

Marami namang magagaling na bagay sa role ng movie project na ito, pero nakakadismaya lang daw dahil aware daw ang aktor at ang buong management team nito na binuo nila ang script para talaga sa aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakapanghinayang lang daw talaga.

Read: Miss Universe 2026: Puerto Rico wins crown, Bea Windorski is 3rd runner-up

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results